🌲 Special Chapter ❄️

401 5 3
                                    

"Nathaniel, Yeorine! Bumaba na kayo!" Malakas kong sigaw mula sa pwesto ko. Napahawak tuloy ako sa lalamunan ko, medyo napalakas.



"Pucha, puntahan mo nalang kaya? Timang lang, ante? Baka nakakalimutan mo second floor 'tong bahay mo." Alyssa jokingly pulled my hair. "'Yung utak mo paurong."



Agad ko siya tinitigan ng masama. Ano naman kung sumigaw ako rito? Sanay na ang mga anak ko sa boses ko. Kung hindi lang nila kami kailangan baka nag rebelde na sila.



"Palibhasa 'yung anak mo parang si Mama Mary sa sobrang bait." I rolled my eyes. "Manang mana sa pinsan ko." I laughed to piss her off even more.



"Hoy, ganiyan rin ako noon–"



"Kailan 'yon?" Kunot kong tanong.




Binatukan niya ako. "Noon nga 'diba?" Pinanlakihan ako ng mata. "Kesa sumigaw ka nang sumigaw diyan, tumulong ka nalang sa akin, mamaya dadating na 'yung iba."



Bago pa ako makapag salita, I was pulled towards our kitchen.



"Why aren't you with Miracle and Creselia?" Tanong ko rito. Tinutulungan ko siya mag-alis ng mga plastic sa bilao.



Mag kapitbahay ang tatlong bruhilda, nakakapagtaka lang na hindi sila magkasama hindi tulad noon na halos sabay sila pumunta kapag may okasyon.



Hindi siya nag-aksaya lumingon sa akin, tuloy siya sa pag-aayos ng mga dinala nilang mag-asawa.



"Ah... Si Miracle, dumiretso muna sa mother in law niya tapos si Creselia naman nag pahuli muna, may work pa si Clark." Paliwanag nito. Bigla siya napakamot sa ulo. "Lintek talaga 'tong si Kevin. Nadala niya nga 'yung pang scoop sa ice cream pero 'yung ice cream naman ang naiwan!"



Malakas ako natawa. "Pabayaan mo na, meron dito sa bahay. Nakabili rin si Zander." I patted her shoulder.



I thought her mood would change but she frowned even more.  "Eh, matutunaw 'yon! Nakapatong sa lamesa, dadalhin nalang."



"Bobo niyo namang mag-asawa–"



"Mommy." Sumulpot ang dalaga nitong maamo ang mukha. "Kung nasa 'yo daw po ba 'yung wallet ni Daddy. Nawawala raw po kasi."



Nabitawan ni Alyssa ang hawak nitong bilao. Kinapa niya ang bulsa. "Nasa akin, pero sabihin mo nawawala." She chuckled.



Tumango ang anak nito. "Sige, sabihin ko po kay Daddy nasa'yo ang wallet niya." She turned and quickly walked out.



"Hirap kapag sobrang honest ng anak!" Napakamot nalang muli ito sa ulo.



"Wassup, everyone!"



Napasilip ang ulo namin sa sala. Dumating na sina Sherel at Miracle. Ang lalawak ng ngiti. "Omg! Ilang taon rin bago maulit 'tong Christmas party natin! Mga bata pa ang anak natin noon. Ngayon mga dalaga at binata na, hayssss." Madramang saad ni Miracle.



"OA, OA, OA." Bulyaw ni Sherel sa mukha nito. "Pero, may point siya. Ilang taon rin tayo hindi nagkita-kita. Pwera lang sainyong tatlo ni Alyssa at Creselia na magkapit bahay lang."



Ang huling reunion namin magkakaibigan is mga bata pa talaga ang anak namin. Never na naulit ang pagsasama sa tuwing bago sumapit ang pasko. Masyado kasi naging busy lalo na ngayon may sari-sarili kaming pamilya.



"Noon, nagsasawa ako sa pagmumukha nila pero kahit nasa iisang village kami. Ngayon, bihira kami magkasalubong. Tanging batian lang kapag nakakasalubong." Pagkwento ni Alyssa at naupo sa sofa.



A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon