#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
Pagkatapos kumain ang lahat ng nasa mesa ay nagligpit ako. Nandoon naman sa taas si Inay at tinulungan magligpit ng gamit ang Don at Donya. Aalis daw sila ng maynila habang si Sir Ysmael at Ma'am Ciel naman ay pupunta ng Siargao para sa honeymoon nila. Kaya ang natatanging Del Luna lang ang matitira dito sa mansion ay si Yohan.
Naghuhugas ako ng pinggan nagayon at hindi parin maalis sa isipan ko kung ano ang nangyari sa hapag kanina. Parang biglang nagbago ang ihip ng hangin noong dumating si Sir Yohan. Naging tahimik at may tensiyon sa pagitan ng pag-uusap nilang lahat.
Pagkatapos kong mag-hugas ng pinggan ay inutusan ako ni inay na mag-mop ng tiles ng mansion. Naka-alis na sila kanina, hindi tuloy ako nagpaalam dahil marami akong ginagawa.
"Ang halik mo namimiiss ko!" kanta ko habang nagmomop ng tiles.
"Ang halik mo namimimiss ko!" kanta ko ulit. Yun lang ang alam kong lyrics naririnig ko kasi minsan sa karaoke at palaging kinakanta ni Aling Mily noong nasa probinsya pa ako.
Napatigil ako sa pagkanta ng bumababa si Sir Yohan. Nakasando, faded jeans at nakaboots siya ngayon. Hindi ko tuloy mapigilang mamangha sa katawan niya. Kahit na nakadamit siya ay kita mo talaga ang magandang hubog ng katawan niya.
"Saan po kayo Sir?" tanong ko. Nagulat ako ng tumingin siya sa akin ng matalim. Kaya napanguso ako saglit at inangat ang tinigin sa kanya.
"Sa palayan magtatanim ng palay" seryosong sabi niya. Nagulat ako ng sinuri niya ang buong katawan ko at binaling ang tingin sa mop na hawak ko.May iritasyon sa tingin niya.
"Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" tanong niya. Bakit ba masyado niya akong minamaliit akala siguro niya wala akong skills sa mga ganito.
"Kasi ako ang inutusan?" patanong na sabi ko. Tumango naman siya at nilagpasan ako. Napangiti ako at binalik ang trabaho sa paglilinis ng sahig nila. Nang matapos ako ay umupo ako sa engrandeng sofa nila at saglit na umidlip. Pero ang pahinga ko ay napawi ng bigla akong tinapik at ginising ng panirang mayor doma ng mansion na ito.
"Lindsy! Gising! Pumunta ka sa palayan, dalhin mo tong saging na saba sa mga magsasaka na nagtratrabaho doon at saka para narin hindi magutom si Yohan" wika ni mudrakish, kaya naman bumangon ako habang nakapikit ang mata. Napakamot ako sa ulo ko at tinaggap ang isang cellophane na saging na saba.
"Inay! Saan ba ang palayan na tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya.
" Dumaan ka sa likod ng mansion may makikita kang gate doon, short cut kasi yun sa palayan nila, dumiretso ka lang makikita mo na ang palayan"wika ni inay. Tumango naman ako. Binuhat ko ang cellphone at kagaya noong tray ay mas mabigat ito. Dahil payat ako hindi ko masyadong mabubuhat ng maayos. Tatawagin ko na sana si inay pero nagulat ako ng wala na siya sa paningin ko. Kaya napabuntong-hininga ako at binuhat ng buong lakas ang cellophane na ang laman ay saging na saba.
Dumaan nga ako sa tinukoy ni inay at noong nakarating ako ay namangha ako sa ganda ng tanawin. Nilibot ko ang paningin ko. May palayan sila! May grapes din na tanim! At may manggahan din sila! At saka may tanim din sila coconut.
Haciendero na Haciendero ang peg ah!
"What are you doing here?" Napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita na pamilyar na bosess sa likuran ko. Napalingon ako at mukha ni Sir Yohan pero nabaling ang tingin ko sa katawan niya na may putik at nakatopless pa. Napalunok ako ng makita ang shining shimmering splendid niyang abs.
"Ahhh pinabibigay ni inay itong saging na saba sa inyo" wika ko at nilahad ang cellophane na maya laman na saging na saba sa kanya.Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa bigat. Nagulat ako ng nagkagat labi siya at binaling ang tingin sa akin.Mabilis niyang kinuha ng walang kahirap-hirap ang cellophane.
"Salamat dito" wika niya at naglakad papaalis.Napatingin naman ako sa likuran niya. Kahit nakatalikod ay dumedepina parin ang matigas niyang muscles siguro nga ay ganoon talaga ang katawan ng mga 25 years old. Mature at sobrang matigas tignan kumpara sa mga teen-ager na katulad ko napuro pagpapakyut lang ang alam.
Nagulat ako ng tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Tinaas niya ang kilay niya at parang may hinihintay sa sasabihin ko. Pero nanalaki ang mata ko at mabilis na kumaripas ng takbo. Ano ba! Lindsy crush mo ba iyon?
Naku naku hindi ako pwedeng maattract sa amo ko lalo na't katulong lang ako at saka sa pelikula lang nangyayari na magkakatuluyan ang boss at maid. Pero infairness ang hot at gwapo ni Sir Yohan. Uwahhhh! Kailan pa ako nagka-interes sa mga lalakeng mas matanda pa sa akin?
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomantizmIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...