"Napa-aga ata ako" bulong ko habang nag-lalakad papunta sa gate.
First day of school ngayon sa Urisicia University. Medyo kinakabahan na may halong excited ang nararamdaman ko ngayon. Parehas kami na tinake ni Zander na course dahil 'yon din ang napa-usapan naming tatlo na kunin sa college.
Bachelor Science in Business Administration ang napili kong i take, lalo na ngayon na parang gusto ko matuto pag dating sa mga business.
Hindi ko siya kasama dahil alam ko naman na dalawang beses lang 'yon sa isang linggo pumapasok. At saka nasa senior building siya. Hindi rin kami mag kikita.
"College kana! Dalaga kana talaga!" Lumingon ako sa pamilyar na boses. Pag-lingon ko sina Miracle pala 'yon, kasama si Lander.
"Lumayo ka nga, baka isipin ng mga pogi dito may boyfriend ako." Tinulak niya si Lander at kinuha ang bag sa likod nito. "Doon kana" pag tataboy niya.
Bigla sumama ang mukha ni Lander. Tumakbo ako palapit sakanila at agad kinulong ang leeg ni Miracle sa braso ko. "Yow, wassup" bati ko. Napaubo si Miracle, kinurot ako sa tagiliran.
"Good morning" bati ni Lander.
Ngumiti ako at binitawan na si Miracle. "Good morning, Lands!" Kaway ko.
Napangiwi si Miracle. "Putek, pang banding naman 'yang nickname na ginawa mo" binatukan niya ako.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ganda kaya!" I rolled my eyes. Minsan na nga lang mag bigay ng nickname, nilait pa.
Tumawa si Lander na ikinatigil namin. "Mauna na ako, girls. Good luck sainyo." Ginulo niya ang buhok ni Miracle. "Ikaw, huwag ka gagawa ng kalokohan" pa-alala niya rito.
"Oo na, alis!" Tinulak-tulak niya si Lander. "Umalis kana kung hindi ka rin naman mag bibigay ng good bye kiss" dagdag niya kaya nanlaki ang mata namin parehas ni Lander.
"Ano nag ki-kiss na ba kayo?!" Gulat na tanong ko sa babaeng nakangisi.
"Mimi!" Saway niya rito. Naguguluhan talaga ako sa dalawa na 'to. Parang may tinatago e'
"I'm just kidding, okay! As if naman" she rolled her eyes. "Umalis ka na nga" inis na bulyaw niya kay Lander.
Senior building rin ngayon ang building ni Lander, kung hindi man ako nag kakamali ay mag kaklase sila ni Zander. Nang makaalis si Lander, hinila ko na papasok si Miracle.
Pero habang nag lalakad kami, sabay din kami napahinto nang makita namin si Sherel. Siya ang step sister ni Karina. My ghadd bakit siya nandito? Balak niya ba mag higanti kay Karina?
Nagkatinginan kami ni Miracle. Parang parehas ang pumapasok sa utak namin nang sugudin namin si Sherel na mag-isa nag lalakad papasok sa gate.
"Hey you!" Sigaw ni Miracle at itinuro si Sherel. Napatingin ito sa amin at halata sa mukha nito na nagulat nang makita kami.
Agad namin siya hinawakan sa magkabilaang braso para hindi makagalaw. "Ano ginagawa mo dito ha!" Bungad ko habang nanlilisik ang mata. "Balak mo apihin ang kaibigan namin 'no?" Diniinan ko ang pagkahawak sakan'ya.
"Gusto mo ba, first day of school naka sabit 'yang bag mo sa puno?!" Banta naman ni Miracle, hindi pa nakuntento hinawakan pa sa leeg.
"Ackk! Bitawan niyo nga ako!" Utos niya sa amin pero kami kabaligtaran ang ginawa, mas lalo namin hinigpitan ang pagkahawak sakan'ya.
"Ayaw!" Sigaw namin ni Miracle, nag-apir pa nang mag sabay sabihin 'yon. "Money for us" tumawa pa kami.
"The hell, nandito ako para mag-aral hindi para makipag-away!" Singhal niya. Sabay kami umiwas ni Miracle, may tumalsik na laway e'
BINABASA MO ANG
A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)
Novela JuvenilNot An Angel Series #2 (Completed) Harianna Louie Lorena, a woman who only wants peace. All she wants is to get high grades to make her parents even more proud. She didn't think she would enter into a relationship because she was afraid to fall in l...