#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
Napanguso akong sumunod sa kanya. Ngayon ay sinusuri niya ang mga grapes sa bawat madadaanan niya. Tinitignaan niya kung may bulok ba o wala, kung may uod ba na kumakain sa napakagandang grapes o wla. Ilang saglit ay may lumapit na trabahante sa kanya at may dalang dalawang basket.
"Sir Yohan, eto na po ang basket na pinautos niyo sa akin" wika ng isang lalake. Moreno siya matangkad at sympre built na built ang katawan niya. Pero naiiba talaga ang katawan ni Sir Yohan.
"Uhh salamat, makakaalis ka na" pormal na sabi ni Sir Yohan. Napatingin naman ako sa lalakeng moreno na kausap niya. Naka suot ito ng salakot sa ulo. Binaling niya ang tingin sa akin at bahagyang inangat ang salakot niya. Kumunot ang noo niya at nagtaka sa presensya ko. Nginitian ko lang siya, pero kalaunan ay umalis na siya.
Mabilis akong lumapit kay Sir Yohan inilahad naman niya sa akin ang isang basket. Dalawa kasi ang binigay noong lalakeng moreno.Tinaggap ko naman iyon.
"Sino yun?" tanong ko sa kanya. Napa->sip ako, sa tingin ko magka-edad lang kami lalo na't kahit mature ang katawan niya medyo bata pa siya tignaan.
"Bakit interesado ka ba sa kanya?" tinignaan niya ako ng diretso sa mata.
"Hindi curios lang" nakangiting sabi ko. Kumuha siya ng mga grapes at nilagay iyon sa basket ko.
"Wag mo na siyang isipin, isipin mo nalang ang trabaho na ipapagawa ko sayo" wika niya.
"Anong gagawin ko nga po pala?" tanong ko sa kanya.
"Tutulungan mo lang naman akong pitasin ang mga ubas" wika niya. Kaya naman ay tumango ako at nagpitas na ng mga ubas na hinog.Tinuruan niya ako kung paano alamin kung hinog na ba ang ubas o hindi. Kaagad naman ako natuto.
"Sir! pwede po pala akong mag-apply bilang sekretarya niyo" wika ko sa kanya. Nilingon niya ako at may kakaibang ngiti sa kaniyang labi.
"Magkaibigan na ba tayo kahit na amo kita" lumapit ako sa kanya habang bitbit ang isang basket na puno ng ubas. Kumuha siya ng isang grapes inamoy iyon at kinain habang nakatingin sa akin diretso. Mabibigat at seryoso ang tingin niya kaya tuloy para akong nawalan ng hininga dahil sa tititig niyang nakakatunaw.
"Hindi" tanging sagot niya.
"Anong hindi?" parang batabg nagtrutrums na sabi ko.
"Kaya kita sinama dito para matulungan mo ako hindi para makipagkaibigan sayo" wika niya at tinalikuran ako. Inirapan ko naman siya habang nakatalikod siya. Napanguso ako at naglakad papunta sa kinaroroonan niya.
"Tara na dadalhin natin yan sa mansion" wika niya at aakmang kukunin na sana niya ang basket sa kamay ko pero iniwas ko sa kanya.
"Ako na po! Malakas po ako!" wika ko kahit na ang totoo ay nahihirapan talaga ako, nauna na akong naglakad ramdam ko naman ang mga yapak ng paa niya sa likuran ko at sa isang iglap ay nagkasabay na kami ng lakad.
"Payat ka di mo yan kaya" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Mabilis niyang hinablot ang basket sa akin na walang kahirap-hirap kaya napanguso ako at sumunod sa kanya. Wala na yata akong magagawa dahil hawak na niya ang basket ko.
Napatingin ako sa likuran niya kahid likod macho tignaan. Napangiti ako at nagkasabay kami ng lakad. Habang naglalakad kami ay may mga tauhan ang bumati sa kanya. Binati naman niya ito pabalik.
Nang marating na namin ang mansion ay natanaw ko si Mang Tasio mula di kalayuan at ang lalakeng nagbigay ng basket kay Sir Yohan. Hinubad na niya ang salakot niya at hawak na niya ito ngayon.
"Mang Tasio!" bati ko kay Mang Tasio sa may hardin.
"Tamang-tama nandito ka na Lindsy may ipapakilala ako sayo!" wika ni Mang Tasio at aakang pupunta na sana ako ng magsalita si Sir Yohan sa gilid ko.
"May gagawin pa tayo Lindsy" marahang sabi niya. Nilingon ko siya, tinaas naman niya ang kilay niya at may kakaibang ngiti sa kanyang labi
"Pasensya na Mang Tasio, tutulungan ko pa po si Sir Yohan!" sigaw ko. Nahihinayang namang tumango si Mang Tasio sa akin. Sumunod na ako kay Yohan sa mansion. Pero habang naglalakad kami ay bigla siyang nagsalita.
"Diba ang sabi ko wag mo akong tawaging Sir, yohan nalang" malalim ang bosess na sabi niya. Napabuntong-hininga ko siyang tinignaan.
"Kahit anong gagawin niyo tatawagin ko parin kayong Sir Yohan" maangas na sabi ko. Napailing naman siya habang nakangiti. Hindi ko alam pero mas lalo akong namamangha sa kagwapuhang taglay ni Sir Yohan dahil sa ngiti niya.
Pumasok kami sa isang silid. Parang office. Nilapag niya ang dalawang basket ng grapes doon at umupo sa swivel chair. Umupo naman ako sa gilid ng mesa niya.
"Anong gagawin niyo po sa grapes?" tanong ko sa kanya.
"Gagawin kong wine" wika niya.
"Weeeee" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.
"Actually I'm making wines for almost a decade and trying to find the right formula, but until now hindi ko magawa, hindi ko mahanap" wika niya.Pumunta siya sa kabinet at kinuha ang isang bottle na walang label. Pero may laman. Kumuha rin siya ng isang wine glass.
"Subukan mo" wika niya.
Kaya naman na excite ako sa sinabi niya. Naglagay lang siya ng kaunting wine dahil likas na matakaw at first time makatikim ng wine sa buong buhay, mabilis ko itong kinuha. Sususwayin na sana niya ako ng nilagok ko na ito. Napangiti ako. Pero nagbago ang ekspresyon ng mukha ko samantala si Sir Yohan naman ay nakasmirk habang pinag-krus ang mga braso niya.
Napatulala ako pilit inaabsorb kung ano nga ba talaga ang lasa ng wine na ininom ko. Napapikit ako at dinilat ang mata ko tsaka dahan-dahang nilapag ang wine glass sa mesa niya.
"Now what?" seryosong sabi niya.
"Wow! My gash! Ang sakit nito lalamunan! " nakangiwing sabi ko . Tumawa naman siya ng mahina at agad na naglahad ng isang baso ng tubig. Mabilis ko naman itong ininom.
"Gusto kong gumawa ng wine na sarili kong formula para ipakita sa family ko na kaya kong makipag-sabayan sa ganitong negosyo, i want them to be proud to me just like how they are proud of my brother " wika niya. Sa huling pagkakataon ay hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha at mata niya.
Itong lalakeng sa harapan ko ay matatag. Hindi ko alam ang pinagdaanan niya pero nakatitiyak ako na bigo siya sa lahat ng bagay na inaabot niya at pinapangarap niya.
Bigo sa pag-ibig, bigo sa tiwala ng pamilya at bigo sa larangan ng kompetensiya. Humahanga ako sa kanya dahil kahit alam niyang sa umpisa pa lang alam niyang talo na siya ay lumalaban parin at hindi sumusuko.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...