"Puro broken kasama ko rito ah" binasag ni Sherel ang katahimikan sa loob ng bahay ni Karina.
Isang linggo na ang nakalipas, wala na akong balita ang huling nalaman ko lang is nasa hospital pa siya, hindi pa nagigising.
Na kwento ko narin kina Miracle, sinugod nga nila si Monica. Galit na galit si Miracle, hindi nga siya maawat ni Lander tapos ang ending sila ang nag-away.
Bakasyon na namin, ang bilis ng araw no' parang kailan lang na kinikilig pa ako sa pang-uuto sa 'kin.
"Hindi ako broken." Umupo si Miracle sa sofa at nakanguso. "Ayoko na siya maging taga-bantay ko, ni hindi manlang ako kaya ipagtanggol" she rolled her eyes.
"Mga red flag bebe niyo, buti nalang ako walang bebe" sambit nito habang nilalagay ang hibla sa likod ng tenga.
"Sana hindi ko nalang siya nakilala" napatingin kami kay Karina. Namamaga ang mata nito, halos hindi na nga makakain. "Paano na anak ko, pati tatay niya itinanggi siya" she cried again.
Mabilis kami lumapit at mahigpit siya niyakap. "Wag ka mag-alala kami ang magiging tatay ng anak mo!" Masayang saad ni Miracle habang hinahaplos ang buhok ni Karina.
"Pabayaan mo 'yang mga lalaki na 'yan, mga sakit lang ang binibigay sa atin" sumuntok si Sherel sa hangin.
Pinagmasdan ko lang kung paano umiyak si Karina. Hindi ko inaakalang iiyak siya dahil sa isang lalaki. Hindi ko rin iniiexpect na ginamit lang ako para makuha ang gusto niya.
"Are you okay?" Hinawakan ni Miracle ang kamay ko.
Tipid akong tumango at iniiwasan wag mapaiyak. Ayoko mag drama, kay Karina naman dahil siya ang broken hearted ngayon.
Kailangan ko rin mag move on. Hindi na maganda umiyak, gabi gabi. Narinig nga ni Daddy tapos ayun, galit na galit nang malaman niyang break na kami ni Zander. Hindi niya daw hahayaan makapasok ang lalaki na 'yon sa bahay. As if naman na babalik pa si Zander, e' nakuha niya na gusto niya.
"Sure ba na sasama kayo?" Pag-iibang topic ni Karina.
Pumunta kami sa bahay nila nang malaman na mag-iibang bansa siya. Syempre nag-alala kami lalo na buntis siya. Baka mapahamak pa siya, mag-isa lang kasi siya pupunta doon.
Nang malaman namin na aalis siya, nag impake agad kami para sumama sakan'ya. Ayaw talaga namin mahiwalay, dahil kami lang din ang mag tutulungan dito.
"Mag sisimula tayo ng panibagong buhay sa States, doon natin palalakihin ang soon to be inaanak natin yipiieee" pumalakpak si Sherel kaya natawa nalang kami.
"Hindi natin kailangan ang mga lalaki na 'yan" sambit ko sakanila.
"Kailangan ko sila" sabay kami tumingin kay Miracle na nag beautiful eyes pa.
"Doon ka kay Lander" pang-aasar ni Sherel, nabatukan tuloy siya.
"Kadiri. Mas mabuti pa na tumandang dalaga ako kesa makatuluyan siya." Umirap ito at sinipa ang maleta ni Sherel.
*****
"Chocolate namin ah!" Sigaw ni Clark.
Nandito sila sa airport. Ngayon ang flight namin, kaya kompleto ang tropa sa paghatid sa amin. Natawa pa nga ako nang umarte umiiyak si Carl, wala naman luha tumutulo sa mata niya.
BINABASA MO ANG
A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)
JugendliteraturNot An Angel Series #2 (Completed) Harianna Louie Lorena, a woman who only wants peace. All she wants is to get high grades to make her parents even more proud. She didn't think she would enter into a relationship because she was afraid to fall in l...