#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
"Ganyan nga! Magaling" palakpak ni Ate Fely.Natawa naman ako ng mahina at kumaway kunware ng parang isang prinsesa. Nagparegister ako kahapon kaya handang-handa na ako sa mangayayari habang mamayang hapon naman ay mayroon rehersal na magaganap sa gymnasium. Kaya kinabahan ako sa maaring mangyari.
Minsan na rin akong sumasali sa mga pageant pero ngayon ay kinakabahan ako ng husto at hindi ko alam kung ano ang mangyayari.
Nanood ngayon si Taneo habang tinuturuan ako ni Ate Fely. Ilang saglit ay nang matapos na kami ay lumapit siya sa akin at binigyan ako ng tubig.
"Salamat" nakangiting sambit ko sa kanya.Ngumiti lang siya pabalik at bumalik sa pag-upo sa coach. Wala ngayon si Sir Yohan dahil may inaasikaso siya sa farm marami na silang kliyente ngayon at napapansin ko rin na mas lalong naging busy si Sir Yohan.
Speaking of Sir Yohan naalala ko tuloy ang kahihiyan ko noong nakaraang araw. Gusto kong alisin sa utak ko pero di ko maalis. Namula tuloy ang pisnge ko dahil sa biglang pumasok iyon sa isipan ko. Pinukpok ko ang ulo ko ng paulit-ulit para makalimutan ang kahihiyan pero hindi talaga.
Shems ala-ala ng kahihiyan! Umalis ka!
"Oh kumain muna kayo ng tanghalian" tawag ni inay sa kusina kaya naman ay napangiti kami at pumunta sa kusina para mananghalian.Para pagkatapos namin kumain ay tutulak na kami sa gymnasium para sa gagawing rehearsal .
"Naku, anak pagbutihan mo talaga iyang pageant para ang perang mapapanalunan mo ay maari mong magamit sa pagkolehiyo mo" wika ni Inay.
"Opo naman Inay! Sympre ako pa" mayabang na sabi ko sa kanya. Binatukan naman ako ni Inay sa ulo.
"Tumigil ka nga diyan sa kayabangan mo baka sa huli consolation prize lang ang abutin mo" sabi ni inay. Pabiro ko siyang inarapan. Nagtawanan naman ang mga maids, si Mang Tasio at Taneo sa sinabi ni Inay.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pananghalian ay biglang narinig namin ang bosess ni Sir Yohan at may katawagan siya ngayon sa telepono. Nakasuot siya ng business suit kaya mas lalo gumwapo si Sir Yohan dahil sa suot niya.
Mabilis kaming umalis at tumayo sa mesa.
"Yes, u-huh, thank you" wika niya sa katawagan niya. Binaba niya ang cellphone at tumingin sa gawi namin. Nagulat siya ng nakatayo kaming lahat.
"Bakit hindi niyo pinagpatuloy ang pananghalian niyo?" nagtatakang tanong ni Sir Yohan. Napatingin ako sa kanya,dahilan para tumungin din siya sa gawi ko.
"Sasabay nalang ako sa inyo" nakangiting sabi ni Sir Yohan at umupo sa pinakadulo sa gitna ng mesa.
"May gagawin ba kayo mamaya Sir? Mukhang busy yata kayo?" tanong ni Mang Tasio kay Sor Yohan. Kumuha naman ng kanin si Sir Yohan at napatingin sa gawi ko.
"Oo may gagawin ako mamaya" wika niya niya ng hindi tinatanggal ang tingin sa mata ko. Napakagat ako ng labi at yumuko. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil nandito lang siya sa paligid. Yung tipong komportable ako pero parang hindi. Napatikhim nalang ako at pinagpatuloy ang pananghalian ng nakayuko. Pilit kung iniiwasan siya sa mata.
Dahil kapag napako ang mata ko sa mata niya paniguradong hindi ko na magagawang lumingon pa sa iba at tanging sa mata lang niya ako nakatingin. Natatakot na sa isang iglap nalang ay sa kanya na umiikot ang mundo ko.
Nang matapos na kami sa pananghalian namin ay nagbihis na ako para pumunta sa gymnasium sa gaganaping rehearsal. Sayang nga at hindi makakasama si Taneo at Ate Fely dahil may gagawin pa sila. Nag-paalam naman ako kay Sir Yohan at buti nalang pinayagan ako.
Hindi na nga ako kinamusta dahil busy siya sa kaniyang trabaho.
Suot ko ngayon ang sling bag ko. Pumunta muna ako saglit sa kusina para magsalin ng tubig sa tumbler ko. Nang mapuno na ito ay nilagay ko agad ito sa sling bag.
"Lindsy" napatalon ako sa gulat ng marinig ang malalim at panglalakeng bosess ni Sir Yohan. Nilingon ko siya.
"Po?" tanong ko sa kanya.
"Sasamahan kita sa gymnasium kung ayos lang sayo" may pag-iingat na sabi niya. Napakagat naman ako ng labi para pigilan ang ngumiti.
"Sigeh po walang problema" nakangiting sabi ko sa kanya.
"At kung pwede sana wag mo akong tawaging Sir kapag nasa labas na tayo ng mansion" he said smoothly and then lick his lower lip. Shems why so sexy Sir Yohan
"Sigeh po" nakangiting sagot ko.
"Drop the 'po' also" pahabol niya. Ngumiti naman ako at tumawa ng mahina, natawa din siya ng mahina. Naglalakad na kami papunta sa kotse niya. Aakmang papasok sana ako sa backseat pero nagulat ako ng binuksan niya ang pintuan sa passenger seat kaya napalingon ako sa kanya.Mabilis ko naman iniwas ang tingin ko dahil sa mata niyang nakakapang-hipnotismo. Bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako dib-dib ko.
Tahimik ang byahe namin dalawa kaya medyo naiilang ako. "When is the pageant?" basag niya sa katahimiman.
"Uhm sa monday po" wika ko sa kanya.
"What did i told you earlier?" malambing na sabi niya.Nagkagat naman ako ng labi para pigilan ang ngumiti.
"Sorry Yohan" wika ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang hininto ang kotse kaya nasubsob ang mukha naming dalawa buti nalang may setbelt kami.
"Can you repeat my name again?" masuyong sabi niya.
"Yohan" nagtatakang sambit ko sa kanya. Ngumiti siya at binalik ang tingin sa kalsada at saka pinagpatuloy ang pagmamaneho.Palihim kong tinignan si Yohan, medyo na weirduhan ako kay Sir dahil nakangiti lang siya habang nagmamaneho. Anyare?
Nang makarating na kami sa gymnasium ay pinagtitinginan na agad kami ng mga tao.Naunang bumababa si Sir Yohan at pinagbuksan ako. Maraming nagbubulong-bulongan habang nakatingin sa aming dalawa ni Yohan.
"Baka fiancée niya, ang ganda naman"
"Swerte niya nuh, siguro magaganda at gwapo ang magiging anak nila"
Naglalakad na kami ngayon papasok ng gymnasium at nagulat ako ng bigla niyang pinadaus-dos ang makisig at maugat niyang braso sa beywang ko. Napangiti ako ng palihim.
"Oh my ghad Yohan you're here" biglang napawi ang ngiti ko ng may biglang yumakap sa leeg ni Yohan at hinalikan pa siya sa pisnge.Tinignaan ko ng matalim ang babae maharot.
Hindi man lang umangal si Sir Yohan! Kainis
![](https://img.wattpad.com/cover/259849756-288-k449305.jpg)
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...