Chapter 30

112 8 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖


"Kay aga-aga naglalandian na agad kayo jusko" napatuwid ako ng tayo nang biglang nagsalita si Aling Sisa sa gilid.

"Si Yohan Aling Sisa, ohhh"sumbong ko na parang bata. Kumunot naman ang noo ni Yohan at natawa ng mahina. Napanguso nalang ako.

" Hija, mawawala muna ako ng dalawang linggo dahil birthday ng apo ko, kaya si Yohan nalang ang papalit sa akin"wika ni Aling Sisa. Nalag-lag naman ang panga ko sa sinabi nito.

" Wag kang mag-alala nandito naman ang isang katulong.Kaso ngalang sa katupusan ng buwan iyon pupunta rito para maglinis ng buong mansion" wika ni Alin Sisa. Napanguso naman ako.

"Huwag kang mag-alala nandito naman si Yohan, aalagan ka niya" napang-asar na ngiti na sabi sa akin ni Aling Sisa. Tumango nalang ako ng dahan-dahan.

"Kailan po ang alis niyo?" tanong ko sa kanya.

"Aalis ako ngayon, pagkatapos kong mag-agahan" nakangiting sambit nito. Malungkot naman akong tumango.

"Mabuti pa ay mag-agahan na tayo, nakahanda na pala ang mesa" nakangiting sabi ni Aling Sisa.Mabilis naman kaming pumunta sa mesa at umupo sa upuan para masimulan ng kumain. Nagdasal muna kami bago kumain. Katabi ko ngayon si Yohan habang nasa harapan naman namin si Aling Sisa.




Aakmang kukuha na sana ako ng kanin ng biglang mabilis na nilagyan  kaagad ni Yohan ng kanin ang plato ko. Pinanood ko nalang siya habang inaasikaso niya ako. Napangiti ako ng palihim habang tinitignaan ang maamo niyang mukha. Bumababa ang tingin ko sa mapula at manipis niya labi. Napalunok ako at kaagad nag-iwas ng tingin.

"Hindi naman ako baldado, dapay di mo na ako pinagsilbihan" nakayukong sabi ko at kaagad na nagsubo ng pagkain.

"Pinagsilbihan kita kasi gusto ko at isa pa kasali iyon sa trabaho ko, Ma'am Lindsy" mahinahong sabi niya. Tinignaan ko siya ng masama. Habang kumakain kami ay nagulat ako ng pinagpahinga niya ang maugat niyang kamay sa hita ko.

"Yohan"suway ko sa kanya at bahagya siyang siniko.

Nilingon niya ako na kunot ang noo"What?" takang tanong niya. Hindi niya yata na gets ang ibig kong sabihin. Napairap nalang ako sa hangin.

Nang matapos na kaming kumain ay nagbihis na ako. Kailangan ko kasing pumunta sa lungsod para sa flower shop namin. Dalawang araw din akong hindi nakapunta doon at baka magtanong si itay sa akin kung ano na ang nangyari sa flower shop.

"Mag-ingat po kayo mamimimiss ko po kayo Aling Sisa" malungkot na sabi ko. Nandito kami ngayon sa terminal. Niyakap naman ako ni Aling Sisa.

"Ikaw magpakabait ka huwag kang pasaway kay Yohan" wika niya at palihim na tinignaan si Yohan na ngayon ay nanonood  na nag-uusap sa amin habang nakapamulsa siya.

"Aling Sisa naman hindi naman ako pasaway" nakangusong sabi ko sa kanya. Pero natawa lang si Aling Sisa at niyakap ako

"Oh siya, aalis na ako basta't mag-iingat ka" wika ni Aling Sisa.

"Kayo din po Aling Sisa mag-ingat po kayo" nakangiting sambit ko at kumaway na kay Aling Sisa. Sumakay na siya ngayon ng bus. Habang kumakaway ay nagulat ako ng maramdaman ang braso ni Yohan na pinulupot sa beywang ko. Nang makaalis na ang bus na sinasakyan ni Aling Sisa ay binaba ko na ang kamay ko.

"Ihatid mo ako sa flower shop" nakangusong sabi ko sa kanya.

"Of Course" sagot niya.

Naglalakad kami ngayon at nagulat ako ng pasimple niyang kinuha ang kamay ko at pinagtagpo ang mga daliri naming dalawa. Magkahawak kami ngayon ng kamay habang naglalakad.

"Yohan" suway ko sa kanya.

"What's wrong? natural lang ito sa mga magkasintahan" natatawang sabi niya.Napanguso naman ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang makarating na kami sa kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa may passenger seat. Habang siya naman ang sa driver's seat.Siya rin daw kasi ang hahalili sa driver namin.

Mabuti nalang talaga at hindi nagrereklamo si Yohan.

"Yohan wala ka bang ginagawa?" tanong ko sa kanya habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. Tumawa siya ng mahina at nilingon niya ako.

"Of course mayroon" nakangiting sambit niya.

"Ano?" wika ko.

"Maglinis ng hardin mo, magluto para sayo, maging driver mo, ano pa ba ang kulang? " wika niya at kunware na nag-isip.

"I mean yung negosyo niyo, paano na?" kunot ang noo kong tanong sa kanya.

"I have my own business Lindsy, for 5 years na wala ka hindi mo nasaksihan ang pagpapatayo ko ng wine. Nahanap ko na ang exact taste ng wine na ibebenta ko noong iniwan mo ako" malungkot na sabi niya. Tinikom ko ang bibig ko at tinuon ang tingin sa harap.

"I'm sorry" mahinang sambit ko. Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko habang isa naman ay nasa steering wheel.

"Don't feel sorry for me, alright ang importante ay ang ngayon" nilingon niya ako saglit at mabilis na tinuon ang tingin sa harap. Hindi ko namalayan na may luhang lumandas sa mata ko.Napahawak ako sa dib-dib ko at tahimik na humikbi.

Nagulat ako ng biglang tumigil ang sasakyan at mabilis akong nilingon ni Yohan. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at pinunasan ang pisnge ko na basa na ng luha.

"Why are you crying?" mahinahon na sabi ni Yohan at sinandal ng noo niya sa noo ko.

"Kasi ano kasi, basta" wika ko at may luhang lumandas ulit. Biglang tumahimik ang paligid at walang ni isa ang nagsalita ng biglang binasag ni Yohan ang katahimikan.

"We have done mistakes in the past and we choose to leave each other in order to grow,that's part of God's plan para kapag nagkita na tayo ulit magiging maayos na ang lahat" wika niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.Dahan-dahan nagtagpo ang labi namin.

Hinahalikan niya ako ngayon ng marahan na puno ng senseridad. Malalim at mapusok ngunut may pag-iinagat. Ang bawt labi niya na dumadampi sa balat ko ay parang inaangkin niya ang aking kabuhuan. Tanging pagbilis ng tibok ng puso ko ang naririnig ko.

"Huwag ka ng umiyak okay? After this kapag nakauwi na ang papa mo mag-uusap kami tungkol sa atin" wika niya habang nakasandal ang noo niya sa noo ko at habang hawak ang magkabilang pisnge ko. Tumango ako bilang pag-sang ayon sa sinabi niya.

Tama si Yohan lahat ng nangyari sa amin ay plano lang ng Dios para mas magmature kami at mag-grow. Noong iniwan ko siya iniisip ko ang sarili ko kung ano ang mangyayari kapag nanatili ako sa mansion nila.

Bata pa ako noon, at sobrang dependent lang ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Including si inay. Noong umalis ako buo ang desisyon kahit na sobrang basag ang puso ko sa mga nangyari. Sa pamilya, pag-ibig at kaibigan. Pero sana dumating ang araw na mag-kita ulit kami ni Ate Fely at mag-kaayos.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon