Chapter: 41

1.2K 18 0
                                    

"What the! Bitawan mo ako" lasing na sambit ko habang binabawi ang kamay ko kay Zander.



Kasal ngayon ni Sherel, nagkasiyahan lang naman kami bakit nandito na agad siya? Sabing wag niya ako guluhin hangga't hindi ako nabubuntis.



Tatlong araw palang kami hindi nag kikita tapos nang-gugulo na naman siya, padala pa nang padala ng prutas akala niya siguro mabubuntis agad ako.



"Pre, jowa mo ba 'yan?" Rinig kong tanong ni Ced. "I-uwi mo na 'yan! Kanina pa 'yan wasted"



"Does she drink a lot of alcohol?" Tanong niya rito at inalalayan ako.



"Oo pare, nakipag sabunutan pa nga 'yan kanina. Si Miracle pasimuno." Sumbong ni Sebastian.



"Fuck, let's go" hinila na ako palayo, mabuti nalang malapit si Ced kaya kumapit ako sa necktie niya.



"Putek!" Inaalis niya ang kamay ko sa necktie niya. "Pare, tulungan mo ako!" Kaya si Sebastian to the rescue.



"Wag niyo ako ibigay dito, mang-gagamit 'to. Nakipag sex siya kay Monica..niloko niya ako!" Sigaw ko habang umiiyak.



"What are you saying, Harianna?" He asked me coldly. "Hey, let's go" todo hila niya parin sa 'kin.



"Tulungan niyo ako, mang-gagamit lang siya! Pinaniwala niya ako sa matamis na salita" I cried.



Hilong-hilo na ako, natamaan na ako sa alak. Si Miracle kasi panay ang pag-papatagay parang gago.



Tapos naalala ko pa ang ginawa nitong lalaki na 'to kaya mas lalo ako nainis. Bakit niya kasi ako ginamit!



"Lah, wag niyo kami idamay sa away niyo!" Sigaw ni Ced, halatang kinabahan.



"What happened?" Dumating si Karina, dala si Sachi.



Mabilis ako tumakbo at lumapit kay Karina. "Help me Karina! Ayoko sakanya!" Sabay turo kay Zander.



"Tita, Hari. What happened?" Hinawakan ni Sachi ang mukha ko, umangat ang tingin niya kay Zander. "Hi..my future husband" nag flying kiss pa siya kay Zander.



Agad siya sinaway ni Stever, naikot na talaga ang paningin ko. Lasing na ako. "Huh? May future husband na agad si Sachi? Wow sana ol!" Pumalakpak ako at tumalon-talon pa.



"Ano pinagsasabi mo?" Tanong ni Karina, dinakma 'yung sikmura ko may pakurot pa sa huli.



"Aw!" Napahawak ako bigla sa tiyan ko.



"Karina, don't do that again." Hinawakan ako ni Zander sa braso. "She might be pregnant" tumingin ako kay Zander at kinurot nang matagal ang pisngi.



"Baby" saway niya sa 'kin.



"Nakakainis 'yang mukha mo!" Hinampas-hampas ko siya.



"What?! E' nag inom siya kanina?" Gulat na tanong ni Karina. "Wala siyang sinabi kaya hindi ko pinagbawalan"



Gulat na gulat ang mga tao sa paligid. "Sino buntis? Ako ba? Omagahdd! Sebastian You are a father now" sumulpot si Miracle na may hawak na supot, may laman na ulam,



"Woah..." Napaatras si Sebastian. "Hindi pwede, patay ako sa boyfriend mo"



Ilang beses napakurap si Miracle. "Huh? Wala akong boyfriend? Baka Ikaw 'yon" ngumiti ito at yumakap kay Sebastian.



A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon