Chapter 23

83 7 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖





Nandito ako ngayon sa silid ko habang gumagawa ng assignment. Lumipas ang ilang araw ay inenroll ako ni itay sa isang private school. Maganda siya at disiplinado ang lahat ng studyante. Marami na rin akong kaibigan doon.

Ilang saglit ay napatigil ako sa pagsusulat ng marinig ang katok sa pintuan kaya naman ay lumapit ako para pagbukasan ito. Binungad ang mukha ni Jandrick na may dalang tray.

"May dala akong cookies at tsaka isang baso ng gatas" wika niya. Nilakihan ko naman ang pagbukas ng pintuan para papasukin siya. Pumasok siya at nilapag iyon sa may study table ko.

"Hindi ka ba nahihirapan sa mga subjects mo?" tanong niya at saka umupo sa harap ko. Natawa ako ng kumuha siya ng cookies galing sa dala niya. Akala ko ba para sa akin ang cookies na yan?. Napailing nalang ako.

"Nahihirapan pero kinakaya naman" wika ko sa kanya.

"Kung nahihirapan ka sa mga subjects mo wag kang mahiyang magtanong sa akin, alright?" mahinahong sabi niya. Tumango naman ako.

"Are you already done?" tanong niya sa akin at sinilip ang notebook ko. Tumango ako at sinulat ang kahuli-huling sentence habang kumuha  ako ng cookies at kumain narin.

"Yup" wika ko at mabilis sinara ang notebook. Niligpit ko rin ang mga gamit ko.

"Wanna go outside?" nakangiting sabi niya. Kunware naman akong nag-isip sa magiging desisiyon ko. Pero sa huli ay tumango ako sa sinabi niya.

"Good, para naman makapagrelax ka" wika niya.

Nagsuot muna ako ng makapal na jacket bago lumabas. Sobrang ginaw dito sa Baguio lalo na pag-gabi. Alas siete pa naman ng gabi kaya maaga pa. Kumuha muna ng jacket si Jandrick sa kanyang kwarto at pagkatapos noon ay sabay kaming lumabas ng bahay. Nagtanong pa si Mang Lito kung saan kami pupunta pero tumanggi si Jandrick dahil pinili naming maglakad-lakad. Wala rin si Itay kaya malaya kami makapaglakwatsa.

"Uy may nag barbecue doon" wika ko sabay turo mula di kalayaun. Dinudumog na ngayon siya ng maraming tao.

"Sigeh tara gusto mong kumain ng barbeque?" tumango naman ako habang nakangiti. Sinubukang lumapit ni Jandrick para makabili pero sandyang malaki siya at palagi siyang natutulak ng mas maliit pa sa kanya. Napailing nalang ako. Lumapit ako kay Jandrick at hinawakan sa braso.

" Jandrick ako na, nahihirapan ka yata diyan" natatawang sabi ko sa kanya.

"Fine, but you need to be careful, alright?" tumango naman ako at mabilis na sinulong ang mga taong nagsisiksikan. Nang nasa harapan na ako ay kaagad akong bumili pero nagulat ako ng may biglang may braso na  pumulupot sa beywang ko.

"Hi Miss ang ganda mo naman" tumindig ang balhibo ko sa kaba ng marinig ang bosess niya sa tenga ko. Nanginginig ko itong nilingon. Napapikit ako ng mariin.

"K-Kuya w-wala p-pa ba?" utal na sabi ko sa tindero at di pinansin ang adik na lalake.Hindi parin mawala ang kaba sa dib-dib ko. Nagulat ako ng bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa beywang ko.

"Parang awa niyo na po,dumistansiya kayo sa akin" nanginginig na sabi ko.

"Kung ayoko, masikip eh" natatawang sabi nito. Nandiri naman ako sa paraan ng pagsasalita niya. Para siyang manyakis.

"Bitawan niyo po ako" pilit kong kinakalas ang kamay niyang nakapulupot sa beywang ko pero hindi ko kaya, dahil sadyang mas malakas sa akin ang lalakeng manyakis.

Nagulat ako ng bigla nalang hinila ni Jandrick ang pupulsuhan  kaya napalayo ako sa taong manyakis napunta ako sa likuran ni Jandrick habang hawak niya parin ang pupulsuhan ko. Napansin ko rin na lumuwag na ang mga tao. Siguro hindi ko napansin kanina dahil sa lalakeng manyakis at natuon lang ang atensiyon ko sa harapan.

"Ang kapal po ng mukha niyo! Binabastos niyo po talaga ang girlfriend ko" galit na sigaw ni Jandrick sa lalake bigla naman akong nagulat sa sinabi niya. Pero ngumiti lang ng nakakakilabot ang lalake at tinignan ako  sabay kagat ng labi nito. Nandiri ko naman itong tinignan.

"Girlfriend mo pala iyan? sorry di ko alam siya lang kasing mag-isa, kawawa naman" sarkastikong sabi nito kay Jandrick napakapit naman ako ng mahigpit sa braso ni Jandrick. Pinagtitinginan na kami ngayon ng mga tao lalo na ang mga tindero.

"Naku ayan na naman si Berting may binibiktima na naman siyang turista"

"Hindi ba yan napapagod? Baka adik yan?"

Bulong-bulongan ng mga tao sa paligid.
"Oo girlfriend ko siya, kaya umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis" mariin sabi ni Jandrick sa lalakeng manyakis. Napatingin naman ako kay Jandrick sa mukha.Nag-aapoy ang mga mata niya habang umigting ang panga niya. Galit talaga si Jandrick pero namangha ako dahil sa pagpipigil niya. Ayaw niyang gumawa ng eskandalo. Hindi tulad sa ibang lalake na bigla-bigla nalang nanununtok.

Tinaas naman ng lalake ang kaniyang kamay bilang pagsuko at mabilis na kumaripas ng takbo. Hinawakan ni Jandrick ang beywang ko at sinubsob ko naman ang mukha ko sa dib-dib niya. Hindi ko alam pero bigla akong napahikbi.

"Andito na po ang order niyo ma'am" wika ng lalakeng tindero. Sa halip na ako ang kumuha ay si Jandrick na. Niyakap niya ako ng mahigpit habang naglalakad kami.

"Naku natrauma yata ang babae"

"Oo, sobra ang yakap niya sa nobyo niya eh"

Mas lalong hinigpitan ni Jandrick ang pagyakap sa akin. Pero hanggang ngayon ay hindi parin maawat ang luha sa mata ko. First time iyon nangyari sa akin, kaya hindi mawawala ang kaba at pangingig ng katawan ko.

"Shhhh I'm here don't worry" mas lalo akong niyakap ng mahigpit ni Jandrick kaya naririnig ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso sa dib-dib.

"Jandrick ayoko ng lumabas"nabasag ang bosess ko dahil sa luha na kumawala, mas lalo kong sinubsob ang mukha ko sa dib-dib niya at doon umiyak. Habang sinusuklay niya naman ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"I know hindi na kita hahayaan lumabas mag-isa, tahan na Lindsy parang dinudurog ang puso ko kapag umiiyak" wika niya at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko si Yohan. Si Yohan na nandyan rin sa akin noong umiiyak din ako.

"Don't worry langga I'm here for you,just burst your tears in my chest even in your darkest days i will hold your hand to make you feel that you're not alone, umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa mapagod ka"

Mas lalo akong naiyak sa dib-dib ni Jandrick ng maalala ulit si Yohan.Paano ko siya makakalimutan kung bawat araw iniisip ko siya. Masyadong mahirap to para sa katulad ko.

"Tahan na Lindsy" wika ni Jandrick. Biglang pumasok sa isip ko naman si Jandrick. Paano kung siya nalang ang minahal ko? siguro hindi ako mahihirapan ng ganito,siguro masaya ako kasi walang pumapagitna sa amin.

Pero lahat ng kasiyahan may lungkot na kapalit. Masakit pero iyon ang too.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon