Ilang minuto akong natulala sa ere, hanggang sa nakayanan ko na ring tingnan sina mama at papa na parehong inaabangan ang sasabihin ko.
Kagat-labi akong napahikbi sa harap nilang lahat, at ramdam ko ang pagpipigil ni Isbelle para 'di ako malapitan. They were forcing me to choose, for the second time.
Wala silang kaide-ideya kung papaano ako naghirap no'ng mga panahon na 'yun.
They didn't have the idea how that particular date burned the whole me. Para sa kanila, parang wala lang. Ang dali-dali lang para sa kanilang saktan ako.
"'Wag na kayong mag-away, please," pagmamakaawa ko. Naramdaman ko pa ang labis na panunubig ng mga mata ko. Hindi na rin malinaw ang paningin ko pero gustong-gusto ko talaga silang matingnan. "'Pa, tama na. Pagod na akong pumili. Hindi na kaya ng anak niyo. Hindi ko na... Kaya."
"See?" maluha-luhang lumapit si mama sa 'kin. Damang-dama ko kung gaano siya kasaya. Kakaiba rin ang reaksyon ni ate, gulat na gulat. Umiling ako. No, mali sila ng iniisip.
"'Ma, hindi rin kita pinipili," pahikbi kong sabi, at nagsinghapan naman silang lahat, hanggang umabot na sa punto na grabe na ang pagtulo ng mga luha ko. Masyado na silang marami para mapigilan pa. "Sawa na po akong pumili. Wala akong pinagsisihan sa pinili ko noon, pero 'di ko rin naman maitatago sa sarili kung papaano ako nabuhay nang 'di kompleto. Maawa naman sana kayo sa anak niyo."
Dahan-dahan na namang sinakop ng kalungkutan ang sistema ko, at naramdaman ko ang yakap ni Ate Isbelle sa 'kin. Halata rin ang pagpipigil ni papa para 'di ako lapitan.
Sobrang sakit na kasi. Pinag-aagawan nila ako. Papaano ako magiging masaya? Papaano ako magiging masaya kung pinapapili ako ng mga magulang ko? Sinong anak ang matutuwa?
"Anak," boses ni mama. Alanganin niya 'kong tinapik sa balikat -- wala nang kasinglambot ang tapik na 'yun na para bang isa akong babasagin na kayamanan. "Pasensiya ka na kung naiipit ka na naman sa sitwasyon namin. Pero... Intindihin mo naman sana ako."
Dahil sa huli niyang sinabi, mas lalo pa 'kong napakagat sa sarili kong labi. Bumitaw ako mula sa pagkakayakap kay ate, at ramdam ko pa nga na parang natatakot si Isbelle na bitawan ako.
"'Ma," I said using my uncontrolled voice. Sinubukan ko na ring tumayo nang tuwid, pero parati pa ring namamanhid ang mga tuhod ko na sinabayan pa ng pagsakit ng puso ko.
Sa loob ng ilang taong lumipas, ni 'di man lang ba 'ko naunawaan ni mama? Hindi ba siya naawa sa anak niyang ilang taong nabuhay nang pira-piraso pa rin ang pagkatao?
"Intindihin niyo naman sana ako," I cried in front of them. At ngayon, mas lalo kong na-realize kung gaano ako kamalas. Sa mga pinagsasabi kasi ni mama ngayon, parang walang halaga ang nararamdaman ko ngayon, kasi para sa kaniya, 'yung pakiramdam niya lang ang mas mahalaga sa lahat.
"Kasi..." muli kong bulong saka tinuro nang paulit-ulit ang sariling dibdib, "ang sakit na kasi. 'Di ko na kaya. Wala akong ibang pinagsabihan sa problema kong 'to kaya... Hindi na rin ako makahinga nang maayos. Ang sikip-sikip na po nito at sa sobrang sikip, parang nawawalan na rin ako ng pagmamahal para sa sarili ko."
Mas lalo ko pang kinagat ang pang-ibabang labi, habang sila namang lahat ay nag-iwas kaagad ng tingin. Nang tiningnan ko naman si papa, hindi na rin siya makatingin nang diretso sa 'kin, at ganoon din si mama. Lahat sila ay ayaw akong tingnan.
Kaagad na lang akong tumakbo papalayo sa bahay namin. Narinig ko pa ang tawag nilang lahat, pero dahil sa desidido na talaga akong magpakalayo-layo muna, wala na silang nagawa pa.
'Di nagtagal ay napagod na rin ako sa kakatakbo, pero katuwa-tuwa kasi hindi pa rin nawawala ang kirot sa puso ko. Talagang ayaw akong tantanan.
Malungkot kong niyakap ang sarili. 'Di na 'ko nagtangka pa na kunin ang phone ko sa bulsa at baka'y makapagsumbong pa 'ko sa mga kaibigan ko. Ayaw ko silang gambalain. Buhay ko 'to, kaya ako lang dapat ang dapat na masaktan. Hindi na dapat ako mandamay ng iba.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Novela Juvenil"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.
