#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
Mabilis kaming dalawa tumayo ni Jandrick.Nang nakatayo na kami ay may kakaibang ngiti na gumuhit sa labi ni Jandrick nang ibinaling niya ang tingin kay Yohan.Para siyang nang-aasar.
"You may now leave Jandrick" mariin na sabi ni Sir Yohan.
"Of coure I am" wika niya. Nagulat ako ng binaling ni Jandrick ang tingin sa akin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin.
"Leave Jandrick!" sigaw ni Sir Yohan.
"Goodbye Lindsy, hanggang sa muli" nakangiting sabi ni Jandrick.
"Paalam rin sayo" sagot ko sa kanya. Naglakad na paalis si Jandrick nang mawala na siya sa paningin ko lumapit sa akin si Sir Yohan. Bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan niya ang pupulsuhan ko hinila niya ako dahilan para muntikan na akong masubsob sa makisig niyang dib-dib.
"Paalam rin sayo" ginaya niya ang bosess ko. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.Napahilamos siya sa panga niya at tinignan ako ng masama.
"Gumawa ka ng sandwich at magtimpla ka ng juice dalhin mo sa kwarto ko" wika niya at naglakad paalis. Napansin kong nakapangbahay lang si Sir Yohan. Posible kayang nandito lang siya sa mansion buong araw.
Napanguso ako at agad na gumaw ng sandwich para sa kanya nagtimpla rin ako sa juice gaya ng sinabi niya. Habang naglalakad ako papunta sa kanya ay hindi ko maiwasang isipin si inay. Bakit hanggang ngayon wala parin siya? Mabuti pa ay itanong ko nalamang kay Sir Yohan.
Aakamang kakatok na sana ako sa pintuan pero pinagbuksan niya na ako. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa, kaagad akong umiwas. "Come in" mahinahong sabi niya. Nakayuko naman ang ulo ko habang naglakad papasok sa silid niya, nilapag ko sa meda ang tray.Habang inaayos ko iyon ay narinig ko ang padabog na pagsara niya sa pinto.
"May pagkain na po kayo Sir alis na ako" mahinahing sambit ko. Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng maglakad siya papunta sa kinaroroonan ko kaya napaatras ako. Habang umaatras ako ay biglang tumigil ang paa ko ng mapansin ang kama.Wala na akong maatrasan. Napatingala ako sa kanya dahil matangkad siya.
"Mag-usap tayo" mahinahing sabi niya. Pumikit siya at binaling ang tingin sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaupo ako sa kama niya pagkatapos noon ay yumuko siya para magpantay ang tingin naming dalawa. Nagulat ako ng nilagay niya anh magkabilang kamay sa kama sa magkabilang gilid ko. Wala na akong kawala dahil kulong na ako sa mga bisig niya.
"Why are you with Jandrick?" pumikit siya ng mariin pagkatapos ay tinignan ako ng seryoso.
"Nag-food trip po kami Sir?" may pagkasarkastikong sabi ko sa kanya. Umigting ang panga niya at bahagyang ginulo ang buhok niya.
"Stop calling me Sir" mariing sabi niya. Tinaas ko ang kilay at nagtaka sa sinabi niya.
"Bakit naman Sir?" wika ko.
"I said stop calling me that" wika niya.
"Sir naman amo ko po kayo kaya dapat tinatawag ko po kayong Sir" sabi ko.Pumikit siya at nagpigil ng inis. Nagulat ako ng mas nilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Parang nawalan akong hininga.
"Tawagin mo pa akong ulit na Sir hahalikan kita" bulong niya sa tenga dahilan para tumindig ang balhibo ko ay manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ramdam ko ang pagpula ng pisnge ko.
"Okay Yohan" wika ko at tila na estatwa sa sinabi niya.
"Iniba mo ang usapan natin kanina" may iritasyon sa bosess niya.
"Again, why are you flirting with Jandrick even though nandito lang ako sa bahay pwede bang respeto naman Lindsy" mahinang sambit niya.
"Nandito ka pala akala ko wala" wika ko.
"So, kapag wala ako makikipaglandian ka kay Jandrick" may iritasyon sa bosess niya.
"Of coure not!" inis na sabi ko sa kanya.
"Good kasi kapag ginawa mo yun---" napatigil siya at may kakaibang ngiti na gumuhit sa kanyang labi. Umiwas ako ng tingin at umirap sa kawalan.Paano ba naman hindi ko siya mairapan dahil pag-ginawa ko iyon sesanti ako.
"Kayo nga makikipaglandian kay Venice at sa harapan ko pa talaga" bulong ko.
"What did you say?" nakataas ang kilay na sabi niya.
"Bakit niyo ba ako pinagbawalan makipaglandian, tao ako at kailangan ko ring lumandi para mabuhay" wika ko sabay irap.
"Then fine! Kung kailanagan mong lumandi para mabuhay ede sa akin ka lumandi" wika niya at may ngiting nakakakilabot na gumuhit sa labi niya.
"At bakit ko naman gagawin iyon kung nakikipaglandian ka kay Venice" inis na sabi ko sa kanya.
"Hindi ako nakikipaglandian kay Venice sayo ako nakikipaglandian" wika niya. Nagulat ako ng hinawakan niya ang pisnge ko ng dahan-dahan. Nilapit niya ang mukha niya sa akin ng dahan-dahan. Para akong nawalan ng hininga bumilis ang tibok ng puso ko.
"Huwag kang makipaglandian kay Jandrick ha?" malambing na sabi niya sa akin.
"Huwag ka rin lumapit kay Venice" wika ko dahilan para matawa siya ng mahina at tumaas-baba ang Adam's apple niya. Napakagat-labi ako.
"Then that means you're my girlfriend now" wika niya sabay tawa.
"Of course not liligawan mo pa ako" wika ko sa kanya.
Pero agad iyon napatigil noong may narinig kaming sigaw at pareho kaming dalawa napatayo sa gulat. Mabilis akong lumabas ng silid ni Yohan sumunod naman siya sa akin. Nandoon si inay sa sala umiiyak kaya naman mabilis kaming lumapit ni Yohan kay inay.
"Inay okay ka lang anong nangyare?" lumapit ako at dinaluhan siya.
"Manang Lucia? May nangyare ba are you fine? Sinong nanakit sa inyo?" nag-alalang tanong ni Yohan.
"Akala ko iniwan mo na ako" maluhang sabi ni inay. Natawa naman ako ng mahina habang si Sir Yohan ngumiti lang.
"Nay naman anong pinagsasabi mo na iiwan kita, hindi ko yun magagawa nuh" nakangiting sabi ko sa kanya. Pero umiyak lang si inay at niyakap ako.
"Inay kukuha lang ako ng tubig" wika ko tumango naman si inay sa sinabi ko at mabilis na akong pumunta sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig. Habang naglalagay ako ng tubig sa baso ay nagulat ako ng biglang sumigaw si Inay sa sala. Tumakbo ako at nanlaki ang mata ko ng makita si Jandrick at may kasama siyang lalake na sa palagay ko nasa edad 50 pataas. Naka business suit siya kahit na matanda na ay bakas parin sa mukha ang paging gandang lalake at masasabi kong gwapo siya kahit matanda na.
"Anak wag kang lumapit sa kanya" mangiyak na sabi ni inay. Kaagad akong lumapit kay inay.
"Sabihin mo na Lucia, sabihin mo na ang totoo" mahinahong sambit ng lalake. Kumunot ang noo ko at tumaas ang kilay sa sinabi nito.
"Hindi Fernando! Hindi" wika ni inay sabay iling ng ilang besess.Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Sino ka po?" tanong ko sa matandang lalake.
"Ako ang ama mo Lindsy" wika ng matandang lalake. Lumapit si Yohan at pumagitna para pigilan ang lalakeng nag-ngangalang Fernando. Ibinaling ko ang tingin ko kay Jandrick na nakatingin lang sa akin ng seryoso.
"Jandrick? Magkapatid tayo?" naguguluhang sabi ko sa kanya. Ibinaling niya ang tingin sa akin at tumango. Napahawak ako sa noo ko kasabay ng pag-iling. Ibinaling ko ang tingin ko kay ina na ngayon ay umiiyak. Napailing ako ng ilang besess hindi parin nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyare, sa wakas ay alam ko bakit naging kapatid ko si Jandrick? Ibig sabihin isa akong Fuentevel?Biglang nanlabo ang paningin ko at nanghina ang katawan ko sa isang iglap ay nawalan ako ako malay.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
Любовные романыIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...