"Shoo~" sinipa ko si Mike na kanina pa dikit nang dikit sa 'kin. "Umalis ka." Pag tataboy ko.
Bakit ba kung kailan hindi ko sila pinapansin do'n sila nagiging papansin, feeling banal na akala mo close kami kahit na hindi. Dinala ako ni Zander sa hideout, may meeting daw ngayon ang mga mataas na rank, isa do'n si Zander. Iniwan niya ako sa apat na 'to.
Hindi ko alam kung ano trip nila. May pa meeting, meeting pa. Sigurado ako pag-uusap lang nila kung paano kumuha ng mentos sa grocery.
Tapos papansin pa 'tong apat na lalaki na 'to, kanina pa nila ako kinakausap pero hindi ako kumikibo. Maski nga si Zander hindi ko narin inimikan pagkatapos ng kababalaghan namin sa kotse niya kanina. Argh! Hindi na ako ulit papayag na makalapit at makaulit sa 'kin ang lalaki na 'yon.
"Snob!" Parinig ni Chris habang kunwari nag babasa sa librong nakabaligtad. Napansin niya na tumingin ako sa gawi niya. "Hays~~ grabe, ang snob naman ng babae sa kwento, feeling pretty." Sabay lapit ng libro sa mukha niya. Akala mo talaga nag babasa, baligtad naman.
Napaismid ako at nag focus nalang sa pag-iiscroll sa facebook. Bahala sila diyan.
Naramdaman ko lumapit si Klent kay Chris at nakibasa narin sa binabasa ni Chris na nakabaligtad.
"Grabe, saklap naman ng babae na 'yan, swerte niya nga may apat na leading man na sinusuyo siya." Parinig nito.
"Trueeeee, mga pogi pa. Lalo na 'yung lalaking Chris ang pangalan."
"Ay ganoon? Sana mamatay na siya," si Klent.
Gusto ko sana sila pagtawanan kaso baka lumaki ang ulo at akalain nila na okay na kami.
"Wag ka na nga makibasa, panira ka." nakikita ko sa gilid na tinutulak-tulak niya ang pisngi ni Klent palayo sakan'ya.
"Woi! Paupo." sumiksik ito sa gilid ko. Mabilis ako lumayo habang nakatutok parin sa cellphone ko.
"Snob parin." He whispered to Mike.
"Sakalin mo para pansinin ka." he whispered back.
"Pwede ba?" Tanong nito. Tumaas ang kilay ko. Talagang sa tabi ko pa sila nag bubulungan nakakairita na sila.
Sa inis ko tumayo ako at napag-isipan muna lumabas para mag pahangin. Hindi ko na kaya makasama sila sa iisang bahay.
Ang tagal naman matapos ni Zander. Bakit kasi kailangan pa ako isama sa hideout na 'to? Pwede naman ibigay nalang 'yung susi sa condo niya para mabilis ko malinisan ang condo nito. Hindi 'yung mag-aantay at mag sasayang pa ako ng oras para sakan'ya.
"Woooh! Ang init mga pre, dito tayo sa labas!" narinig ko ang boses ni Mike. Lumingon ako at nakita ko sila nakasilip sa pwesto ko.
"Ang init nga!" Pang-gatong ni Chris.
Nainitan pa talaga sila? E' may aircon naman sa loob, halatang gusto na naman nila ako guluhin.
"Woy, patabi kami ha!" peke ngumiti si Raph habang nag uunat-unat sa tabi ko. "Sarap ng sariwang hangin, diba?" Siniko ako nito.
Saglit ako tumingin bago ibalik ang tingin sa kawalan. Pinanganak siguro ako para inisin lang ng apat na 'to.
"Wapakels pa din," bulong nito sa katabi niya.
Tumikhim ako. "Pwede ba, doon kayo mag pa hangin, wag dito?" Malumanay na tanong ko.
Saglit sila natigilan, at hindi na ako pinansin. Nag kunwari sila na busy sa walang kwenta nilang ginagawa.
BINABASA MO ANG
A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)
Ficção AdolescenteNot An Angel Series #2 (Completed) Harianna Louie Lorena, a woman who only wants peace. All she wants is to get high grades to make her parents even more proud. She didn't think she would enter into a relationship because she was afraid to fall in l...