#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖"Lindsy! Bilisan mo! Marami ng mga bisita sa labas!" sigaw ni inay sa akin. Mabilis kong kinuha ang mga wine glass at tinakbo ang pasikot-sikot ang mansion patungo sa hardin nila. Doon ko inayos ang wine glass.Napahinga ako ng maluwag at napatingin sa mga bisita nila.
Katatapos lang ng kasal ni Sir Ysmael at Ma'am Ciel kaya may pagsasalo ngayon. Napatingin ako sa mga bisita nila na nakasuot ng mga damit sa sobrang gara at maganda. Malungkot akong ngumiti hanggang pangarap lang siguro ako magkakaroon ng ganyang damit. Inayos ko ang uniporme kong pangkatulong at pumasok na sa loob ng mansion.Nilibot ko ang paningin ko sa mansion at namangha sa lawak at ganda nito. Sa chandelier man sa mga antique na bagay dito. Ilang saglit ay napatigil ako ng may nakit akong malaking litrato. Sa palagay yung isang lalake si Sir Ysmael yun samantala itong isang lalake sa kabila hindi ko kilala pero sa palagay ko siya si Sir Yohan.
Ngayon palang ako nakapunta sa mansion ng Del Luna kung saan nagtratrabaho si inay. Siya ang mayor doma ng mansion ito. Si Lucia Hermohenez at ako naman ang anak ng mayor doma ng mansion ito si Lindsy Hermohenez. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuhuan ng mansion. Dahil 17 years old pa ako ay hindi ako pinagtratrabaho ni inay ng mabibigat na gawain dahil wala pa raw ako sa wastong edad. Kapag nag 18 na daw ako pwede na daw akong magtrabaho ng mabibigat dito sa mansion.
"Hija, ikaw pala ang anak ni Lucia" napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako at yumuko kay Donya Natasha ang ina ni Sir Ysmael at Sir Yohan.
"Pasensya na po Donya Natasha kung pakalat-kalat po ako sa mansion niyo" nakayukong sabi ko. Nagulat ako ng naglakad ito patungo sa akin at tinapik ang balikat ko at tumawa ng mahina.
"Bakit ka naman nag-iisip ng ganyan,anyways pakidalhan mo nga ng pagkain si Senyorito Yohan mo sa taas, kasi biglang sumakit ang ulo niya sa gitna ng kasal,nagpapahinga siya ngayon sa silid niya at hindi pa siya kumakain kaninang umaga" nakangiting sabi nito sa akin.
"H-Hindi ko po alam kung nasaan ang silid niya Donya Natasha" utal na sabi ko.
"Ahhh nasa taas, nasa unang silid" wika nito sa akin. Mabilis naman akong tumango at pumunta ng mabilis sa kusina para sundin ang utos ng Donya.
"Ohhh Lindsy, bakit ka sumasandok ng pagkain diyan! Bawal pa kumain ang mga katulong" suway sa akin ni inay.
"Inay naman inutusan ako ng Donya, bigyan ko raw ng pagkain sa taas ang senyorito" nakangusong sabi ko sa kanya.
"Ayyy mabuti pa! Kasi hindi pa kumakain ang batang iyon" wika ni inay at tinulungan ako.
Medyo nahihirapan ako sa dala ko pero keri lang para sa kinabukasan ko. Maingat akong naglakad sa hagdan hanggang sa makarating na ako sa harapan ng pintuan ni Senyorito Yohan. Hindi ko alam pero kinakabahan akong pumasok. Hindi ko pa kasi siya nakikita sa personal.
Kumatok ako sa pituan niya. Pero hindi parin ako pinagbubuksan. Kumatok ako ulit pero hindi parin. Kaya naman sa huling katok ko ay mas nilakasan ko pa at bumukas nga ang pinto.
Bumungad ang gwapong mukha ni Senyorito Yohan. Nakasuot siya ngayon ng V-neck T-shirt at sobrang fitted kaya mas lalong humubog ang makisig at malaki niyang katawan. Nakahawak ngayon ang ma-ugat niyang kamay sa doorknob.Seryoso siyang nakatingin sa akin habang kunot ang noo kaya mas lalong dumepina ang makapal niyang kilay. Matangkad rin siya kaya halos tingalain ko na siya. Dahil siguro 17 pa ako at siya ay sa pagkakaalam ko 25 na.
"Ahhhh pinabibigay nga po pala ito ni Donya Natasha hindi pa po kasi daw kayo kumakain kaninang umaga" madaldal na sabi ko. Muntik ko ng sampalin ang mukha ko. Kahit kailan talaga Lindsy wala kang pinipiling lugar para habain ang salita mo. Kainis.
"You may come inside" seryosong sabi niya at mabilis akong pinagbuksan ng pinto. Medyo nahihirapan ako dahil payat ako at wala kong lakas na buhatin ang tray na puno ng pagkain.
"Why did they let you? Bakit ikaw ang inutusan nila?" tanong niya mula sa likuran ko. Maingat kong nilagay ito sa mesa niya at nilingon siya sabay yuko.
"Pasensya na po pero si Donya Natasha ang nag-utos sa akin" sagot ko sa kanya.
"Ni hindi mo nga mabuhat ng maayos ang tray? Sino ka ba? Sobrang bata mo naman para magtrabaho"mahinahong sabi niya. Feeling ko tuloy iniinsulto niya ako.
"Anak po ako ng mayor doma ng bahay, sinasanay po ako ni inay" mahinang sambit ko.
"Sinasanay? Pangarap mong maging katulong" pagmamaliit niya.Napatingin ako ng diretso sa mata niya.Nawalan tuloy ako ng respeto pero yumuko ako ulit ng magtagpo ang tingin namin. Sobrang mabigat at may intensidad ang tingin niya kaya naiilang ako.
"Pasensya na po kung naabala ko po kayo, aalis na po ako" mahinang sambit ko at aakmang aalis na sana pero nagulat ako ng magsalita siya.
"Sandali, dito ka muna" malalim ang bosess niya, kaya naman agad akong lumingon para sundin ang utos niya pero nanatili parin akong nakayuko.
Tahimik ang paligid at umupo siya sa higaan niya. Pinagkrus ang braso dahilan para dumepina ang mga muscles niya at biceps. Ramdam ko na mabibigat na tingin niya sa akin at parang sinusuri ang kabuhuan ko.Kahit na nakayuko ako ay alam kong nakatingin siya sa akin.
"Eat" wika niya at tinuro ang tray na puno ng pagkain.
"Naku po hindi po yan para sa akin, para sa inyo yang pagkain na iyan" pagatanggi ko habang nakayuko parin.
"Kung ganoon ay sabayan mo nalang akong kumain" mahinahong sabi niya.
"Naku hindi po talaga pwede" pagtanggi ko.
"Eat this is an order" may awtoridad sa bosess niya kaya napalunok ako. Sa isang iglap ay hinila niya ang upuan sa harapan niya. Doon ako umupo habang nakayuko. Nagsimula na siyang kumain habang ako ay mabagal na kinuha ang kutsara.
"Kumain ka na kung ayaw mong subuan pa kita" nanlaki ang mata ko at mabilis na sumubo. Para tuloy akong patay gutom kung kumain dahil sa sinabi niya kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/259849756-288-k449305.jpg)
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...