29

36 6 2
                                    

Kaagad akong nagbaba ng tingin para mas lalo pang makita ang pagtulo ng mga luha ko patungo sa lupa. Nang mag-angat ng tingin, hindi na klaro sa 'kin ang lahat. Ang mga luha sa mata ko ang naging dahilan para piliin kong tumalikod na lang.

Sa 'di kalayuan, nakita ko si Ytang. Joyce and Lowelyn were comforting her.

I also needed the comfort too, but it seemed like nobody noticed my unsaid voice. Gusto ko sanang tawagin sina Lowelyn at Joyce kasi... nasaktan din naman ako. Pero alam kong mas kailangan ni Ytang ng mga yakap ngayon. Sa aming dalawa, siya siguro ang mas nasasaktan kasi hinayaan ng Diyos na sa kaniya lumapit sina Lowelyn at Joyce.

At isa pa, hindi nila alam ang totoo kong nararamdaman. They never saw my sad tears. They never heard me bursting out my pain. After all, I had chosen to hide my pain. After all, someone was more deserving to receive such comforts. At ako, siguro ay kaya ko naman damhin nang mag-isa 'to.

Malakas kasi ako.

One last glance at Spencer, and my world shuttered in pieces. It may sound overstatement but I really felt my heart tearing apart. Napapikit ako at lumapit sa mga kaibigan ko.

Pero bago ako tuluyang lumapit sa kanila, sinigurado kong 'di sila makakakita ng kung anong marka ng luha sa mukha ko. I wiped the stain off my cheeks. Malalim akong huminga at mas kinagat pa ang pang-ibabang labi.

"Frency," mahinang tawag ni Lowelyn sa 'kin. Nilingon ko sila gamit ang normal na tingin. Tipid akong tumango at hinaplos ang braso ni Ytang. Until now, she was still crying, her arms shaking.

I envied her for being a showy person. Kasi ako, hindi ko siya kayang gayahin. I was comfortable at making people think that I am okay even though I really am not. I preferred to act like everything's alright even though I really am tired mentally, physically, and emotionally.

I envied those people who can voice out their pain. Kasi sa pamamagitan ng kakayahan nilang 'yun, marami ang dadalo at tutulong sa kanila.

At oo, I call that way of releasing pain as an extraordinary talent because not all people can do that. Some choose to hide their sorrow for different reason. It's either they don't want people around them sad or they can't just saw themselves asking for help. Maybe they can only see themselves hiding in their own shell.

Kagaya ko ngayon, 'di ko makita ang sariling humihingi ng tulong. Mas gusto kong solohin at damhin ang sakit.

"Ytang," I called her. Pinatatag ko ang boses ko para sa kaibigan ko. Kapag makikita niya kasi akong umiiyak, hindi lang siya malulungkot kundi magtataka rin. "Kalimutan mo na lang siya. Ano... hindi kayo puwede. 'Yung babaeng.... kahalikan niya kanina, magka-edad sila, parehong may kaya sa buhay. Wala kang laban."

Those words made my legs weak. Na dinagdagan pa ng luha ko na pilit ko lang na pinipigilan. Those words... It felt like they were for me. I actually needed those words for me to finally know my place. Nakakatawa. Sarili kong salita, ako lang naman mismo ang natamaan. Sarili kong salita, ako lang din naman ang nasaktan.

"Frency!" galit na tawag ni Lowelyn sa 'kin. Marahas niyang inabot ang braso ko at mariin akong tiningnan. "Ano'ng nangyayari sa 'yo?! Hindi ka nakakatulong!" Bumilis ang paghinga niya habang litong-lito akong pinagmamasdan.

"Kayo rin naman... a'?" bulong ko sa hangin. At least, my tears wasn't falling yet. I was so strong. "Hindi rin kayo nakakatulong. Hindi niyo ako tinutulungan."

"Frency." Hinawakan ni Joyce ang magkabila kong braso. Pinaharap niya ako sa kaniya, at mas lalo kong pinigilan ang sarili sa pagkurap para 'di mahulog ang mga nakatagong luha sa gilid ng mga mata ko. "Ytang needs support. 'Bat mas lalo mong pinapalala ang sitwasyon?"

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon