"Kailangan ko nang umalis," sabi niya sa nagso-sorrry na boses. Tinanguan ko na lang siya kasi 'di niya naman kailangang mangamba. At isa pa, gusto ko na rin namang magpaalam, naunahan niya lang talaga ako.
Tuluyan na siyang tumalikod. Alam ko nang sa lugar na 'to, e', medyo malakas ang net, kaya ay in-on ko ang data ko at nag-send ng messages kina Ytang, Lowelyn at Joyce. Free naman sila ngayon kaya hinintay ko na lang sila. Umupo ako saglit. Hanggang ngayon, nagi-guilty pa rin ako sa pinagsasabi ko kagabi. They deserve an explanation from me.
Minutes had passed, and I could finally notice them walking towards me. Hindi ko pa nga lang nakikita si Joyce kasi nga talagang malayo ang bahay nila. Gustong-gusto ko na talaga silang yakapin ngayon lalo na si Ytang.
I felt like I committed a crime. Ytang didn't deserve to receive hurtful words from me. Joyce was right, Ytang needed the comfort. But instead of cheering her up, I even had the guts of dragging her down.
"Parang tanga," bulong ni Ytang. Napakahigpit ng pagkakayakap ko sa kaniya. Kahit na tumatawa-tawa siya ay alam kong nasasaktan pa rin siya. Kinurot niya ang leeg ko at mas lalong humalakhak sa inaakto ko. Kung puwede ko lang talaga siyang mayakap ng isang araw, gagawin ko.
"Nakainom 'ata ng beer," bulong ni Lowelyn sa sarili. Nang-aasar niya na lang akong inirapan at umupo. "Naiintindihan naman kita kagabi. Masama pa kasi ang pakiramdam mo. Dapat ay 'di ka na lang sumama sa 'min. Si Ytang kasi..."
"Anong ako?" Tinuro ni Ytang ang sarili, nanlalaki ang mga mata. "Ikaw rin naman! Um-agree ka!"
"Um-agree ako kasi pinilit mo 'ko!" Nagpigil pa si Lowelyn ng tawa. "Maharot ka kasi! Kaya ayan! Natauhan na rin sa wakas! Broken hearted, jpeg."
"Hindi ako broken hearted." Ytang pouted at her own words. "Malas lang talaga ako kagabi."
'Di nagtagal ay nagpakita na rin si Joyce. Pagod na pagod siyang umupo sa tabi ko. Nakangiwi niyang pinaypayan ang sarili. Sana pala'y siya na lang ang pinuntahan namin! Siguradong naglakad lang ang Joyce na 'to! Halata sa pagod na naglalaro sa mga mata niya.
Ilang minuto kaming hindi nag-usap-usap. Hinayaan muna namin si Joyce na magparaos. Ayaw naman naming tumawa habang may isa sa 'min na hinihingal. Kaya ayon nga ang nangyari, pinanood na lang namin siya. At nang mapansin na medyo relaxed na siya, nagsimula na ako sa pagsasalita.
Kinuwento ko si Hershly sa kanila. Sinabi ko na nagkausap kami kanina.
"'Tapos?" tanong kaagad ni Ytang, nasa mga mata ang pagiging iritado at interesado. "Inaway ka? Sinabunutan? Tinulak?"
"None of the above po." Kaagad akong tumawa sa ekspresyon na binibigay ng mga kaharap ko. Para silang natatae na ewan. Wala pa nga akong sinasabi pero kung saan-saan na tumungo ang mga predictions nila. Kapag talaga si Hershly na ang topic namin, umiinit kaagad ang ulo nila.
Ilang beses ko nang sinubukan na magpalit ng topic kasi siguradong mas lalo lang silang magagalit kay Hershly kapag 'di ako gagawa ng paraan. Pero, talagang demanding ang mga kaibigan ko, pinipilit pa rin ako na magkuwento! Sana pala ay 'di ko na lang sinabi ang tungkol sa pag-uusap namin ni Hershly kanina. Ewan ko ba sa kanila, pinapakaba nila ako.
"Pinuri niya ang buhok ko. She told me that she liked the blonde population. Hindi naman daw siya tomboy, attracted lang talaga siya mga ganitong buhok." Sinuklay ko ang sariling buhok.
"Hmm, 'tapos?" si Lowelyn. Base sa mukha niya, hindi na siya natutuwa sa sinasabi ko.
"'Tapos ano... Change topic na lang tayo," pagmamakaawa ko, pero nang makita na wala pa ring pagbabago ang ekspresyon nila ay napabuntong-hininga ako. "Ano... tinanong ko siya kung saan siya mag-aaral, then sabi niya... Rito raw kasi nadito rin ang future niya... 'Yung crush niya." Malapit na 'atang dumugo ang labi ko kakakagat ko rito. "Kilala niyo ba kung sino ang crush niya?"

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Genç Kurgu"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.