Chapter: 16

708 9 0
                                    

"Hindi kita maalala, bugok!" Sigaw nung babaeng akala mo nag-hahamon ng away.

Agad siya nilapitan ni Miracle at pinipigilan pitikin ang babae sa noo. "Ikaw 'yung babaeng tinulungan na nga..Siya pa ang galit." Sumimangot ito at inirapan ang babae.

"E' ang epal mo kasi, kita mong hindi ko pa tapos bangasan tapos bigla ka e-extra!" Lumapit din ang babae sakan'ya hanggang magkalapit na ang mukha nila sa isa't isa.

May humawak sa babae at pilit ito inaawat. "Sis, wag mo na awayin..baka umiyak" mahinang saad nung kaibigan niya.

Bumaling tuloy ang tingin ni Miracle sa kaibigan nito. "Excuse me?! Baka mauna ka!"

Agad pumagitna si Karina at piningot ang babae. "Ikaw, baka gusto mo makarating 'to sa kuya mo, Sige ka!" Sabi niya sa babae.

"Tigilan mo nga ako, siya naman ang nauna..bakit kinakampihan mo 'yang babaeng akala mo may pa gender reveal!" Turo nito kay Miracle.

"Hoy, for you information... Fashion ang tawag dito, nain-"

"Ah, gusto mo lang ng kiddy party!" Tumawa ito bago muli sumeryoso. "Nice party hat!" Hinawakan niya ang barret ni Miracle.

Tinampal nito ang kamay ng babae at sinamaan niya ng tingin. "Don't touch it!"

"Arte, sino ba 'to, Karina? Gusto mo ba bangasan ko mukha nito?" Akmang manununtok na ito kaso may pumigil sakan'ya.

"Alyssa.." lahat kami lumingon sa familiar na boses.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kevin na papalapit sa amin. Omg...siya 'yung Alyssa na lagi kinukwento ni Kevin na gusto niya?? Kaso hindi siya gusto..aw piss sakit.

"Kevin!" Sigaw ko at hinampas ang likod niya.

Sumama ang tingin ni Alyssa sa akin at humawak sa dibdib nito na para bang nasasaktan. "Sabi na nga, May kabet ka!" Sigaw nito at tinalikuran na kami.

Sumunod ang kaibigan nito tumatakbo paalis. "Sis, saglit! Hindi mo naman jowa 'yan!" Natigil tuloy sa paglalakad si Alyssa.

"Edi...ex, fling!" Umirap ito at nagsimula mag lakad paalis.

"Sis, wala talaga kayong label!!!" sigaw nito pabalik at pilit hinahabol si Alyssa.

"Woy, pinsan ni Hari..ano relasyon niyo nung babae na 'yon?" Nakataas na kilay na tanong ni Karina.

"Who are you again?" Mahinahong tanong nito kaya tumawa nang malakas si Miracle para tawanan si Karina.

"Aba, susuntukin ko 'to!" Inalis ni Karina ang bag, Akmang lalapit kay Kevin.

Buti pinigilan agad siya ni Miracle pero tumatawa pa din. "Tama na, nag tanong lang naman. Hindi ka kasi nag papakilala." Muli siya natawa. "Minsan kalang kasi niya makita."

Inalis ni Karina ang kamay nakahawak sa braso at inis inayos ang uniform. "Sinisigurado ko lang kung may relasyon sila ni Alyssa."

Sabay kami tumingin sakan'ya. "Kilala mo ba 'yon?" Tukoy ko kay Alyssa.

Umirap siya sa amin. "I don't think kung childhood friend ang tawag sa amin.. dahil hindi naman namin tinuring na magkaibigan ang isa't isa." Sumimangot ito. "Siguro..tawagin nalang natin na, mag kakilala lang dahil magkaibigan ang Mother namin."

Sabay kami tumango, kaya naman pala kilala ni Karina ang kuya nito dahil nabanggit niya ito kanina.

Tumingin ako kay Kevin at agad siya tinapik. "Sundan mo na" tipid ako ngumiti.

A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon