Chapter: 4

755 16 0
                                    

"Kakalinis ko lang ng condo mo noong isang araw tapos parang dinaanan na naman ng bagyo sa sobrang gulo!" I angrily said and scratched my head while looking at the messy things scattered in his condo.

Seriously?! Hindi ba siya marunong mag pulot? Maski mga balat ng candy nakakalat sa sahig, may nakasingit pa sa sofa niya. Argh! Tao paba 'to?

"Stop talking, just clean my condo." Bored na sagot nito bago ako lagpasan at mauna pumasok sa loob. Naiyukom ko ang kamay sa sobrang inis.

Padabog ko ibinaba ang bag sa sofa niya. Nag simula narin ako mag pulot ng mga nakakalat na libro, damit, beer, junk foods at mga cd. Winalisan ko narin ang ilalim ng sofa niya, may nadala pa nga 'yung walis.

"Lalake! 'yung id mo pakalat kalat!" Sigaw ko. Baka hindi ako marinig, lagi may nakasalpak na headphone sa Tenga.

Wala akong nakuhang sagot, balak ko sana ihagis nalang kung saan. Na curious lang ako kung kailan lang ang id na 'yun.

Alexzander Clane Montanez

Course: Bs Business Administration

2nd year college

Nag-aaral siya?! Bakit parang hindi naman? Halatang ngayong year lang ang id na 'to. Inilagay ko nalang ang id niya sa ibabaw ng lamesa kung saan makikita niya agad. Nag simula na ulit ako maglinis para maaga makaalis sa mala impyerno niyang condo.

Habang naglilinis ako may biglang nag doorbell. Balak ko sana sigawan si Zander kaso mukhang ayaw mag pa istorbo. Nandoon siya ngayon kwarto niya.

"Yes?" I asked. Tipid ako ngumiti sa babaeng sa tingin ko ay dalawang taon ang agwat namin. Mas matangkad ito kumpara sa aking height. Naka fitted dress and high heels, akala mo sasabak sa pageant.

Tumaas ang kilay nito sa 'kin. "What are you doing here?!" Maarteng tanong niya.

"Uh, nag lilinis." Inosenteng sagot ko. Totoo naman e' baka naman kaya ganito makaasta 'to kasi akala niya babae ako ni Zander.

"You mean? A maid?" She asked, looking at me disgusted.

Arte! Lagyan kita ng gripo sa lalamunan.

"Oo," I rolled my eyes.

"Eww. Anyway, tumabi ka. Dadaan ako." Mahina ako tinulak para makapasok siya sa loob. Pucha sino ba 'to.

"Sino kaba?" Inis na tanong ko. Kung makatulak akala mo kung sino.

"Where's my baby Clane?" Kumunot ang noo ko.

"Zander lang kilala ko."

"Siya nga, ugh! Annoying." She rolled her eyes.

Dami naman pangalan ni Zander.

"Nandoon sa kwarto, doon mo hanapin!" Tinalikuran ko na siya at nagsimula na ulit mag linis. Wala akong pake kung ano pinunta niya dito.

May sinabi pa ito pero hindi ko nalang pinansin bahala siya diyan. Lumabas muna ako para itapon ang mga nalikom kong basura sa paglilinis ng condo ni Zander. Jusme! Nakakapagod na talaga. Pag uwi ko galing sa klase kailangan ko pa pumunta dito.

Tatlong beses sa isang linggo ako pumupunta dito para lang maglinis ng condo niya. Tapos dadatnan ko ng ganito kagulo. Argh kairita.

"Ugh, babe. Shit...Clane"

Pagkabukas ko palang ng condo niya, ungol agad ng babae ang narinig ko. Sanay na ako diyan. Kung sino sinong babae ang naririnig na umuungol at pumupunta sa condo niya. Last week nga nakita ko pa sila sa sofa. Doon na inabutan.

A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon