#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
"It's just a friendly date Lindsy don't worry" wika niya. Napatikhim naman ako at natawa ng mahina. "Sorry Jandrick wala kasing tao sa mansion, walang magbabantay nakita mo naman tayong dalawa lang dito" malungkot na sabi ko sa kanya. Gusto ko sanang pumayag ang kaso walang tao dito sa mansion.
"Hindi ko alam kung saan ang mga tao nagpunta" dag-dag na sabi ko sa kanya. "Actually pumunta sila kina Mang Tasio dahil kaarawan niya ngayon" nagulat ako sa sinabi niya. Napatango naman ako.Nang makarating na kami sa mansion ay pinaupo ko siya sa sofa.
"Well kung ganoon dito nalang ako, babantayan natin dalawa ang mansion" natawa kami ng sabay dahil sa sinabi niya. Napailing nalang ako.
"Sigurado ka ba?" sabi ko sa kanya.
"Of course" wika niya.
Nagkibit-balikat nalang ako.Nagpaalam ako sa kanya dahil maliligo muna ako saglit dahil kakagising ko lang habang siya naman ay nagpaalam din sa akin dahil bibili daw siya ng mga ingredients gagamitin niya sa pagluto. Mag-fofoodtrip kami at siya ang nagvolunteer na magluto hindi nga ako makapaniwala na isang lalakeng katulad niya ay marunong magluto.
Saktong pagkatapos kong maligo at paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Jandrick sa kusina. Nakatalikod siya habang naghihiwa ng gulay. Habang naghihiwa siya ay gumagalaw ang muscles niya sa balikat. Napakagat ako ng labi at yumuko. Jandrick is handsome and hot as hell,parang ang special ko namang babae para pag-aksayahan niya ng panahon. Sa mga katulad niyang lalake hindi siya yung tipong tinatanggihan bagkus ay siya ang tumatanggi.
Nilingon ako ni Jandrick dahilan para tumayo ako ng maayos at naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Tumabi ako sa kanya at pinagmasdan ang ginagawa niya.
"Para naman yata akong prinsesa, mabuti pa ay tulungan na kita diyan" wika ko at mabilis naman niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako.
"Hindi na Lindsy, ako ang pumunta rito at nagyaya sa'yo, ako rin ang pasimula ng food trip nato, so please hayaan mo akong pagsilbihan ka" mahinahong sabi niya. Napalunok ako at tumango sa sinabi niya. Umupo nalang ako at pinagmasdan siya sa ginagawa niya.
"Jandrick bakit mo ba to ginagawa" mahinang sabi ko.
"Because i want to Lindsy" nilingon niya ako.
"Anyways may gusto ka bang ipaluto sa akin like may favourite kabang ulam" wika niya. Napa-isip nama ako dahil doon.
"Ahhhh chicken curry hindi ko favourite pero gustong-gusto ko talaga makatikim ng putahe na yan" wika ko sa kanya. Tumango naman siya at bumalik na kaagad sa ginagawa niya.
Napakagat ako ng labi ng malanghap ang mabangong amoy ng chicken curry niluto niya. Amoy palang masarap na, paano pa kaya kapag napunta na sa bibig ko. Heaven!
Pagkatapos ni Jandrick lutuin ay nilagyan niya sa plato ko ang ulam na niluto niya. Nakangiti naman akong nakatingin sa kanya. Pinangunahan ni Jandrick ang dasal bago kami kumain. Sabi ni Jandrick sa akin ay pareho lang sila ni Yohan ng simabahan.Naging magkaibigan sila ni Jandrick sa States. Napag-alaman ko rin na doon nag high-school si Sir Yohan pero pinagpatuloy lang niya ang kaniyang pag-aaral ng Senior high dito sa pilipinas. Nabanggit niya din si Ma'am Ciel.
Kaya daw bumalik ng Pilipinas si Sir Yohan dahil daw kay Ma'am Ciel. Mapait akong ngumiti kay Jandrick.
"Ikaw Jandrick nagmahal ka na ba?" tanong ko sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina dahilan para tumaas-baba ang Adam's apple niya.
"Actually may gusto akong babae" wika niya at nakangiti siyang habang nakatingin sa akin. Magkaharap kami at medyo nilapit niya ang mukha niya sa akin ngayon ay may mesang nakapagitan sa amin.
"Talaga ang swerte naman ng babaeng iyon" wika ko at mabilis na yumuko.
"Of course not, swerte ako sa kanya" wika niya at hindi tinatanggal ang tingin sa akin. Para akong nawalan ng hininga. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay nagvolunteer akong manghugas ng plato pero hindi siya pumayag kaya kami ang nanghugas. Habnag naghuhugas kami ng pinggan ay bigla niya akong binasa sa mukha napapikit ako sa inis at natawa ng mahina. Kaya binasa ko rin siya.
Sobrang basa na ng kusina at tiles kaya noong babasain ko sana si Jandrick ay umiwas siya dahilan para madulas at matumba siya. Nadulas rin ako kaya dumiretso ako sa makisig niyang dib-dib. Mabuti nalang dahil matangkad at malaki siya sa dib-dib lang ako napunta at hindi sa ulo niya baka magkahalikan kami.
Nagkatinginan kami at natawa kami ng sabay.
"What the meaning of these Jandrick! ?" nagulat ako ng may biglang malaki bosess ang umalingawngaw sa buong mansion. Mabilis akong tumayo ganoon din si Jandrick.
Madilim na nakatingin si Sir Yohan sa akin. May galit ang mata niya at nakakuyom ang kamao, ibinaling niya ang tingin kay Jandrick at umigting ang panga niya sa galit. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko para akong nagtaksil sa kasintahan ko kahit na ang totoo wala naman kaming relasyon ni Yohan.
Oo! wala kaming relasyon ni Sir Yohan! Bakit kung makasigaw siya parang nahuli niya akong nanglalake! Jowa ko ba siya? Jowa ba kita sir Yohan? Pwedeng paki-inform sa akin kasi wala akong alam at wala tayong label!
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...