Chapter 4

105 7 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖


Tahimik kaming naglakad patungo sa rancho, medyo napagod nga ako at hinihingal pero hindi ko parin pinahahalata kay Sir Yohan. Ayaw kong pinapakita sa kanya na maarte ako. Pero napawi ang pagod ko dahil sa nakita ko.

Natanaw ko mula di kalayuan ang malawak at malaking rancho nila kaya namangha ako sa ganda nito. Maraming mga kabayo kaya mas lalo akong namangha. Napatingin ako sa basket ng apple, hindi kasya yan sa rami ng kabayo.

Pumasok kami sa kwadra ng mga kabayo. Namangha ako sa mga klase-klaseng kulay nito.As in nanlaki ang mata ko sa gulat.

Ilang saglit ay tumigil si Sir Yohan sa isang kulungan ng kabayo. Maputi ang kabayo kaya maganda tignaan. Hinaplos ni Sir Yohan ang mukha nito at binigyan ng isang mansanas. Kumain naman ito. Napangiti ako ng mapagtantong maamo pala ng kabayong pinapakain niya.

"Bigyan mo rin ng mansanas ang ibang mga kabayo" wika niya. Nanlaki naman ang mata ko at napalunok dahil sa kaba.

"Po?" napalunok na sabi ko sa kanya.

"Ang sabi ko kako, bigyan mo ng mansanas ang mga kabayo" ulit niya.Nanginig naman ang kamay ko sa sinabi niya. Bibigyan ko! Paano kung sipain ako ng kabayo! Paano kong maamo lang sa kanya samantala mabangis sa akin.

Nagulat ako ng lumingon si Sir Yohan at may kakaibang ngiti sa kanyang labi.

"Opo! Bibigyan ko po" wika ko at pumunta sa ikasunod na kwadra. Nanginginig ang kamay ko habang kinuha sa basket ang apple. Paano kung kagatin ako ng kabayo.

Aakmang ibibigay ko na sana ang mansanas sa kabayo ng bigla kong maramdaman ang matigas at makisig na dib-dib ni Sir Yohan sa likuran ko. Napakagat-labi ko. Kumabog ang puso ko ng hinawakan niya ang kamay ko. Nasa likuran parin niya ako. Napatingin ako sa malaki at maugat nuyang kamay na sakop ang kamay kong maliit.

Dahan-dahan niyang ginaya ang kamay ko sa bibig ng kabayo. Napalunok ako pero noong kinain ng kabayo ang mansanas ng hindi nakagat ang kamay naming dalawa ni Sir Yohan ay napahinga ako ng maluwag.

Nilingon ko siya at nanatiling seryoso ang tingin niya sa akin. "Ang mabuti pa ay ako nalamang ang magpakain ng kabayo" wika niya at hinablot ang basket. Napanguso ako at pinanood ko siya habang pinapakain ang mga kabayo sa bawat kwadra.

Lumabas ako saglit at nakita ko mula di kalayuan ang isang tao na nakasakay sa kabayo. Dumadaan siya sa mga obstacle, may bakod naman na nakaharang sa field kung saan sa loob ay sinasanay ng makisig na lalake ang kabayo.

Nakangiti akong lumapit doon. Napahawak ako sa bakod at nakangiting pinanood ang lalake kung paano niya kinokontrol ng mahusay ang kabayo.

Nagulat ako ng lumapit siya sa bandang pwesto ko. Bumababa siya at tinanggal ang sumbrero na kulay kayumanggi. Nagkatinginan kami.Ngumiti siya sa akin at lumapit. Ngayon ay may bakod na nakapagitan sa amin.

"Kumusta ako nga pala si Jandrick" wika niya at naglahad ng kamay. Malaki din ang katawan niya at maganda ang mga muscles niya sa braso pero sadyang mas malaki lang talaga ang kay Sir Yohan siguro ay dahil mas matured si Sir Yohan.

Nakangiti naman akong naglahad ng kamay. "Lindsy Hermohenez nga pala!" wika ko,kumunot ang noo ko ng hindi niya pa binibitawan ang kamay ko.Pero natauhan siya at tumawa kaya mabilis na binitawan ulit ang kamay ko.

"Napadaan ka lang sa rancho?" tanong niya.

"Hindi, katulong ako sa Mansion ng Del Luna at saka inutusan ako ni Sir Yohan na samahan siya dito para tulungan magpakain ng kabayo sa kwadra" wika ko. Tumango namna siya.

"Ikaw ano ka ba dito sa rancho?" tanong ko sakanya.Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko.

"Ako may-ari ng rancho na ito" wika niya, dahilan para kumunot ang noo ko.

"Weeeee" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Isa siya sa may-ari ng rancho" nagulat ako ng biglang sumulpot ang bosess ni Sir Yohan sa likuran ko. Napalingon ako, kunot ang noo niyang tiniganan ako ng seryoso at binaling ang tingin kay Jandrick.

"Isa siyang Fuentevel, at kasosyo sa negosyo ng Del Luna ang Fuentevel sa negosyo na ito" wika ni Sir Yohan at hindi parin inaalis ang matalim na tingin kay Jandrick, umigting ang panga niya.

"Ahh ganun ba ang galing naman" nakangiting sabi ko. Binaling niya ang tingin sa akin ngayon at tinignaan naman ako ng matalim.

Luhh why naman ganoon makatingin, may kasalanan ba ako?

"Umuwi na tayo" mariin na sabi niya. Tumango naman ako at kumaway kay Jandrick kumaway naman siya pabalik sa akin. Pero nang tinignaan ako ng masama ni Sir Yohan ay binababa ko ang kamay ko, napatikhim at umayos ng tayo.

"Nalingat lang ako saglit, may kalandian ka na" mariin na sabi niya. Nanlaki naman amg mata ko sa sinabi niya. Akala ko babawiin niya ang sinabi niya pero nagulat ako ng hindi niya tinatanggal ang tingin sa akin. Seryoso kunot ang noo, umigting ang panga niya at para bang naghihintay ng paliwanag ko.

Jowa ba kita! Makaasta nito!

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon