Chapter 33

123 7 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖




"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you" kanta ni Yohan. Lumapit ako sa kanya at hinipan ang kandila sa cake. Nagkatinginan kami at nginitian ang isa't isa namula ang pisnge ko.

Nandito kami ngayon sa puntod ni inay, itay at Jandrick. Napag-desisyunan namin na dito ko icecelebrate ang kaarawan ko. Ilang taon na rin ang lumipas noong namatay si itay at Jandrick magkasabay pa talaga sila. Mabuti nalang talaga nandoon si Yohan sa tabi ko at siya ang naging karamay ko sa panahong lubog na lubog ako.

"Mama! Kaninong puntod to?" inosenteng tanong ng anak namin ni Yohan. Ilang taon na rin ang lumipas ay napagdesisyunan naming mag-pakasal at nakabuo kami ng anak na lalake.

"Kay Lolo at Lola mo samantala itong isang puntod kay Tito Jandrick mo" nakangiting saad ko habang isa-isa tinuro ang mga puntod. Nagulat ako ng lumapit sa akin si Yohan at niyakap niya ako sa likod.

Ilang araw din akong nagkulong sa kwarto noong panahon iyon at tandang-tanda ko pa sobrang lamig ko kay Yohan. Pinapabayaan ko siya tinatabiy ko siya. Pero hindi niya ako sinusukuan kinakatok niya ang pinto na nakapagitan araw at gabi. Palagi siyang nasa tabi ko kaya napabayaan niya ang negosyo niya mabuti nalang at tumulong si Kuya Ysmael.

"You smell good" wika niya at binaon pa ang ulo niya sa leeg ko. Natawa ako ng mahina at hinawakan ang pisnge niya at dinampian ng isang marahan na halik.

"Youssef want a hug too" nakangusong sabi ng anak namin kaya naman ay kumalas sa si Yohan sa pagkakayakap sa akin at kinarga si Youssef.

"Youssef want hug daw mama oh" nakangiting sabi ni Yohan. Napairap nalang ako at niyakap silang dalawa. Masaya kaming pamilya nagsalo-salo noong birthday ko. Kahit hindi man ganoon ka engrande ay abot langit ang tuwa ko dahil kasama ko si Yohan at ang anak kong si Youssef.

Nagtatawanan kami na naglalakad ngayon pabalik sa kotse. Napatingin ako kay Yohan na karga si Youssef. Mas close silang mag-ama dahil palaging binubuhat ni Yohan si Youssef, minsan niya lang akong pinapabuhat kay Youssef dahil baka daw sumakit ang braso ko sobrang payat ko pa naman daw kaya naman hinayaan ko lang siya sa gusto niya. Inispoiled niya rin minsan ang anak namin dahil nag-iisa lang ito.

"Mama look balloon!" nakangiting sigaw ni Youssef natawa naman kami ni Yohan ng sabay at napailing. Binaba ni Yohan si Youssef para makalapit doon sa nagtitinda nanlaki naman ang mata namin at pareho kaming natawa ng kumaripas ito ng takbo papunta sa tindero.

"Mag-ingat ka anak" sigaw ko nito at natawa ng mahina. Pinanood ko lang si Youssef kung paano niya kausapin ang tindero.

Habang sa gitna ng panood ko ay nagulat ako ng pinulupot bigla ni Yohan ang kaniyang braso sa beywang ko at hinila ako palapit sa makisig niyang katawan. Kumabog ang puso ko at namula ang pisnge ko. Kahit kailan ay hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kanya.

"Gusto mo bang sundan natin siya" bulong ni Yohan sa tenga ko dahilan para tumindig ang balhibo ko, ramdam ko rin ang mabango at mainit niyang hininga na dumampi sa leeg ko.

"Anong sinasabi mo dyan? " muntik na akong mautal. Pinadaan niya ang ilong niya sa leeg ko.

"Yohan nasa public tayo" suway ko sa kanya

.

"Can i have a kiss?" malambing na sabi niya.

"Of course not" wika ko at natawa ng mahina.

"Please isang halik lang" hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko. Sakop ng malaki at maugat niyang kamay at maliit kong mukha. Nag-iwas ako ng tingin ng pumula ang pisnge ko.

"Fine" napabuntong hininga na sabi ko.

Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan ako ng malalim at mapusok na halik. Naglakbay ang kamay niya sa batok ko at hinalikan pa ako ng mas malalim. Humalik rin ako pabalik sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko at napahawak sa dib-dib niya. Mas pinalalim ko pa ang halik naming dalawa ganoon din siya pero agad iyon napatigil ng biglang magsalita si Youssef sa gilid namin.

"Papa why are you eating mama's face?" agad kaming bumitiw sa isa't isa. Napayuko ako at namula ang pisnge ko. Tumawa naman ng mahina si Yohan at lumapit sa anak namin. Nagsquat siya para magpantay ang tingin nilang dalawa.

"Because papa is hungry" wika ni Yohan kaya mabilis akong lumapit sa kanya at hinampas siya sa braso. Natawa naman siya samantala si Youssef ay kunot lang anoo at tila hindi alam ang nangyare.

"Papa may napili na akong baloon i want the color blue ballon" nakangiting sabi ng anak ko. Kaya naman ay tumayo si Yohan at hinawakan sa kamay si Youssef habang ang isang kamay ni Youssef ay hawak ko.

Binili kaagad ni Yohan ang balloon at pagkatapos noon ay kaagad na aalis na sana kami ng may biglang nagsalita sa likuran namin.

"Lindsy" napalingon kaming tatlo nang marinig ang bosess ng babae.

"Ate Fely" gulat na wika ko. Ibinaling niya ang tingin kay Yohan at sa anak namin. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"P-Pwede ba tayong mag-usap" ut na sabi niya at napalunok.

"Dito nalang" wika ko sa kanya.

"Doon sa nangyare noon, pasensya na dumagdag pa ako sa problema mo hindi ko naman sinasadya ang ginawa ko sadyang masyado lang ako nagpakalunod sa isang pag-ibig" wika niya at napalunok ito.

"Patawarin mo ako sa nagawa ko" malungkot ang mukha na sabi niya. Hinarap ko siya at lumapit sa kanya. Nagulat siya noong hawakan ko ang balikat niya.

"Pinapatawad na kita at nakaraan na iyon kaya kalimutan na natin" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Tanga pa kasi noon hindi ko nga maisikmura na may ginawa akong ganoong bagay" wika niya. Ibinaling niya ang tingin kay Yohan. Nanatili lang si Yohan na seryoso na nakatingin sa kanya.

"Yohan patawarin mo ako sa nagawa ko masydo lang ako immature noong panahon iyon, nahihiya ako sa sarili ko hindi ko lubos na maisip na nagawa ko ang kahihiyan na iyon" wika nito at natawa ng mahina pero tumikhim diya ng makitang hindi kami tumatawa. Nanatili lang seryoso ang mukha ni Yohan at hindi sumagot

.

"I forgive you" wika nito at napabintong-hininga.

"Papa what do you mean forgive? May nagawa bang kasalan tong babaeng to!" nagulat kami ng biglang sumingit si Youssef.

"Anak namin ni Yohan si Youssef" ibinaling ko ang tingin kay Ate Fely. Ngumiti naman siya sa anak ko. Pagkatapos naming mag-usap ay nag-paalam na siya dahil may importante daw siyang lakad. Napangiti ako dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam nang may pintawad kang tao sa kabila nang nangyari sa buhay mo.

"Mama look! Uncle Ysmael, Tita Ciel and Ate Yuna is coming" sigaw ni Youssef dahilan para mapatingin kami sa tinuro niya.Binisita din kasi ni Ate Ciel ang puntod ng mommy at daddy niya katulad ko rin ulila na siya. Maganda ang anak nilang babae parang pinaghalo ang mukha ni Kuya Ysmael at Ate Ciel. Ang pangalan ng anak nila ay Yuna na kasalukuyang nag-aaral ngayon sa highschool samantala si Youssef nama ay elementary pa.

Nakangiti kaming kumaway sa kanilang tatlo at sinalubong sila ng yakap. Hindi ko akalain sa kabila ng mga sakit na dinanas ko magiging mas masaya pa ako. Lalo na't kuntento na ako na kasama ko si Yohan at anak naming lalake na si Youssef.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon