Chapter: 19

626 11 0
                                    

"Uy kaninong anak 'yan?" Hawak ni Clark ang batang inosente nakatingin sa amin.



Nasa mall ako ngayon, naisipan ko bumili ng ilang school supplies. Naubos na kasi, at ilang ballpen ko nawala na. Tapos paglabas ko sa National book store bigla bumungad si Clark, may hawak na bata.



Kumamot ito sa ulo, napatingin ako sa bata. Satingin ko nasa 1year old lang 'to. "Ewan ko, nagulat nalang ako nang bigla sumulpot sa cr ng panlalaki.



"Gagi, hanapin mo 'yung magulang." Lumapit ako sa bata, agad ipinasa sa akin ni Clark. "Omg, she's crying." Henele ko 'to para tumigil sa pag-iyak.



Nataranta naman bigla si Clark, sumayaw pa para tumigil ang bata sa pag-iyak. Binatukan ko na kasi mas lalo lumakas ang iyak.



"Gagi, umiyak na! Ikaw kasi, pinaiyak mo" paninisi niya sa 'kin.



Tinapunan ko lang ito ng masamang tingin bago ibaling sa batang umiiyak. "Shh, tahan na. Tara, hanapin natin ang magulang niya." Aya ko.



Bumalik kami sa lugar kung saan nakita niya ang bata kaso wala parin. Pina-announce narin namin para malaman ng magulang niya kung saan kami naka pwesto.



"Kainip ah, nandito lang naman ako para makitae tapos naging taga-bantay pa ako ng bata." Reklamo niya habang hinahaplos ang buhok ng batang kalong niya.



Nakaupo kami ngayon sa mga bleachers sa sm. Inaantay namin ang magulang nito.



Binatukan ko agad siya. "Gaga, mabuti nga ikaw ang nakahanap. Paano nalang kung masasamang tao ang makakita sakanya."



"Wow, Hari..Ikaw ba 'yan?" He looked amused.



"Tumigil ka nga baka masapak kitang, hinayupak ka." I rolled my eyes.



Mag sasalita pa sana ito nang biglang mag ring ang phone ko. Natahimik tuloy ang loko at nagawa pa makisilip kung sino ang caller. "Zander? Jowabels mo? Sana ol!" Sabi niya habang tumatawa.



Umirap lang ako bago tumayo para sagutin ang call.



"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.



[Where are you?] Tanong nito.



"Nasa mall ako, bumili lang ako ng school supplies." I replied.



[Wait me, susunduin kita] nanlaki ang mata ko.



"Nako wag na!" Mabilis na sagot ko, kinakabahan.



[And why?] Mukhang nainis ang koya niyo.



"Pauwi narin kasi ako.." pagsisinungaling ko, nagawa ko pa lingunin ang dalawa. Nakita ko nilalaro niya ang bata.



[Wag ka muna sumakay, hintayin mo ako] narinig ko ang pagsara nito sa pintuan ng kotse niya.



"Wag na nga!" Ang kulit naman niya.



[Shut up, just wait m-]



"Woy, Hari. Naiyak na naman siya!" Napalingon ako kay Clark, henehele ang batang patuloy sa pag-iyak.



Shit! Bakit ngayon pa kung kailan kausap ko si Zander? Nag sisinungaling na nga ako para makaiwas sa gulo, baka magalit na naman siya pag nalaman niyang kasama ko si Clark.



[Are you with guy?] May bahid na inis sa tono nito.



Hindi tuloy ako makasagot, masamang tingin lang ang binato ko kay Clark. Mukhang natakot naman ang loko. "Hehe, sorry.." nag peace sign pa at lumapit siya saakin. "Hindi ako lalaki ni Hari! We're friends... friends with benefits, hakhak" nag simula na siya tumakbo palayo sa 'kin nang ambahan ko siya ng suntok.



A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon