#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
"I'm sorry buy i can't" nakangiting sabi niya. Inis ko naman siyang tinignaan. Hindi ko akalain na mapapahiya ako ng ganoon.
"Hindi kita kasintahan pero kung papayag ka well--" nakangiting sabi niya.Aakmang kakalasin ko na sana ang kamay niya sa gilid ko para umalis ay nagulat ako ng hinalikan niya ulit ako sa labi. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Be my girl Lindsy"bulong niya sa tenga ko. Masyado akong distracted lalo na't nasa harapan ko ang matigas niyang katawan, ang matigas at kumikinang niyang abs.
" Fine"wika ko.
"Parang napipilitan ka lang eh" kumunot ang noo niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at tinignaan ng seryoso ang maamo at gwapo niyang mukha. "Hindi Yohan, hindi ako napipilitan pumapayag na ako na maging kasintahan mo" wika ko at napakagat ng labi. Ngumiti naman siya ng matamis nagulat ako ng napunta ang kamay niya sa maliit kong beywang at hinila niya ako palapit sa kanya.
"Mahal kita" bulong niya sa tenga ko.Hindi ko alam pero napangiti ako sa pagkakataon na iyon. Pero nanatili akong tahimik at hindi siya sinagot. Dahan-dahan niyang inilapit ang labi niya sa labi ko at aakmang hahalikan ulit niya ako nang nilagay ko ang palad ko sa sa gitna ng labi namin.
"Nakakailang halik kana, magmeryenda ka muna" nakangusong sabi ko habang nanatili parin ang palad ko.
"Ikaw ang gusto kong meryenda" wika niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Pumula ang pisnge ko.Samantala tumawa lang siya ng mahina tumataas at bumababa ang Adam's apple niya.
Binasa niya ang pang-ibabang labi niya at nagulat ako ng hinalikan niya ang palad ko.Paulit-ulit iyon para ng sa ganoon ay mawala ang kamay na nakaharang sa labi ko. Hindi ko namalayan na naibaba ko na ang palad ko at tuluyan ng bumigay sa halik niyang nakakahilo.
Mas pinalalim niya ang halik niya sa akin. Napahawak ako sa dib-dib niya at bumababa iyon sa matigas niyang abs.Nagulat ako ng hinawakan niya ako sa beywang at bigla niya akong pinaupo sa mesa para mahalikan niya ako ng mas maayos at malalim. Hinawakan niya ang pisnge ko naghabol kami ng hininga habang nagkatinginan sa isa't isa.
"Mahal Kita" wika niya ng walang bakas na tinig at bibig lang niya ang pinapagalaw. Natawa ako ng mahina.
"Aren't you gonna say you love me?" demanding na sabi niya. Natawa ako ng mahina.
"Required ba talagang sabihin iyon?" inosenteng sabi ko.
"Dahil kasintahan kita kaya required iyon na sabihin mo" wika niya at kinurot ang ilong ko. Napanguso nalang ako. Pero biglang tumahimik ang paligid namin at bumuntong-hininga siya.
"Are you still doubting me?" masuyo niyang sabi sa akin.Binababa ko ang tingin ko.
"Alam kong mahirap na pagkatiwalaan mo ako Lindsy pero totoo itong nararamdaman ko sayo, mahal kita sobra-sobra" wika niya nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin.
"Kung ganoon ano iyon naramdaman mo kay Ciel?" napakagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa nasabi ko.
"Napagtanto ko na siguro nga ay mahal ko si Ciel bilang kapatid kaya mahirap tanggapin na may ibang lalakeng kumukuha sa atensiyon niya, we've been together for years kaya siguro hindi ko matanggap na mapupunta siya kay Kuya pero alam mo ba kung ano ang mas nakakahanga"wika niya. Hindi mapigilan ng mga luha ko na tumulo dahil sa sinabi niya.
"A-ano" nabasag ang bosess ko noong sabihin iyon. Hinawakan niya ang pisnge ko at pinunasan ang luha sa mukha ko.
"It's because you came, noong nakilala kita hindi ka na natanggal sa isipan ko" malambing na sabi niya at pinaglalaruan ang daliri naming dalawa.
"Nanatili ka sa puso ko, it's always been you through these years" wika niya at nagtagpo ang tingin naming dalawa.
"Akala ko ba First never dies" nakangusong sabi ko sa kanya.Ngumiti naman siya at mabilis akong hinalikan sa labi.
"Hindi ko nga alam kung mahal ko ba si Ciel, siguro ang pagmamahal ko sa kanya ay bilang kaibigan at kapatid kasi kung mahal ko talaga siya dapat pinaglaban ko at nasasaktan parin ako hanggang ngayon, pero hindi noong dumating ka parang nawala ang lahat ng sakit mas higit ang pagmamahal ko sayo kaysa kay Ciel pero sympre mas mahigit pagmamahal ko sa Dios"malambing na sabi niya.
"Okay" nakangusong sabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at nang kumalas na siya ay dahan-dahan niyang hinawakan ang baba ko para halikan ulit ako pero hindi iyon natuloy nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Ginulo ko ang buhok niya noong sumimangot siya. Tumawa ako ng mahina at sinagot ang tawag.
"Hello"
"Hello, anak tatay mo to" wika ko sa kabilang linya. Kaya naman kinalas ko ang kamay ni Yohan na nakakapit sa beywang ko at naglakad paalis para makapag-usap kami ng maayos ni itay.
"Itay kumusta na po kayo bakit ilang araw na kayong hindi umuuwi,si Jandrick?" nag-alalang tanong ko.
"Nasa manila kami ngayon ni Jandrick anak, dahil may inaasikaso kami. Bumili na rin si Jandrcik ng maraming seeds para paguwi namin maraming maitanim ang mga magsasaka" ramdam ko ang tuwa ni itay sa kabilang linya.
"Kumusta ang truck na naaksidente itay?" tanong ko.
"Ayos naman sila sa ngayon, sa lunes na ako uuwi diyan, habang si Jandrick magpapaiwan dito" wika ni itay.
"Opo" wika ko.
"Wag mong pababayaan ang sarili mo ha anak, kumain ka sa tamang oras,alright?" may pag-alala sa bosess ni itay.
"Kayo rin po, huwag niyo hayaan ang sarili niyong lamunin sa pagtratrabaho mag-laan kayo ng oras para sa sarili niyo" nakangiting wika ko sa kabilang.
"Sigeh na anak ibaba ko na ito, mag-ingat ka mahal kita" wika nito.
"Paalam po mahal ko rin kayo" wika ko. Binababa ko na ang tawag ni itay at naglakad na ako papunta sa cottage para puntahan si Yohan pero nagulat ako ng pagkarating ko wala siya sa cottage.
"Yohan!" tawag ko sa kanya. Pero wala talaga siya. Saan naman iyon nagpunta. Huwag niyong sabihin sa akin na guni-guni ko lang kanina na nandito si Yohan, imposimble naman yata.
"Yohan!" tawag ko sa kanya at napakagat ako ng labi nang hindi ko parin siya mahagilap. May luhang tumulo sa luha ko. Ibig sabihing pansamantalang kaligayahan lang ang naranasan ko kanina.
Nagulat ako ng may biglang pumulupot na braso ng dahan-dahang yumakap sa beywang ko. Ramdam ko ngayon ang matigas at matipuno niyang dib-dib sa likuran ko. Pinunsan ko ang luha sa pisnge ko.
"Why are you crying hmm?"bulong niya sa tenga ko.
" Wala! akala ko kasi wala ka na"malungkot na sabi ko. Tumawa naman siya ng mahina sa tenga ko. Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa leeg at pisnge ko.
"Flowers for you langga" nagulat ako ng may ipinakita niya sa mukha ko ang isang sunflower. Namula ang pisnge ko pero kaagad naalitan iyon ng pagtataka.
"Saan mo kinuha yan? " nagtatakang tanong ko.
"Sa mga pananim niyo" wika niya sabay tawa ng mahina. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin at mabilis na hinampas ang matigas niyang braso .Pero nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
Roman d'amourIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...