"Honey!!!" Tumakbo ako palapit kay Zander nang makarating na ito sa bahay.
Napatigil ako nang makita may binili na naman itong gamit ng mga baby. Ngayon crib naman ang binili. May crib na akong nabili noong isang araw.
"May nabili na akong crib, hindi ba?" Bungad ko nang makapasok ito sa bahay. "Bakit bumili ka ulit?" Tanong ko rito.
Lumapit muna ito at hinalikan ako sa labi. "It looks better than the one you bought the other day." Itinabi niya ang box sa gilid at pinagmasdan 'yon.
"The color is also beautiful, so I bought it while I was looking for clothes for our baby." He smiled even wider as he took out the purchased items from the paper bag.
"That's too much" napakamot ako sa ulo habang pinapanood ko siyang tuwang-tuwa sa pinamili niya.
"Look, it's beautiful, isn't it?" he raised the baby bottles as well as the little shirts for our baby. Hindi manlang pinansin 'yong sinasabi ko.
"Look at this cute jacket. I also have this color, so I bought it para parehas kami ng anak ko." Walang tigil parin ito sa pag tingin sa binili niya.
"That's cute!" Lumapit ako at kinuha 'yon.
Umangat ang tingin nito sa akin, at mabilis ako hinila palapit sa kan'ya. Hinalikan niya ang tummy kong namumukol na. "I miss you both" sabay halik ulit sa tiyan ko.
"Ngik, nag half day ka nga lang" natatawang saad ko habang naiiling.
Humiwalay na ito at tumayo para mahalikan muli ako sa labi. Inalis ko ang coat nito, kumuha rin ako ng t shirt para makapag palit na siya.
Tumaas muna ako para dalhin ang mga pinamili nito. Nag pagawa si Zander ng room para sa baby boy namin. Siya ang nag design, mukhang excited na talaga siya.
Tinupi ko muna ang binili nito damit at ang iba naman na jacket ay isinampay ko sa closet na pinagawa rin ni Zander. Puro blue ang gamit nito.
Nang matapos ako mag-ayos sa room ng anak namin, bumaba na ako para pag handaan si Zander ng makakain.
Pag baba ko, nakita ko siya nasa lapag. Inaayos ang crib na binili. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa instruction paper. Matapos niya tignan, nag simula na siya mag screw.
Nakakatuwa naman 'to panoorin, talagang ready na ready na siya maging tatay. Halos siya na ang gumagawa at bumibili sa mga needs ng baby namin.
"Mamaya na 'yan, kumain ka muna" pinaglaruan ko ang buhok nito.
"Let me finish this first, baby." Malambing na saad niya habang nakatuon sa crib na inaayos. "This is for our son."
Natawa nalang ako at umupo sa sofa para panoorin siya sa ginagawa. Sobrang seryoso pa habang nag-aayos. Ang gwapo naman nito, kanino ba 'tong asawa? Syempre sa akin, kahit hindi pa kinakasal.
Nanood muna ako sa tv habang hinihintay matapos si Zander, busy pa kasi. Hindi ko naman makausap kasi sobrang seryoso sa ginagawa.
Tawa lang ako nang tawa sa pinapanood. Nakikita ko sa peripheral vision na tumitingin siya sa gawi ko sabay bumabalik ulit sa ginagawa.
"Baby, I want apple!" Sigaw ko, sa tv parin nakatuon ang mata ko.
"Sure." Tumayo ito at naglakad palapit sa akin. "Give me a kiss first." Ngumiti ako at agad siya hinalikan sa labi.
BINABASA MO ANG
A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)
Teen FictionNot An Angel Series #2 (Completed) Harianna Louie Lorena, a woman who only wants peace. All she wants is to get high grades to make her parents even more proud. She didn't think she would enter into a relationship because she was afraid to fall in l...