#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
Tahimik akong sumunod sa kanya. Hindi ko alam pero nangilid ang luha ko dahil sa sinabi niya. Aminado ako na kapag napagsalitaan ako ng masama mabilis lang akong maiyak. Sobrang sensitive ko masyado. Namalayan ko nalang na tumulo ang luha ko kaya naman pinunasan ko iyon.
Hindi ako nagpakita sa dining area at nanatili lang ako sa kwarto pero noong hindi na kumain si Sir Yohan ay kaagad akong pumunta sa kusina para kumain dahil gutom na ako. Simula ngayon iiwasan ko na siya.
Kapag sinaktan ako ng tao, maliit man o malaki ay iniiwasan ko na agad. Dahil sinaktan niya ang damdamin ko siguro isa iyong dahilan na hindi na ako lalapit sa kanya lalo na't maiyakin akong tao.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at ginawa na ang mga trabaho ko sa mansion.Gaya ng paglilinis ng muwebles at pag mop ng tiles. Kaya noong kinaumagahan ay pagdidilig nalang ng halaman ang aatupagin ko.
Nandito na ako ngayon sa hardin nila at dinidiligan ang halaman.Ilang saglit ay napaatras ako at nagtago sa bulaklak ng santan ng nakita kong lumabas si Sir Yohan. Pumunta siya ngayon sa kwadra ng kabayo nila sa likod ng bahay. Sumampa siya at lumilinga sa paligid bago pinatakbo ang kabayo. Para tuloy akong spy sa ginagawa ko ngayon. Napahinga ako ng maluwag ng makaalis na siya.
"Okay payn! Hindi ko nalang siya papansinin inshort magiging bato siya, pero kapag may iuutos siya sa akin papansinin ko siya, sympre kasi katulong naman ako diba?" sabi ko sa sarili ko at napairap sa hangin at pinagpatuloy ang pagdidilig ng halaman.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagdidilig ay nagtago ulit ako ng biglang may yapak ulit ng kabayo ang narinig ko. Sinilip ko kung sino. Napahinga ulit ako ng maluwag ng mapagtanto na si Jandrick iyon. Kaya naman tumayo nalang ako. Lumapit ako ngayon kay Jandrick habang nakakunot ang noo ko . Tila ba'y nagtataka kung bakit siya nandito.
Nang bumababa siya sa kabayo ay naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya. Kaya napatingin siya sa akin ay may ngiting gumuhit sa kanyang labi.
"Hey Lindsy" wika niya ng nakalapit ako.
"Hey Jandrick" gaya ko sa style ng pagtawag niya sa akin. Pero tumawa lang ang bruha.
"Ahh may kailangan ka ba? Bakit ka nga pala naparito?" tanong ko sa kanya.
"Hinahanap ko si Yohan, nandito ba siya?" tanong niya.
"Ehh kakaalis lang po niya eh"sagot ko sa kanya.
"Ahh ganoon ba,may gagawin kasi kami ngayon kasama si Venice at Halley"kumunot ang noo ko ng mabanggit niya ang pangalan ng babae. Pero tumango nalang ako sa sinabi niya.
" Are you busy? "tanong niya sa akin.
"Oo kasi maid ako?" patanong na sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya ng mahina.
"Gusto sana kitang e-tour sa Santa Isabela, for sure di mo pa nalilibot ang lugar na to" nakasmirk na sabi niya.
"Tama ka nga hindi ko pa nalilibot, pero dito rin naman ako mag-aaral kaya malilibot ko rin ang lugar na to" sagot ko sa kanya.
"Then i should get going, baka makaistorbo ako sayo" wika niya kaya naman ay tumango at ngumiti. Sumampa na siya sa kabayo at nagpaalam. Kumaway naman ako sa kanya bilang paaalam.
Noong sumapit na ang alas kwatro ng hapon ay lumabas ako sa mansion dahil natapos ko na ang mga gawain ko kasama ang ibang katulong. Nandito ako ngayon sa may puno ng narra habang nagbabasa ng libro na binigay sa akin ng kaibigan kong si Kianna.Sympre love story ang libro kaya ginaganahan akong magbasa.
Pero napalingon ako ng narinig ko ang yapak ng kabayo na papasok ng mansion. Kumabog ang puso ko at pinilit na huwag lumingon. Kasi kapag lilingon ako, mamamatay ako char. Wrong Turn lang ang peg.
Ramdam ko na tumigil ang kabayo sa tapat ko. Alam kong itatali niya muna siguro saglit dito sa puno ng narra kaya tumayo ako ng hindi siya nililingon at naglakad papapasok ng mansion. Hindi niya naman ako tinawag kaya ayos lang. Wala rin pake sa kanya!
Pumasok ako ng mansion at umupo sa sofa at doon nagbasa. Charr kunware may-ari ng bahay. Ehh wala na akong ginagawa!Dahil sa takot na suwayin ako ni Inay at pagsabihan ako na feel at home dito sa mansion ay kinuha ko ang walis at naglinis ng sahig.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis ay naramdaman ko ang yapak niya kaya naman ay inangat ko ang tingin ko, nagkatinginan kami, kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Akward...
Nagulat ako ng lumapit siya sa akin. Kaya tumigil ako sa pagwawalis.
"Hi Kumusta" bati niya sa akin na para bang bago palang kami magkakilala.
"Hello rin po" nakayukong sabi ko sa kanya at agad na pinagpatuloy ang pag-wawalis.
"Lindsy" tawag niya sa pangalan ko. Kumabog ang puso ko dahil doon.
"Po?" wika ko at nilingon siya.
"May kailangan ka po?" nakayukong sabi ko sa kanya. Inangat ko ng kaunti ang tingin ko nagkatagpo ang tingin namin.
"Can you give me some glass of water" mabigat ang mata niyang nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako dahil sa tindi ng titig niya. Para kasi akong nilalamon.
"S-Sigeh po" utal na sabi ko sa kanya at agad pumunta ng kusina.
Naabutan kong ang mga katulong doon. Natsitsismisan habang si Inay ay nakikitawa habang nagluluto. Tumahimik iyon ng bigla akong pumasok.
"Nandyan na ba si Yohan?" tanong ni Inay. Tumango naman ako.
"Inutusan niya po ako na kumuha ng isang baso ng tubig "wika ko at mabilis na nagsalin ng tubig sa baso galing sa water dispenser. Hindi na nila pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy nalang sila sa pagkwekwentuhan at tawanan.
Naglakad na ako papunta sa sofa kung saan nakaupo si Sir Yohan doon. Nakatingin siya ng mariin at seryoso sa akin. Nilapag ko ng dahan-dahan ang isang baso ng tubig at pagkatapos nun ay tinalikuran ko na siya.
"Lindsy" tawag niya sa akin.
"Po? May iuutos po ba kayo?" tanong ko ng nilingon siya.
"Stay here beside me, that's an order" mahina at napapaos ang bosess na sabi niya. Napalunok ako at hindi ngayon maawat ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
"Hindi po yan trabaho ng maid" mahinang sambit ko pero alam kong naririnig niya ako. Nagulat ako ng naglapag siya ng pera sa maliit na mesa. Tumayo siya at nilapag ang baso. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng seryoso ang tingin niya sa akin habang naglalakad ng dahan-dahan papunta sa kiantatayuan ko. Marahan niyang hinawakan ang siko ko at hinila ako ng bahagya sa kanyang katawan. Kumabog ang puso ko.
"Magkano ba ang bayad na makatabi ka sa upuan ng isang oras?" seryoso niyang sabi. Napaiwas ako ng tingin at hanggang ngayon ay hindi parin maawat ang puso ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Sa isang malaking mansion sa gabing malalim. Sa engradeng sala, isang mayaman na Del Luna ang nagtatanong sa isang katulong. Tila ba nakikiusap na makatabi siya kahit isang oras lang. Hindi ko mapigilan ang malungkot ng mapagtanto ang estado naming dalawa. Ganoon kalayo ang agwat namin pati rin ang edad kaya hindi pwede to! Mali tong ginagawa niya naming dalawa.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...