Chapter: 33

844 12 0
                                    

"Another.. question" umubo si Alyssa bago itapat muli ang mic sa bibig. "Kung ang bulak ay cotton...ano naman ang bulaklak?" Pasigaw na tanong nito.



Agad tumayo si Clark at hinampas ang lamesa. "Ako, ako!" Sigaw nito nang makarating lamesa.



Nag lalaban kasi ang tatlong kumag, kaya si Alyssa may pa question and answer. Nandito kami ngayon sa bahay nila, gusto lang mag bonding amp.



"Oh, Sige Ikaw na!" Sigaw nito sa lalaki. "Akala mo naman lagi may kaaway " inirapan niya si Clark.



"Ako dapat nauna, hinila mo lang ang damit ko!" Reklamo ni Carl, nakasimangot.



Nilingon siya ni Clark. "Pinagsasabi mo?! Ako ang nauna, galingan mo kasi bonak ka" bulyaw niya sa kaibigan, nang-aasar pa.



Hinampas sila parehas ni Alyssa ng card. "Ano sagot? bilisan mo na gago!" Inis na sambit nito, naiinip na.



"Woah, wala ka pa sinasagot Clark pero alam kong mali na agad!" Sigaw ni Miracle sa gilid, nanonood. Nakaupo siya doon dahil may ka call siya kanina.



Tumingin ito sa gawi ni Miracle. "Yabang mo ah, kilalanin mo kinakalaban mo huh!" Maangas na sambit nito habang hinahampas ang dibdib.



"Taena mo, tagal mo sagutin ng tanong ko" reklamo ni Alyssa sakan'ya.



Tumikhim si Clark. "Ano ulit ang tanong" he asked.



Napairap si Alyssa at tumingin sa card. "Kung ang bulak ay cotton...ano naman ang bulaklak?!" Itinapat niya ang mic sa bibig ni Clark. "5, 4, 3, 2-"




"Cottonton!" Pumalakpak si Clark mukhang tuwang-tuwa pa sa sinagot niya. "Hindi mo kaya 'yon!" Sabay turo niya kay Miracle.



Lumakas ang tawanan sa loob ng bahay ni Alyssa, si Karina halos maluha na. Panay parin ang tawa ni Sherel, Creselia at Miracle. Nagtakip si Alyssa ng card para itago ang pag tawa niya.



"Putek, ang tanga mo!" Hinampas ko ang braso ni Clark, tumatawa.



Mukhang narealize ni Clark ang sinabi nito. "Flower... flower ang sagot ko!" Pinilit niya iligtas ang sarili amp.



"Ano ba 'yan, malapit na matapos ang pasukan tapos bonak ka parin?!" Singit ni Creselia, nakatingin kay Clark. "Bumalik ka nga sa kinder" pahabol nito.



Sinamaan siya ng tingin ni Clark. "Sige, basta bumalik ka sa tiyan ng mama mo tapos susuntukin ko." He smirked.



Nawala ang ngiti ni Creselia at pinakyuhan ito, siya naman ang tinatawanan ngayon. "Bwisit ka, gago!" Binato niya ng unan, sapul sa mukha.



"Pikon!" He laughed while pointing his finger to her. "Ano wala ka pala e'"



"Aguy, sakit" sulsul ng mga kaibigan niya habang nakatingin kay Creselia na nakasimangot na ngayon.



"Kung ako 'yan nag walk out na ako" nakangising saad ni Josh, umiiling.



"Mauna ka, pakyu!" She rolled her eyes.



Nakikitawa lang ako hanggang sa lumapit si Miracle sa tabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, baket?" Tanong ko nang tingnan ako.



Hinila niya ako, akmang bubulong. "Samahan mo ako, sisirain ko ang date ni Lander" agad ako napalayo at sinamaan siya ng tingin.



"Gaga, bakit kasama ako?" Gulat na tanong ko. Nakakahiya kay Lander baka isumbong pa ako kay Zander.



Speaking of Zander, hindi kami masyado nakakausap at malimit na rin siya pumapasok ang sabi niya may gagawin lang siya. Hindi na ako nag tanong dahil parang wala naman balak sabihin. Subukan niya lang mambabae malalagot siya sa 'kin.



A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon