Chapter 20

107 6 2
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖



Naalimpungatan ako at bigla kong naramadaman na may taong nakatingin sa gilid ko kaya agad ko itong nilingon. Nakaramdam ako kaginhawaan ng mapagtantong si Yohan pala ang katabi ko.

Dahan-dahang hinawakan ng maugat niyang kamay ang maliit kong kamay. May lungkot sa kaniyang ngiti.

"Nasaan si inay?" tanong ko sa kanya at bumangon.

"Wala bang masakit sayo ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

"Si inay nasaan?" tanong ko sa kanya. Nakayuko lang siya at hindi makatingin sa akin.Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at inangat ang mukha niya.

"Yohan nasaan si Inay" ulit ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Nasa hospital si Manang Lucia" napabuntong-hininga na sabi niya. Kumunot naman ang noo ko at hindi makapaniwala sa sinabi niay.

"Bakit nasa hospital siya anong nangyari?" kinakabahan na sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ng mahinahon ang balikat ko at tinignan ako ng seryoso sa mata.

"Inatake sa  puso ang nanay mo" malungkot na sabi niya.

"Kailangan kong puntahan si Inay, yohan kailangan ko siyang puntahan" hindi ko namalayan na may namuo na palang luha mata ko.

"No Lindsy you need to stay here" wika niya para sana awatin ako. Pero mabilis akong tumayo at bumaba ng kama.

"Hindi kailangan kong malaman ang kalagayan ni inay" may luhang umagos sa mata ko patungo sa pisnge. Basa na ngayon ang mukha ko dahil sa luha.

"No you need to stay here" wika niya at mabilis na nahawakan ang pupulsuhan ko kaya napasubsob ako sa matigas niyang dib-dib. Marahan niyang hinawakan ang ulo ko at sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya habang hindi parin maawat ang luha sa mata ko. Basang-basa na ngayon ang damit niya.

"Yohan pakawalan mo ako! Kailangan ako ni inay! Kailangan niya ng makakapitan at ako lang ang inaasahan niya" mangiyak na sabi ko. Pilit akong nanlaban para kumawala sa bisig niya pero mas malakas siya kaya sa akin, kahit anong gawin kong pagwala ay hindi ko magawa dahil mahigpit ang hawak niya sa akin sa huli ay sumuko nalang ako.

"Yohan bitawan mo ako pakiusap! Si inay" napahagulhol ako sa dib-dib niya.Gulong-gulo na ang isip ko sa mga pangyayare. Hindi ko na alam ang gagawin ko

"Husssssshhh" wika niya at sinuklay ng marahan ang buhok ko. Pinapakalama niya ngayon ang puso ko.

"Yohan bitawan mo ako" hindi parin ako nanahimik.

"Mas mabuti pang dito kalang, lala lang ang sitwasyon ni Manang Lucia kapag makita ka niya, yung emosyon niya maapektuhan lalo na ang puso niya" mahinahong sabi ni Yohan. Wala akong nagawa kundi umiyak lang sa dib-dib.

"Don't worry langga I'm here for you,just burst your tears in my chest even in your darkest days i will hold your hand to make you feel that you're not alone, umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa mapagod ka" mahinang sambit niya. Kinagat ko ang labi ko at may bagong luha na naman na nagsilabasan. Nag-uunahan na para bang ulan na galing sa kalangitan.

That night Yohan didn't leave me.Doon siya natulog sa maids quarter. Niyakap niya ako noong gising pa ako hanggang sa nakatulog na ako. Hindi niya ako iniwan noong gabi iyon. Bahagyang nahaplos ang puso ko dahil sa ginawa ni Yohan. Yohan is one of a kind, napansin ko rin kagabi habang natutulog ako ay nagdadasal siya.

Sinama niya ako sa mga dasal niya.

"Magandang umaga" bati ko sa kanya ng magising na ako. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Hinawi niya ang buhok sa mukha ko at nilagay iyon sa tenga ko.

"Hindi ka ba binangungot?" malambing na sabi niya.

"Hindi naman" sagot ko.

"Good" nakangiting sabi niya.

"Yohan" tawag ko sa kanya.

"Hmmmmmm" malambing niyang banggit.

"Kung malungkot ka, sino ang magiging sandalan mo" nakangusong sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa sinabi ko.

"When I'm sad and broken i always pray langga, i always choose to talk to God kaya kahit maraming masasakit na nangyare sa buhay ko, kahit bigo ako sa lahat i always considered my self victorious because God is beside me as always" nakangiting sabi niya. Nahaplos ang puso ko sa sinabi niya, niyakap niya ako ng mahigpit at napasubsob naman ako sa makisig niyang dib-dib. Amoy na amoy ko ang panlalake niyang pabango.

Pagkalabas naming ng kwarto ay naabutan ko si Ate Fely na nagluluto ng agahan.

"Gising ka na pala Lindsy kumusta ang pakiramdam mo?" wika ni Ate Fely noong lumingon siya sa akin ay nagulat siya ng makita si Sir Yohan sa tabi ko.

"Magandang umaga Sir, gising na pala kayo" bati ni Ate Fely.Nanginig naman ang kamay ni Ate Fely at parang hindi komportable sa presensya ni Sir Yohan. Kaya napaso siya.

"Arayyyyy" wika ni Ate Fely. Mabilis naman akong lumapit sa kanya ganoon din si Yohan. Hinawakan ko ang kamay ni Ate Fely at nilagayan ng tubig ang napaso niyang daliri.Habang si Sir Yohan naman ay pinagpatuloy ang pagluluto.

"Are you fine Fely?" tanong ni Sir Yohan.

"O-Opo ayos lang po" wika ni Ate Fely. Napabuntong-hininga naman ako.

"Sir ako na po diyan" aakmang kukunin na sana ni Ate Fely ang sandok sa kamay ni Yohan nang iniwas niya ito.

"Ako nalang umupo ka na muna diyan" wika ni Sir Yohan. Kaya walang nagawa si Ate Fely kundi umupo sa upuan, sa tabi ko.

"Sir marunong ka palang magluto" wika ko sa kanya habang nagluluto siya. Napansin ko naman kung paano nagfleflex ang kaniyang muscles sa likuran habang nagluluto siya. Sobrang hot at sexy niya tignaan. Nilingon niya ako kaya natapos na ang pagpapantasya ko sa makisig niyang likuran.

"Of course I am" nakangiting sambit niya. Namula ang pisnge ko.

Magkasabay kaming kumain lahat at kasama namin ang guard, hardinero, si ate fely at iba pang maids para sa almusal. Pagkatapos naming magdasal na pinangunahan ni Sir Yohan ay nagulat ako ng nilagyan niya ang plato ko ng kanin at ulam. Kaya lahat tuloy nakatingin dahil sa ginawa ni Yohan. Napakagat ako ng labi.

Bakit dito pa sa harap ng mga katulong Yohan?

"Yohan ano ba yung ginawa mo kanina?" mahinang sambit ko sa kanya habang kumakain na kami.

"Part yun sa panliligaw ko sayo Lindsy" nanlaki ang mata ko ng nilakasan niya ang bosess niya. Nagulat ang lahat ng mga katulong na kasama naming kumakain. Tinignan ko siya ng masama. Pero tumawa lang ang kapre, napatingin ako sa adam's apple niya na tumaas-pababa.

"Sir nililigawan niyo si Lindsy?" gulat na sabi ni Ate Fely.Nilingon naman ako ni Ate Fely at inaasar ako kaya ayun tuloy lahat ng mga katulong inasar kami. Yumuko nalang ako dahil ramdam ko ang pagpula ng pisnge ko abot hanggang batok.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon