Chapter 14

96 9 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖



Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa babaeng maharot na ngayon ay hinahaplos ang makikisig na braso ni Sir Yohan at pilit pa siyang kinakausap ng babae. Pero nakatingin lang  ng seryoso sa akin si Sir Yohan. Inirapan ko nalang siya at padabog na naglakad paalis.Talagang sa harap ko pa sila naglandian.

"Lindsy wait for me!" sigaw niya sa akin. Tinakpan ko ang tenga ko at naglakad pa ng mabilis. Pero hindi sapat ang mga hakbang ko kumapara sa hakbang niya.

"Bakit ba!" inis na sabi ko ng hinawakan niya ang aking balikat. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto sinigawan ko si Sir. Oh my ghad nakalimutan kong katulong lang ako nila.

"Bakit po Sir?" hininaan ko ang bosess ko sa pagkakataon na ito.

"Look, kung ano yung nakita mo kanina wala lang iyon" wika niya sa akin. Kunware naguguluhan ako sa sinabi niya.

"I'm sorry Sir pero wala lang yun sa akin, actually kailangan ko ng pumunta sa rehearsal kasi nagsisimula na. Kung ayaw niyo akong hinatayin or kung busy kayo pwede niyo na ako iwan" wika ko sa kanya.He just groan and messed his hair.

"Look Lindsy i just want you to know that---" may sasabihin pa sana siya pero pinutol ko kaagad.

"Your presence is not important here Sir Yohan, so it's okay for me kung may lakad pa kayo ng babaeng iyon" wika ko sa kanya.

"Yohan, why did you left me" maarteng sabi ng babae sa gilid namin. Nagulat ako dahil bigla siyang sumulpot. Humawak siya sa braso ni Sir Yohan. Agad naman hinawi ni Sir Yohan ang kamay na nakakapit sa braso niya.

"Venice pwede ba huwag muna ngayon" may iritasyon sa bosess ni Sir Yohan. Tapos ay nang ibaling na niya ang tingin sa akin ay biglang naging malumanay.Pero umiling lang ako at naunang naglakad paalis.

Napatingin ako sa suot ko ngayon, pantalon at T-shirt lang na pinaresan ko ng rubber shoes. Napatingin naman ako sa kapwa kong mga candidates na nasa taas ng stage. Maganda ang mga suot nila kumpara sa akin. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at nang nakita ako ng bakla ay ngumiti siya at kumaway. Nagsimula ng naglakad ang bakla papunta sa akin.

Nang makalapit na kami ay aakmang magsasalita sana ako ng nagulat ako ng deneadma lang ako ng bakla at pumunta siya sa likuran ko. Muntik na akong mapahiya dun ah.

"I'm glad that you came here Mr Del Luna, we sent you invitation for tomorrow at ikaw ang isa sa napiling mga magjujudge ng mga candidates" wika ng bakla kay Sir Yohan. Nilingon ko si Sir Yohan at nakapamulsa siya ngayon. Nang ibinaling niya ang tingin sa akin ay nag-smirk siya. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy nalang sa paglalakad papunta sa stage.

Nagsimula ng magturo ang bakla kung saaan kami pwepwesto. Habang naglalakad sa gitna ng stage ay hindi mawala ang kaba sa dib-dib lalo na't nasa harapan ko si Sir Yohan. Seryoso ang mata niyang nakatingin sa akin habang ang mga braso niya ay nakahalukipkip dahilan para mas lalong dumepina ang matigas niyang mga muscles sa braso. Napalunok ako sa kaba.

"Good! Ms Hermohenez" puri ng bakla sa akin sabay palakpak.

Unti-unti ng dumidilim ang kalangitan at ngayon ay kinakausap na kami ng husto ng  bakla. Napatingin ako sa paligid at malapit ng matapos  ang pagdedesign ng mga tao sa buong gymnasium. Pagkatapos n kami kausapin ng bakla ay nilagay ko sa sling bag ko ang tumbler at panyo.

"Are you done?" muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig ang bosess ng kapre sa gilid.

"Bakit ka ng gugulat?" muntik na akong mainis sa kanya. Pero kinalma ko ang sarili ko.

"I'm sorry" tumawa siya ng mahina napatingin ako sa Adam's apple niya na tumataas at bumababa.

"Are you still mad at me?" tanong niya sa akin. Nilingon ko si Yohan at napabuntong hininga.

"Huh? Hindi, bakit naman ako magagalit" wika ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Naglalakad na ako ngayon samantala nakasunod naman siya sa akin.

"Uhhh maybe because of--" hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya ng tinaas ko ang kilay ko sa kanya.

"Nevermind" wika ni Sir Yohan at nag-iwas ng tingin. Nagkibit balikat naman ako.Pero napangiti ako ng palihim ng isiping niya ang nararamdaman ko nang nasa paligid namin ang babaeng iyon.

Naglalakad na kami nagyon papunta sa kotse niya at hindi parin maiwasan ang pagiging tsismosa ng mga tao sa paligid lalo na kasama ko si Sir Yohan. Nang makasakay na ako ay agad akong nag-selt belt.

Nagsimula naring paandarin ni Sir Yohan ang kotse.Pero nagulat ako ng niliko niya ang kotse sa pagkakaalam ko ang kalye na dinaanan niya ay papunta sa plaza.

"Yohan saan tayo pupunta" sinubukan kong tawagin siya sa kanyang pangalan.

"Glad you call me that" nakangiting baling niya sa akin sabay kindat. Napakagat ako ng labi at pinigilan ang sarili na ngumiti.

"Pupunta tayo sa plaza" nakangiting sabi niya. Tumango naman ako at binaling ang tingin sa kalsada. "Ako ang magtotour sayo at hindi ang Jandrick na iyon" nagulat ako sa pahabol niya. Natawa naman ako ng mahina dahil doon.Tumingin siya sa akin ng may iritasyon dahil sa ginawa kong pagtawa pero napalitan agad iyon ng seryosong tingin.

"Gusto kong sa gabing ito huwag mong isipin na amo mo ako at katulong lang kita, gusto kong isipin mo na magkakilala lang tayo  ibig kong maging masaya ka ngayong gabi, binibini" pormal na sabi niya at ngumiti sa akin ng matamis.Nagwawala na ngayon ang mga cells sa katawan ko at feeling ko yung mga blood vessels ko nagkabuhol-buhol na.  Hindi ko alam pero dahil doon sa sinabi niya feeling ko tuloy nasa ulap na ako siguro dahil sa sobrang kilig wala na ako sa ulap kundi na sa universe na ako.

----------------------------------

Don't forget to Vote, comment and follow me for more updates  :)

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon