Chapter 29

103 6 3
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖


"Para kang lumulutang sa ulap iha" wika ni Aling sisa. Nandito ako ngayon sa sala at nakangiting tinitignaan ang sunflower sa vase. Gabi na kaya medyo nalulungkot ako noong kailangan ng umuwi ni Yohan. Naalala ko tuloy noong tinanong ko siya na anong ginagawa niya dito lalo na't  Missionary siya tapos ako ang pinagkakaabalahan niya.

Nagulat ako ng sumama lang siya sa kaibigan niyang missionary at ang totoo hindi naman talaga siya missionary. Sinadya rin niya noong sabadong iyon para magkita kami.

"Pasensya na po Aling Sisa, hindi lang talaga ako makapaniwala" nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti naman si Aling Sisa.

"Hindi na ako makapaghintay bukas Aling Sisa" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Bakit ano bang mayroon bukas?" tanong ni Aling Sisa.

"Magkikita ulit kami ni Yohan" nakangiting sabi ko sa kanya. Umupo naman si Aling Sisa sa tabi ko at naglapag ng isang baso ng gatas."Maraming salamat po" wika ko at ininom ang isang baso ng gatas.

"Oh siya matulog ka na at huwag kang magpuyat kakaisip kay Yohan" natatawang sabi ni Aling Sisa. Natawa naman ako sabay na napailing at pumanhik na sa taas para matulog.

Pagkahiga ko sa higaan ngayon nang biglang tumunog ang cellphone ko malapit sa lampshade. Kinuha ko ito at tinignaan kung sino ang nagtext.

Unknown: Goodnight langga, sweet dreams.

Napangiti ako ng mapagtanto kung sino ang nagtext si Yohan, kaya mabilis kong nilagay ang pangalan niya sa cellphone ko. Napakagat ako ng labi at mabilis na magtipa para sa irereply ko sa kanya.

Lindsy:Saan mo nakuha ang number ko?

Yohan: Kay Aling Sisa :)

Magrereply na sana ako sa kanya ng biglang nagring ang phone ko. Akala ko si Yohan yun pala si Jandrick. Mabilis kong sinagot ang tawa niya.

"Hello Jandrick" sagot ko

"Hi Lindsy, i  really miss you kumusta ka na?" wika niya sa kabilang linya.

"O-Okay lang naman" sagot ko.

"Gusto ko na talaga kitang makita at makasama, i wish you were here" malambing na sabi niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt. Nakikipagrelasyon ako kay Yohan habang nanliligaw pa sa akin si Jandrick.

"Jandrick" mahinang sambit ko nang tumahimik ang paligid dahil walang ni isa ang nagsalita.

"Hmmmm?"sagot niya.

" Uhmm matutulog pa kasi ako ikaw rin alam kong pagod ka na"wika ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, sa katunayan hindi talaga  muna ako matutulog dahil nag-uusap kami ni Yohan sa text.

"Sigeh magpahinga ka, Goodnight" wika niya.

"Goodnight rin sayo" wika ko at pinatay ang tawag. Mabilis ko binuksan ang conversation namin ni Yohan nagulat ako nang nagkaroon ako ng 99 messages galing sa kanya. Muntikan ng mag-isang daan. Napahilamos ako sa mukha ko. Ilang saglit ay biglang nag-ring ang phone kaya palagay ko si Yohan ito. Mabilis kong sinagot ang tawag niya.

"Your line is busy, may iba ka bang katawagan? Did i disturb you" mahinahong sabi niya sa kabilang linya.

"Hindi naman, tumawag lang kasi si Jandrick" wika ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya na may katawagang ibang lalake ang girlfriend niya? Siguro magagalit siya.

Hindi sumagot si Yohan sa kabilang linya. Humiga ako at niyakap ang unan ko at hinintay ang sagot niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Is he courting you?" mariin na tanong niya sa kabilang linya.

"Oum" nakangusong sagot ko sa kanya.

"Then better tell him to stop courting you, I'm you boyfriend now. Im sorry Lindsy but I wont share what's mine" wika niya sa malalim at napapaos na bosess. Napakagat ako ng labi at pinigilan ang sarili na ngumiti. Ramdam ko ngayon ang pagpula ng pisnge ko.

"Sigeh" mahinang sambit ko sa kanya.

"Good, magpahinga ka na  alam kong napagod ka sa araw na to" wika niya. Namula ang pisnge ko ng sabihin niya iyom. Wala naman akong ginawa sa araw na ito. Pero may ginawa kami, naghahalikan kami buong araw.

"Sigeh" sagot ko.

"Goodnight, i love you" malambing na sabi niya. Feeling ko tuloy katabi ko siya at bumubulong siya sa tenga ko. Niyakap ko ng mas mahigpit ang unan.

"Goodnight" sagot ko. Hinintay ko na patayin niya ang tawag naming dalawa pero nang tignaan ko ang cellphone ko bukas parin ang linya niya.

"Ibaba mo na" wika ko.

"No ikaw ang magpatay ng tawag" wika niya. Napapikit ako ng mariin at mabilis na pinatay ang tawag. Hindi yata ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari sa aming kaninang umaga. Akala ko ba hindi ko siya papansinin? Akala ko nakalimutan na niya ako? Akala ko wala na talaga kami para sa isa't isa pero hindi ko rin inaasahan na magkakaroon kami ng relationship.

Kinabukasan ay naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata galing sa binatana. Mabilis akong bumangon at nagdasal tsaka ako bumababa papunta sa sala.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa kusina habang humihikab.Nang makarating na ako sa kusina ay pikit parin ang mata ko. Nakarinig ngayon ako ng tunog ng taong nagluluto ng itlog.

"Good morning Aling Sisa" wika ko at humikab habang nakapikit parin ang mata ko. Gusto ko pang matulog pero ayaw makisama ng katawan ko.

"Good morning langga" bigla kong naimulat ang mata ko sa narinig. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinuro si Yohan na nakatopless at tanging apron lang ang nakatakip sa katawan niya kaya mas lalong makikita mo ang ganda ng katawan niya. Lalo na ang mga muscles niya sa braso.

"B-Bakit ka nandito?" utal na sabi ko sa kanya.

"Nag-apply ako bilang katulong niyo" nakangiting sagot niya. Tumalikod ako dahil sa itsura niya. Masyado siyang attractive hindi ko kayang magkaroon ng ganito ka-hot at kagwapo na katulong.

"Hindi ko kailangan ng katulong sapat na sa akin si Aling Sisa" muntik na akong mautal. Nanlaki ang mata ko ng naramdaman ang kamay niya sa siko ko. Nagulat ako ng pinadaus-dos niya ang kamay niya sa beywang ko, napakagat ako ng labi.

"Kahit na ganito ka gwapo ang magiging katulong mo hmmm?" bulong niya sa tenga ko. Nanindig ang balahibo ko at ramdam ko ang mainit ang mabango niyang hininga sa leeg ko.

"Langga" malambing na bulong niya sa tenga ko. Napakagat ako ng labi ng pinadaan niya ang ilong niya sa leeg ko at hinalikan ng paulit-ulit ang leeg ko.

"Oo  na kainis nito dinadaan ako sa akit" inis na sabi ko at mabilis na lumayo sa kanya ng bahagya. Hinarap ko siya at tumawa lang siya ng mahina napatingin ako sa Adam's Apple niya na gumagalaw pataas at pababa.




-------------------------------------

A/N:

Binago ko ang title ng story dahil hindi ako komportable sa naunang title.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon