Chapter: 18

682 9 0
                                    

"Daddy, Stop!" Awat ko nang bigla sugurin ni Daddy si Zander na may dalang kutsilyo.

Dito na kasi nakatulog si Zander, ayaw niya pumayag na hindi kami magkasama matulog kagabi. E' sakto wala naman sina Mommy kaso napaaga ata ang uwi nila. Nakita ni Daddy na magkatabi kami sa higaan tapos ayun nagulat nalang kami na may dala siyang kutsilyo.

"Sir, please calm down" mahinahon na sabi ni Zander habang unti unti lumapit kay Daddy.

Hinila ko agad palayo si Zander, baka bigla gumalaw ang kamay ni Daddy at masaksak siya. Pumagitna ako sakanila para hindi para awatin si Daddy.

"Anong calm down?! E' kung iturok ko kaya 'tong kutsilyo sa lalamunan mo?" Nanlilisik na matang sabi ni Daddy. Napunta ang tingin niya sa 'kin. "Ikaw, tumabi kang bata ka!" Inis na sabi nito sa akin.

Hinawakan ko ang makabilaang pisngi niya. "Look at me Dad, this is not you. Dad, look at me!" Hinampas ko pa nang mahina ang kabilang pisngi nito para magising.

"Harianna, can you leave us first. Mag-uusap lang kami" hinawakan ni Zander ang balikat ko kaya napunta tingin ko sakan'ya.

"Anong usap?! May dala kutsilyo ang tatay ko tapos mag-uusap lang? Ano 'yon nag dala lang ng props?" Tanong ko habang nakapameywang.

Tipid ito ngumiti at hinawakan ang dalawang pisngi ko. "Honey.. I'm okay, don't worry." Hinalikan niya ang pisngi ko.

"Aba't! Gaya-gaya kayo ng call sign. Wala ka talagang originality!" Singit ni Dad sa usapan namin, hawak parin ang kutsilyo. 'Yung hawak niya ay parang hawak ni Chuckie sa tuwing may hawak na kutsilyo.

Gusto ko sana kiligin kaso, epal 'tong tatay ko. Feeling ko nandito lang siya para sirain ang atmosphere naming dalawa.

"Shut up, Dad. Please, bitawan mo na 'yan." Inalis ko ang pagkahawak ni Zander sa pisngi ko at hinarap si Daddy. "Pag 'yan, naitusok mo kay Zander, huwag kang mag tatago sa palda ni Mommy pag pinakulong ka." Pananakot ko.

"Bakit nadamay ang Mommy mo dito?" Kunot noo na tanong nito.

"Ganoon ka naman talaga, noong hinabol ka ng itak ni Lolo, nag tago kalang sa likuran ni Mommy." Gusto ko sana matawa kaso nasa seryosong mood kami ngayon.

Namutla si Daddy at saglit tumingin kay Zander na seryoso lang kami pinapanood. Hindi ko naman gusto iparinig 'yon kay Zander pero ginawa ko lang para tumigil na siya.

"Pero matapang ko naman hinarap ang Lolo mo" aba ayaw parin tumigil, talagang gusto pa ipagmalaki ang sarili. "Pinaglaban ko ang Mommy mo" hinampas niya ang dibdib. "Nang makuha ko siya, minahal ko siya at inaalagaan na parang prinsesa." He proudly said.

Nakamot ko ang aking ulo. "Corny mo, Dad."

Pinitik nito ang noo ko. "Dahil sa pag mamahalan namin, nabuo ka. Hindi mo ba alam kung gaano kasaya noong niluwal ka ng Mommy mo? Muntikan ko na sambahin ang nag pa-anak sa 'yo." Pag kwe-kwento nito. Buti nalang ibinaba niya na ang kutsilyo sa gilid dahil nag sisimula na siya mag kwento.

"At Ikaw" sabay turo niya kay Zander. "Kung hindi ka ganoon pag nagka-anak kayo ni Arin, huwag kana mag papakita sa amin." Pinanliitan niya pa ng mata.

Hiyang hiya na ako sa pinag sasabi ni Daddy. Bakit ba binanggit niya pa ang tungkol doon? E' ilag si Zander sa mga ganoong usapan.

"I treat her like a queen and our child will be a prince and princess." Sagot ni Zander na ikina tameme naming dalawa ni Daddy.

Feeling ko dudugo na ang labi ko, panay kasi ang kagat para pigilan kiligin. Napadako ang tingin ko kay Daddy na parang kinikilig. Ang lapad kasi ng ngiti.

A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon