Chapter 1

166 9 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖


"Gising na anak! marami pa tayong gagawin, lalo na't tayong dalawa lang ang nandito sa mansion dahil nag day-off ang ibang maids" niyugyog ni inay ang balikat ko at aakamang tatakpan ko na sana ng mukha ko ng kumot ng hinila niya ito pababa.

"Inay naman!" reklamo ko sa kanya.

"Anong Inay naman, aber?" nakapamewang na sabi niya sa akin.

"Eto na nga po! babangon na" wika ko ko at bumangon habang nakapikit ang mata. Alas singko palang pero maaga na gumigising si Inay.

"Mauna na ako sa kusina at ikaw ihanda mo na ang lamesa nila maya-maya'y bababa na ang pamilya ng Del Luna para mag almusal" wika ni inay habang inaayos niya  ang apron niya. Naunang umalis si inay, ako naman ay naghilamos muna. Hindi ko sinuot ang uniporme kong pang maid.Si inay nga hindi nakasuot ng uniporme kaya ganoon na rin ako.

Pagkalabas ko ng silid ay agad akong pumunta sa kusina. Amoy na amoy ko ngayon ang niluto ni inay na pagkain na pang-almusal sobrang bango, nakaramda tuloy ako ng gutom.

"Inay, crispy pata ba yan?" sumilip ako saglit habang nagluluto siya.

"Oo" sagot ni Inay. Pinanood ko siya habang  nagluluto.

"Oh ano pang ginagawa mo! Maglagay ka na ng plato doon sa mesa!" utos ni inay kaya naman napakamot ako sa ulo ko at naglagay ng mga plato sa malaki at engrandeng mesa nila. Napatingin ako sa plato nila. Siguro mamahalin to kaya ganito kaganda.

"Inay! Bakit may mga kutsarang maliit at malaki tsaka tignaan niyo may maliit pa na kutsilyo! Para saan ba to?" sigaw ko. Napakamot ako sa ulo ko habang kunot ang noo  nakatingin sa mga kustara na iba-iba ang mga sizes.

"Mabuti pa ay  bantayan mo nalang itong niluluto ko at ako na ang bahala diyan" wika ni inay. Mabilis naman akong pumunta sa kusina. Marunong naman akong magluto ng pagakain kaya walang problema sa akin yun.

Pagkatapos ni inay mag-ayos ng kutsara na iba-iba ang size ay tinulungan ko siyang maglagay ng pagkain sa mesa.

"Inay?Ano na po ang gagawin natin?" tanong ko ng matapos na kami.

"Mag-hihintay tayo sa kanila"wika niya at tumingin saglit sa akin. Pero binalik ulit niya ang tingin at kunot ang noo nakatingin sa damit ko.

"Ano yang suot mo Lindsy Hermohenez?" nakapamewang na sabi ni inay.

"Damit at saka pajama?" patanong na sabi ko.

"Bakit hindi ka nag-suot ng maids uni---" hindi na natapos ang sasabihin ni inay ng bumababa na si Donya Natasha at Don Yael. Kaya naman umayos kami ng tayo  at tsaka pinandilatan pa niya ako ng. Napahinga nalang ako ng maluwag.

"Magandang umaga po Donya Natasha at Don Yael" bati ni inay sa mag-asawang Del Luna.

"Magandang umaga din sayo Lucia" bati ni Donya Natasha, habang ang Don naman ay ngumiti lang. Pinandilatan ako ng mata ni inay kaya napabati narin ako sa kanila.

"Magandang umaga po Donya Natasha at Don Yael" nakangiting sabi ko. Bumati naman sila pabalik sa akin.

"Anak ko nga po pala si Lindsy, siya po iyong sinasabi kong maid na kanang kamay ko, nag-iipon din po kasi siya sa pag-aaral niya sa kolehiyo kaya pinagtrabaho ko" wika ni inay.

"Ahh ganoon ba? Saan mo ba balak mag-aral pagkatapos ng summer ?" tanong ng Donya.

"Ahh sa Santa Isabela National High School po, grade 12 na po ako ngayong June" nakangiting sabi ko.

"Pero ngayong bakasyon dito po muna ako magtratrabaho bilang maid ninyo" nakangiting sabi ko.

"Naku mabuti pa ay pag kolehiyo mo ay huwag ka ng magtrabaho" suhestiyon ng Donya.

"Po?" tanging sagot ko.

"Bibigyan kita ng scholarship sa Del Luna University, kung papayag ka at saka pangbawi na rin sa ginawa ng ina mo sa pagsisilbi sa amin ng ilang dekada" nakangiting sabi ni Donya.

"Sumasang-ayon din ako" biglang nagsalita ang Don.

"Naku maraming salamat po" nakayuko kong sabi.

"Asahan niyo po na magtatapos ng pag-aaral ang anak ko at hindi masasayang ang scholarship na binigay niyo" wika ni inay at inakbayan ako.

"Maraming salamat ko, pangarap ko pong makapagtapos ng pag-aaral at makapag-trabaho" naiiyak na sabi ko. Tumawa naman ng sabay ang Don at Donya.

"Don't worry because your ambitions will come true" nakangiting sabi nito sa akin.

"Tito at Tito nalang ang itawag mo sa amin" nakangiting sabi ng Don. Napatango naman ang Donya sa sinabi ng asawa.

"Naku nakakahiya po" wika ko sabay wasiwas ng kamay ko.

"Wala naman iyong kaso sa amin kasi pamilya na ang turing namin kay Lucia" wika ng Donya.

"Sigeh po Tita" nahihiyang sabi ko.

Natapos ang usapan namin ng bumababa na Si Ma'am Ciel at Sir Ysmael.Mahigpit pa ang hawak ni Sir Ysmael sa beywang ni Maam Ciel sobrang sweet nila tignan kaya napangiti ako. Namangha rin ako sa ganda ni Maam Ciel mukha siyang anghel ganoon din sa gwapong mukha ni Sir Ysmael. Panigurado magaganda at gwapo ang magiging anak nila.

"Nandito na pala ang bagong kasal" nakangiting sambit ng Don. Tumawa namn ng mahina ang dalawa dahil sa sinabi nito. Hinalikan ni Ysmael ang kamay ni Ciel habang naglalakad sila patungo sa mesa. Hinila pa ni Sir Ysmael ang upuan para kay Ma'am Ciel. Talagang makikita mo sa kanilang mata na mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Nagsimula na silang kumain at sa gitna ng tawanan at usapan ay biglang tumahimik ang paligid ng narinig nila ang yapak  ni Sir Yohan, para bang dumating ang hari at dapat magbigay galang ang lahat para hindi mapugutan ng ulo.Katakot!

Napatangin din ako sa kanya  magulo ngayon ang buhok niya, bapa-iwas ako ng tingin ng mapansin ang muscles sa biceps niya dahil nakasando lang siya at naka-khaki shorts.

"Good morning" napapaos ang bosess na bumati siya na may ngiti. Hinila niya ang upuan at ngumiti doon nagulat ako ng tumingin siya sa kinatatayuan  kaya yumuko ako.

Nagulat ako sa tahimik parin  ang paligid at wala ni isa ang nagsalita. Ano kaya ang mayroon? Bakit noong dumating na si Sir Yohan ay naging seryoso na silang lahat bigla.Napabuntong-hininga siya at kumuha ng pagkain sa mesa. Lahat ay nakatingin sa kaniyang galaw.Uminom siya ng tubig at sumadal sa upuan niya.Binaling niya ang tingin sa mag-aswang Ciel at Ysmael. Bakit may tension sa pagitan nila?Anyare bess

"Saan niyo balak mag honeymoon?" mahinahong tanong ni Sir Yohan. Nagulat ako ng lahat sila ay nagulat sa tanong ni Sir Yohan.

"Balak namin pumunta sa Siargao" may pag-iingat sa bawat salita ni Maam Ciel.

"Well take care then, sana ay pagbalik niyo ay may pamangkin na ako" wika niya.Nagulat ako ng lahat sila ay napabuntong-hininga ng malalim. Kumunot ang noo ko. Ano kayang mayroon?

"Ikaw Yohan? hindi ka ba babalik ng maynila?" tanong ng Don kay Yohan.

"Dito muna ako sa Santa Isabela ako muna ang mamahala sa palayan" wika nito at kumain.Nagulat ako bigla siyang tumingin sa akin, kaya mabilis akong umiwas at yumuko. Pero hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang mabibigat niyang titig.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon