"Bakit mo kami pinapunta dito? Mag papakain kaba?" Boses agad ni Mike ang narinig ko nang makapasok sila sa bahay.
Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti nalang sumunod sila dito, akala ko pahirapan pa bago sila mapapunta dito e'
"Baka type niya tayo" singit ni Chris, nakangisi pa siya habang nakapamulsa naglalakad palapit sa 'kin. "Pogi ko ba?" Mahangin na tanong niya.
"Hindi" mabilis na sagot ko. Actually lahat naman sila pogi, pero mas pogi ang bebi boi ko ehehe.
"Gagu, ang sakit mo naman" busangot siyang umupo sa sofa at binuksan pa ang tv. "Wala ba kayong Netflix? Ang poor niyo naman" nag reklamo pa talaga siya. Kararating niya lang feel at home na agad siya.
"Sabihin mo lang kung namimiss mo ako kaya dinamay mo pa sila para makita ako" Nag pogi sign pa si Klent at kinagat ang ibabang labi niya. "Shet, ang pogi ko." Tinaas-baba niya ang kilay, habang nag papa-cute sa harap ko.
"Baka ako talaga 'yon" binatukan siya ni Raph sabay nag posing ng parang model, itinaas pa ang dalawang braso at muling nag posing. "Hindi ko naman masisisi si Hari kung mapogian siya sa 'kin." aniya at ningisian pa ako.
Napasimangot tuloy ako. Wala na, sinira na nila ang magandang araw ko ngayon. Bakit ba kasi sobrang hangin ng mga 'to. Hindi na nila kailangan mag electric fan dahil sakanila palang sobrang lakas na ng hangin.
"Sino marunong mag gitara dito?" Tanong ko sakanila. Nag tinginan sila at mukhang nag-uusap sa pamamagitan ng tingin. Mukhang lahat sila hindi alam kung paano tumugtog no'n.
"Bakit? Ha-Haranahin mo si bossing? Pucha ang bading mo naman!" Malakas tumawa si Mike, binatukan ko para tumahimik. "Aray, sakit ah!" Daing niya, nakahawak sa ulo.
Pumwesto ako sa harapan nila. "Monthsary namin ngayon, kailangan ko ng katulong sa pag surprise sakanya, wait lang." Pumunta ako sa kusina at kinuha ang mga decorations na ginawa ko. "Tulungan niyo ako, ikabit 'yan sa garden ni Miracle." Inilapag ko ang mga decorations sa center table.
Nakatitig lang sila, sinubukan rin nila hawakan para matignan kung ano ang mga nasa loob no'n. Mga lobo at metallic foil lang nandoon.
At bakit kina Miracle? Maganda ang view doon, madami pa mga bulaklak kaya mas romantic. Pumayag si Miracle kasi inuto ko na bibilhan ko siya ng maraming seeds. Alam ko mag papalambot sa babae na 'yon, bulaklak ang kahinaan niya.
Wala ngayon si Zander dahil may lunch date ang parents niya sa mga lolo at lola nila. Kaya no choice siya kundi sumama, pinilit ni Tita e' gusto pa nga ako isama kaso hindi ako pumayag. Nakwento ni TIta na masyado daw akakatakot ang Lolo ni Zander sa father side, syempre natakot din ako kaya hindi ako pumayag noong balak niya ako isama.
"Corny niyo namang mag jowa!" Nagkakamot si Klent sa ulo. "Sige na nga, nakakaawa kana kasi."
Hindi ko alam kung matutuwa or maiinis ako sa sinabi niya. Talagang naawa pa siya sa lagay na 'yan.
"I made cookies for you guys!" Tumakbo ako sa kusina para kunin ang mga box para sakanila. "Ayan para hindi na kayo mag reklamo" I rolled my eyes, inabot na ang ginawa para sakanila.
Kuminang ang mata nila nang makita ang mga boxes na dala ko. Hindi nga maalis ang mata nila doon. "Yown! Salamat, Hari!" Masayang saad nila.
"Ano pa tina-tayo mo diyan, Hari? Halika na baka dumating na si bossing" kinuha na ni Raph ang mga decorations at nauna na lumabas.
"Plastic no'n" naiiling na saad ni Klent. Akala mo siya hindi.
BINABASA MO ANG
A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)
Teen FictionNot An Angel Series #2 (Completed) Harianna Louie Lorena, a woman who only wants peace. All she wants is to get high grades to make her parents even more proud. She didn't think she would enter into a relationship because she was afraid to fall in l...