Chapter 12

97 6 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖

"Ang hirap pala mag high heels!" reklamo ko kay Ate Fely. Tinuturuan niya ako ngayon kung paano maglakad ng pang Miss Universe kahit na Beauty Pageant lang naman ang sasalihan ko.

Nalaman ko rin kay Ate Fely na sumasali na pala siya dati ng mga beauty contest kaso hindi siya naguuwing panalo kasi kulang daw siya sa talino. Kaya lahat ng natutunan niya sa pageant tungkol sa pagpapaganda sa akin niya bimuhos samantala kapag talino naman ang pag-uusapan ako na raw ang bahala don.

"Naku bumaba na si Sir Yohan! Bilis ligpitin mo yang high heels mo" wika ni Ate Fely at mabilis niya akong tinulungan ligpitin ang high heels na suot ko. Natataranta naman kami ng bumaba na si Sir Yohan. Pagkatapos naming itago iyon sa sulok ay tumayo na kami ng matuwid ni Ate Fely at hinintay si Sir Yohan.

Nakasuot siya ngayon ng sando, faded jeans at leather boots. Panigurado pupunta na naman ito sa farm.Napatingin ako kay Sir Yohan at napansin ko ang pagbaling niya ng tingin sa posisyon namin ni Ate Fely.

"Magandang umaga po Sir Yohan" bati ni Ate Fely. Napatingin naman ako kay Sir Yohan at tumango lang siya sa sinabi ni Ate Fely. Ibinaling niya ang tingin sa akin hindi ko alam pero napako ang tingin ko sa mukha ni Sir. Napakaaliwalas kasi at mas lalo siyang pumopogi.

Magulo ang buhok,matangos ang ilong, ang mga mata ay nangungusap at sa tuwing tinatamaan ng sinag ng araw ay nagiging kulay kayumanggi samantala ang panga naman niya ay sobrang ganda ng pagkakahugis at ang ilong naman ay ubod ng tangos. Para siyang isang greek god sa mythology.

Natauhan ako ng tumaas ang isang kilay niya at umangat ng bahagya ang kaniyang manipis at mapupulang labi, may mapaglarong ngiti sa gumuhit kaniyang bibig. "Hindi mo ba ako babatiin?" tanong niya dahilan para matauhan ako. Iniwas ko ang ulo ko sa gilid at umirap sa kawalan para hindi niya makita.

"Magandang umaga po Sir Yohan" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Anyways, I want you to clean my room and do the laundry " mahinahong sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya.Lumapit siya sa akin at inamoy ako ng mabilis.Nagulat ako sa ginawa niya.

"You smell good" nakangiting sabi niya. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Namalayan ko na lang na wala na siya sa harapan ko at pumunta na siya sa mesa para mag-agahan. Napangiti ako ng palihim at hindi maiwasang ang pagpula ng pisnge ko dahil sa papuri niya.

"Asussss Kinilig" panira ng bruhang Ate Fely at siniko pa niya ako. Pinandilatan ko siya at pagkatapos nun ay ibinaling ang tingin ko kay Sir Yohan na tahimik na kumakain habang kausap niya si inay na nasa gilid.

Ginawa ko nga ang pinapagawa niya sa akin.Nagtungo ako sa silid niya at nilinis ang kwarto ni Sir Yohan. Amoy na amoy ko ang panglalakeng pabango ni Sir Yohan kaya kahit wala siya ay ramdam ko na nandito lang siya sa paligid at niyayakap niya ako gamit ang makikisig niyang braso.

Habang nililigpit ko ang mga damit niya sa walk in closet ay may nakita akong isang bagay. Isang pinaglumaan na, na camera. Kaya naman ay nacurios ako at kinalikot ko ito.

Nag-indian sit ako sa malamig na sahig at pinindot ang mga button sa camera. Medyo na-inip na ako dahil sobrang tagal bumukas. Kaya naman ay tinapon ko ang camera dahil sa inis. Pero nagulat ako ng biglang tumunog at umilaw ito.

Lumapit ako at pinulot ang camera. Napatingin ako sa isang litrato. Si Sir Yohan noong bata pa at si Ma'am Ciel noong bata pa. Kumunot ang noo ko at tinignaan ang ilang mga litrato nilang dalawa.

Sobrang sweet nila sa picture para silang magjowa. Pero bakit napunta si Ma'am Ciel kay Sir Ysmael,anong nangyare?
May lungkot na gumuhit sa mukha ko ng mapagtanto ganito ang naging kahihinatnan ni Sir Yohan.

Ilang saglit ay may nakita akong video. Plinay ko ito at biglang bumungad ang mukha ni Sir Yohan na nakangiti.

"Yohan...." malambing na sambit ng babae sa likod ng camera. May sumaksak sa dib-dib ko.

"Yes love" may biro sa sinabi ni Sir Yohan pero tumawa lang ang babae sa background at hinampas siya sa braso. Mas lalong sumakit ang puso ko sa nakita sa video.

Dapat ay tinigil ko na ito pero bakit ganoon gusto ko paeing panoorin ang video.

Ngayon ay nakangiti silang dalawa. Umakbay si Sir Yohan kay Ma'am Ciel. Naiinis parin ako sa nakikita ko pero hindi ko maintindihan ang sarili ko at kung bakit gusto ko pading manood. Pinatay ko nalang ang camera at binalik na ito sa dating kalalagyan.

Kinuha ko ang mga damit niyang hindi pa nalalabhan at pumunta sa laundry area para labhan ang mga damit ni Sir Yohan.

Nang makarating ako doon ay isa-isa kong nilagay ang mga damit at pantalon niya sa washing machine. Parang gusto ko ngang sirain dahil sa nakita kong video kanina. Pero napatigil ako ng makita ang brief niya.

Ininat ko ito at tinignaan ng seryoso. Napatigil ako ng may kalokohan na pumasok sa isip ko. Ano kaya ang amoy ng isang hot na katulad ni Sir Yohan. My gash! Lindsy napakaharot mo!

Napatingin ako sa kaliwa at kanan. Walang tao kaya naman inamoy ko ang brief ni Sir Yohan habang nakapikit at dinama ang bango na nalalanghap ng ilong ko.Mabango naman kaya napangiti ako at inamoy ulit ito.

"What are you doing?" napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko.Bigla akong kinabahan ng mapagtanto na bosess iyon ni Sir Yohan kaya dahil sa gulat naihagis ko ang brief niya at napunta iyon sa mukha ni Sir Yohan.

Napapikit ako sa kahihiyan. Ramdam ko ngayon ang pagpula ng pisnge ko hanggang sa batok. Paniguradong mapapalayas ako nito dahil sa ginawa kong kahalayan sa brief niya.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon