Chapter: 6

745 13 0
                                    

"Arin, dear. " Malambing saad nito habang marahan ako inaalog. "Sweety, wake up."



Nagising ako sa pag-alog ni Mommy. Madalas kasi Arin ang itawag nila sa 'kin dito sa bahay, samantala Hari naman sa mga kaibigan ko. Madami akong nickname.



Dahan-dahan ko inalis ang comforter, napakamot pa ako sa ulo. "Mommy, I don't have class today, so please. Patulugin mo po muna ako." Namamaos kong sagot at nag simula ulit mag talukbong ng kumot.



"You have visitors today, Arin." Mahina niya hinampas ang likod ko.



Napabangon ako bigla, nakaramdam pa ng kaunting hilo dahil sa pagkabigla. "Sina, Miracle?" I asked. Impossible naman na pumunta sila dito, e' ayaw nga nila tumambay dito kasi ang weird ni Daddy.



"No. Your package is already arrived. Ang dami pa nga nila nag deliver para lang sa iisang box." Nakamot nito ang ulo bago tumawa nang mahina.



Kumamot ang noo ko, sa pagkaka-alala ko, wala ako inorder na ngayon dadating. Watdapak baka may napindot ako then super mahal pala nun. No way.



Kinuha ko ang salamin sa side table at dali-dali ako bumaba. Hindi na nga napansin Mommy sa sobrang pagkataranta ko. Nadatnan ko pa si Daddy naka pamulsa habang naka harang sa pintuan. Mukhang may kausap siya, seryoso ang mukha e'



"D-Daddy?" Kunot noo ako lumapit.



Lumingon ito sa 'kin, "Ikaw bata ka! Hindi kita pinalaki para maging masamang anak. Arin..saan kami nag kulang para sayangin ang oras ng mga delivery guy para lang sa iisang box?" He dramatically asked while wiping his fake tears.



Nag sisimula na naman siya manakot, kaya hindi ko masisisi sina Karina kung bakit ayaw nila tumambay sa bahay. Hindi ko tuloy maiwasan mapasimangot.



Tinignan ko kung sino tinutukoy ni Daddy. Halos malagutan ako ng hininga nang makita kung sino ang mga tinutukoy nitong delivery guy.



"Watdapak..a-aray!" Pinitik bigla ni Daddy ang bibig ko. Bakit sila nandito? Pati ba naman weekend hindi nila ako tatantanan?



Nakasimangot silang lima, habang si Zander ay seryoso lang ako tinitignan. Ano na naman ba balak nila? May hawak pa siyang maliit na box.



"Kanino kaba sumasama? Bakit gan'yan na lumalabas sa bibig mo? Friendship over naba kayo nina Miracle?" Inalog nito ang dalawang balikat ko. "Hindi ko makakaya na lumaki kang sutil, mas okay pa na lumandi ka kesa maging masamang babae." Mahina niya kinurot ang tagiliran ko.



"Daddy! Ano ba pinagsasabi mo? Kilala ko 'yang mga 'yan!" Lumayo ako nang kaunti para iwasan ang mga kurot nito.



Bahagyan siya natigilan. "Huh? Sabi nila, Shopee delivery daw." Kumamot ito sa ulo bago bumaling sa lima. "Mga sinungaling kayo! Dahil diyan, Say sorry with tears" sabay taas noo sakanila.



"Bro, gusto mo ba alisin na natin ang natitirang buhok sa ulo niya?" Rinig kong bulong ni Chris kay Mike.



"Sino panot?!" Nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Daddy.



"Daddy, wala naman sila sinabing panot ka" papalumbag loob ko sakanya.



Sinamaan ako nito ng tingin. "Ano sabi mo panot ako?"



Tingnan mo ako pa naging masama! Sinubukan ko lang naman ipagtanggol sila para hindi na lumaki ang gulo, tapos ang ending sa 'kin pa nagalit.



A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon