Chapter 16

98 8 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖

Kanina pa ako palakad-lakad sa daan, feeling ko nawawala na ako.May pa walk-out walk-out pa kasi akong nalalaman kahit ang totoo hindi ko alam kung paano pauwi. Tapos ang uuwian ko pang bahay ay mansion nila Sir Yohan.

Totoong nasasaktan ako sa mga nangyari, sa mga binitawang salita ni Venice. Nagsquat ako sa gilid ng kalsada at ipinatong ang dalawang siko ko sa tuhod. Pinagpahinga ko ang pisnge ko sa magkabilang palad ko.

Maybe Venice is right Sir Yohan is just playing around me.Dahil siguro bitter pa si Sir Yohan kay Ma'am Ciel. Hindi ko namalayan na may namuuong luha sa mata ko. Tumayo ako at tumingala. Unti-unti ng nagiging kulay abo ang mga ulap sa kalangitan hudyat na may paparating na ulan. Napabuntong-hininga ako at yumuko doon bumagsak ang mga luha sa mata kasabay ng pagbagsak ng ulan.

Maari kong maihalintulad ang mga mata ko sa langit sa kalangitan. When Sir Yohan is with me hurting me, ang tanging magagawa lang ng luha ko ay mamuo sa mata ko just like how when clouds turn gray before it turns into rain.

Namumuo lang at pinipigilan ang sarili na masaktan sa takot  na baka kapag iiyak ako ay maiisip niyang may malalim akong pagtingin sa kanya.

Basang-basa na ako at unti-unti ng dumidilim ang paligid.Tanging street lights sa kalsada ang nagbibigay ilaw sa daan. Napatingin ako sa magkasintahan na nakasilong sa isang payong habang naghaharutan. Hindi ko tuloy mapigilan mapaiyak ulit. Naghahalo na ang tubig ulan at luha sa mukha ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong wala ng ulan na pumapatak sa katawan ko, sa kinatatayuan ko. Tumingin ako sa taas at napansin ang payong.Nilingon ko kung sino ito at nanlaki ang mata ko ng mapagtantong si Jandrick iyon.

"Jandrick?" gulat na baling ko sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.Unti-unting kumunot ang noo niya at binababa ang ulo para magpantay kami ng  tingin.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong niya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Napatingin ako sa kanya nakasuot lang siya ng simpleng T-shirt  na may color blue na jacket at khaki shorts.

"Naabutan ako ng ulan galing kasi ako sa gym" wika ko sa kanya at  nag-iwas ng tingin.

"Namumula ang mata at ilong mo, ayos ka lang ba?" may pag-alalalang tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at tumango sa sinabi niya.

"Mabuti nalang at naabutan kita, the rain is heavy baka magkasakit ka niyan lalo na't basang-basa ka na sa ulan" wika niya.

"Can you hold this for me?" wika niya at inilahad ang payong sa akin. Tumango ako at kinuha ang payong sa kanya. Nagulat ako ng hinubad niya ang jacket na suot niya. Umiling ako para sana pigilan siya pero hindi siya nagpaawat at nilagay na sa balikat ko.

"Jandrick hindi ko naman to kailangan ikaw kailangan mo to baka malamigan ka" wika ko sa kanya. Kinuha naman niya ang payong sa akin at ngumiti ng kaunti.

"You need this jacket dahil ikaw ang nabasa Lindsy, wag mo naman akong tanggihan para mong tinapakan ang dignidad ko bilang lalake" wika niya sa akin dahilan para matawa ako ng mahina.

"That's better" wika niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Hindi pa kaming nagsimulang maglakad dahil nag-uusap pa kami.

"Anong better?" tanong ko sa kanya.

"Maganda kapag ngumingiti ka, byernes santo kasi ang mukha mo" natatawang sabi niya.Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad. Nagtaka ako kung bakit nandito siya sa labas kaya tinanong ko siya, ang sagot naman niya sa akin ay may binili lang siyang gamot sa malapit na tindahan kaya siya lumabas.

"Bakit may sakit ka ba?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa.

"Ang aso ko may sakit hindi ako"wika niya. Namangha naman ako sa sinabi niya mahilig pala siya mag-alaga ng aso.

Natigil lang kami sa pag-uusap ng biglang narating na namin ang mansion at sa isang iglap ay nasa harap na kami ng gate.
"Salamat nga pala sa paghatid sa akin Jandrick" wika ko sabay yuko.

"Walang anuman sa susunod magdala ka ng payong para hindi ka maabutan ng ulan" wika niya tumango naman ako sa sinabi niya.

"Papasok na ako" nakangiting sabi ko ag aakmang bubuksan ko na sana ang gate ng bigla itong bumukas at binungad nito ang mukha ni Mang Kanor ang guardia ng mansion.

"Ohh Lindsy ikaw pala, bakit basang-basa ka?" tanong ni Mang Kanor.Ibinaling ni Mang Kanor ang tingin niya sa tabi ko at kaagad siyang yumuko bilang pagbati "Magandang Gabi po sa inyo Mr Fuentevel" bati nito. Bumati naman pabalik si Jandrick kay Mang Kanor.

Nagpaalam na ako kay Jandrik ng pumasok na ako sa gate kumaway rin naman siya. Nang nasa labas na ako ng mansion ay piniga ko muna ang damit ko lalo na't basang-basa ako. Napatingin naman ako sa jacket na binigay ni Jandrick, nakalimutan kong ibigay sa kanya di bale bukas pagkatapos ng competition magtatanong ako sa mga tao kung saan ang bahay ng mga Fuentevel panigurado kilala ang pamilya nila dito sa Santa Isabela.

Napatigil ako sa pagpiga ng may narinig akong yapak ng paa na naglalakad papunta dito. Napalingon ako at nagsalubong kaagad ang tingin naming dalawa biglang umihip ang marahan na hangin.Sinayaw ang kaunting hibla ng buhok ko sa mukha ganoon din ang kaunting buhok niya na maganda ang pagkagupit habang ang mata ay nakatingin sa akin ng malalagkit at seryoso.

Nakasandal siya ngayon sa engradeng pintuan nila habang nakapamulsa. Iniwas ko ang tingin ko at nagsimulang maglakad papasok sa loob.

"Sinong naghatid sayo dito? Si Jandrick ba?" nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa pulsuhan. Kumabog ang puso ko at napakagat ng labi. Naalala ko ulit ang sinabi ni Venice sa akin.

"Sir Yohan kailanman ay hindi pwedeng alamin ng amo ang buhay ng katulong, amo lang kita kaya wala kang pakealam kung sino ang lalakeng maghahatid sa akin" wika ko sa kanya at aakamang hahawiin ko na sana ang kamay niyang nakahawak sa pupulsuhan ko ng mas hinigpitan pa niya ito. Habang kunot ang noong nakatingin sa akin.

"Si Jandrick ba? Si Jandrick ba ang naghatid sayo?" hindi niya yata narinig ang sinabi ko. Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan.

"Bitawan niyo po ako" may iritasyon na sa bosess ko pero nagawa ko parin siyang galangin.

"Sagutin mo muna ang tanong ko pagkatapo niyang ay bibitawan na kita" seryosong sabi niya.Magkalapit na ang mukha naming dalawa at kaunting galaw ko lang ay maaring magkahalikan kami. Nagulat ako ng napatingin siya sa labi ko dahan-dahang niyang nilapit ang malambot niyang labi sa labi ko mabilis kong iniwas  ang mukha ko dahilan para sa pisnge ko dumapo ang manipis at malambot niyang labi. Kumabog ang puso ko at hindi maawat ang pagtibok. Nakakainis naman kinikileg ako pero kailangan kong pigilan tong nararamdaman ko.

"I'm sorry I didn't mean it" napapaos ang bosess niyang bulong sa tenga ko. Dahilan para tumindig ang balhibo ko. Unti-unti  namuo ang luha sa mata ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa ginawa niya. Nasasaktan ako sa katotohanan pinaglalaruan niya ang damdamin ko. Dahil kahit kailan man ay hindi ko mahihigitan ang pagmamahal na ibinigay niya kay Ma'am Ciel.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon