Chapter: 3

862 15 2
                                    

"Woy! Bakit ba parang hindi ka mapakali?" Napaigtad ako nang bigla tapikin ni Miracle ang aking balikat. Panay kasi ang tago ko sa likod nila habang naglalakad palabas.


Hinila ni Karina ang kamay ko at itinabi sakanya. "May ghinost ka na naman 'no?" Nakatutok pa ang kanyang hintuturo sa mukha ko.


Agad ako umiling, "Ano kaba! Wala ako panahon sa gan'yan." Sabay hampas sa balikat niya. "Na jejebs na ako." I whispered, kahit hindi naman talaga.


Pinag tataguan ko ang Zander na 'yon. Baka mahila na naman ako sa kanilang hideout at tuluyan na hindi makalabas. Ano akala niya, susundin ko siya? Ang totoo niyan, mali ang address na binigay ko. At ang binigay kong number is 'yung matagal na hindi ginagamit.


Bale tatlong araw na akong praning, Kung saan saan na nag tatago para lang hindi nila makita. Jusq! Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na 'to.


Grabe ang kaba nang makalabas na sa gate, mukhang nag kakagulo pa sa gilid. Mga kababaihan lang naman ang nandoon.


"Jusmiyoo! Ano ba meron do'n?" Turo ni Miracle. "Nakakita siguro ng gwapo. 'Tong mga 'to, makakita lang ng pogi nag kakagulo na. Tingnan nga natin kung totoo." Napakagat labi pa ito bago tumakbo sa mga kababaihan.


Nagkatinginan kami saglit ni Karina bago sabay umiling. "Mauna na ako, hahanap na ako ng rerentahan" she rolled her eyes bago tumakbo palayo.


Ilang araw na siya naghahap ng matitirhan pero wala talaga siya mahanap. Sinubukan ko mag offer kaso ayaw niya talaga. Gusto daw maging independent amp. Kasalukuyan nandoon siya kay Miracle nakikitira. Naglayas kasi ang bruha, nag-away daw sila ng Daddy niya.


Aalis na sana ako nang bigla ako hilahin ni Miracle papunta sa mga nag kakagulo, panay ang piglas ko pero mukhang wala siya naririnig.


"Teka! Bakit mo ba ako hinihila?" Inis na tanong, at mahina siya tinulak.


Hinila niya ang kwelyo ko at iniharap sa apat alagad ni Zander. Halos mahulog ang eye balls sa sobrang gulat nang makita muli sila.


"Eto ba?! Harianna din kasi name nito" Tuwang-tuwa pa ang gaga habang tinuturo ako. "Kaya ka pala nag tatago kasi ghinost mo 'tong apat! Hindi ka manlang nag share" sabay hampas sa braso ko.


Masama ako tinitigan ni Raph habang nakapamulsa. Napatingin nadin ako sa mga kasamahan niyang bored na bored na nakatingin.


"Hindi ko kilala 'yan" inalis ko ang pagkahawak sa 'kin ni Miracle at tumakbo nang mabilis palayo sakanila.


"FUCK! FOLLOW HER!" rinig na sigaw na nang-gagaling sa likuran ko.


Halos matulak ko na ang mga tao sa paligid sa sobrang bilis nang takbo. Sinubukan ko mag tago sa malaking truck. Kaso bigla umandar kaya napatakbo ako sa isang kotse, kaso pag silip ko may nag mamake out, hindi pa tinted ang bintana.


"Wahh, bastos!" Sigaw nito sa 'kin, napakapit ito sa boyfriend niya.


"Ay wow, sorry ha! May kwarto naman kasi bakit dito pa kayo gumagawa ng milagro?" I rolled my eyes. Seriously, bakit dito pa sa parking lot.


"Miss, umalis ka nalang, kebata bata, naninilip" pagtataboy ng lalaki.


"Woa-wahhh" sasabat pa sana ako nang bigla maanigan ang mga abno na sumusunod sa 'kin.


Lumipat na ako sa ibang kotse para mag tago. Sinilip silip ko pa kung sakali nandito paba sila. Nang pumunta sila sa ibang direksyon, nag balak na ako tumakbo.


A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon