"Hindi ko nga siya boyfriend!" Pag bukas ko ng glass door nakita ko si Miracle na hinaharangan ng mga lalaki. Mukhang nakakatakot ang mga pag mumukha.
Lumapit agad ako, parang may nararamdaman akong hindi maganda sa mga lalaki na 'to. Mahirap na baka kidnappin si Miracle.
Lumabas lang ako sa office para bumili ng ice coffee kaso nakita ko si Miracle, gabi na ah.Bakit nandito parin siya sa labas?
Hinawakan siya ng lalaki kaya todo piglas si Miracle. "Hey, don't touch her!" Hinampas ko ang kamay nito at hinila si Miracle. "Sino ba kayo ha!" Inis na tanong ko sa tatlo na lalaki.
"Hindi ikaw ang kailangan namin" aniya. "E 'tong babae ang gusto namin." Sabay turo kay Miracle.
Itinago ko si Miracle sa likuran ko. "Ano kailangan niyo sa kaibigan ko?" Matapang na saad ko.
"Sis, tumakbo tayo" bulong ni Miracle.
Tama. Kailangan namin tumakbo.
Mahigpit ako humawak kay Miracle at mabilis tumakbo palayo. Nasa parking lot ang kotse ko at malayo layo 'yon dito.
"Sundan niyo!" Sigaw ng lalaki kaya mas binilisan pa namin ang takbo.
"Ano ba nangyayari, Miracle?!" Natatarantang tanong ko habang patuloy sa pag takbo.
"Hindi ko din sila kilala!" Sigaw niya pabalik, namumutla na si Miracle.
Sinubukan ko lingunin ang mga humahabol, malapit na sila makalapit sa amin. Napapikit ako at nag hahanap ng tao na pwede hingan ng tulong kaso, wala na masyado nag lalakad sa lugar na 'to.
Sabay kami napatigil ni Miracle nang sumulpot sa harapan namin ang isang lalaki, pucha nag shortcut ata 'to. Dadaan sana kami sa gilid pero hinarangan na din kami.
"Sige, subukan niyo lumapit..may granada ako sa bag" pananakot ni Miracle, napaismid ako. Sarap batukan ni Miracle amp.
"Sumama kana sa amin" dahan-dahan lumapit ang lalaki pero mabilis ako humarang. "Putek, hindi naman ikaw ang gusto namin, umalis ka nga diyan" malakas siya ako itinulak kaya napasubsob ako sa poste.
"Pakawalan niyo ang kaibigan ko!" Sigaw ko. Pero wala silang narinig, hinawakan niya ang mukha ni Miracle pababa sa leeg niya.
"Help! Kadiri ka, shooo!" Sigaw niya sa lalaki.
"Dalhin mo ako sa boyfriend mo, papuntahin mo dito" nakakatakot na saad ng lalaki.
"Wala akong boyfriend!" Naiiyak na sabi ni Miracle. "Parang awa niyo na, bitawan niyo ako" pag-mamakaawa niya rito.
"Nakita namin na magkasama kayo ni Lander," Kinuha niya ang bag ni Miracle at hinanap ang cellphone. "Asan ang number niya, bilis hanapin mo!" Sigaw niya sa umiiyak na Miracle.
"Ayoko!" Todo piglas siya pero no'ng may nilabas na kutsilyo ang lalaki ay nanginginig ang katawan nito. "Please..no" she cried.
"Gusto mo iturok ko sa lalamunan mo 'to?" Pananakot niya kay Miracle.
Lalapit sana ako pero hinawakan ako ng isang lalaki. "Ano ba?!" Sigaw ko, sinipa siya sa pero hindi ko natamaan.
"Wag ka mangielam!" Napaiwas ako nang may tumalsik sa pisngi ko, pucha kadiri naman.
"Hello, Pare Lander!" Napalingon ako sa lalaki may kausap na ngayon sa call, iyak nang iyak si Miracle.
Nag tama ang mata naming dalawa, namumula na ito, nanginginig ang katawan habang hawak siya ng lalaki.
BINABASA MO ANG
A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)
Teen FictionNot An Angel Series #2 (Completed) Harianna Louie Lorena, a woman who only wants peace. All she wants is to get high grades to make her parents even more proud. She didn't think she would enter into a relationship because she was afraid to fall in l...