Chapter: 42

1.1K 12 0
                                    

"Mag po-propose na ako kay Karina" napakamot sa batok si Stever, nahihiya pa.

Muntikan ko na madura ang iniinom ko, samantala si Miracle nabilaukan at pilit inaagaw kay Alyssa ang iniinom nito, nakatulala lang ito. Ang tatlong kumag naman lumakas ang tawa, inaasar si Stever.

"WHAT?!" gulat na tanong ni Sherel. "Baka naman saktan mo ang sister ko!" Binato niya ito ng crampled tissue.

Sinimangutan siya ni Stever. "Hindi ko gagawin 'yon, mahal na mahal ko si Karina" napangiwi agad ako sa sinagot nito.

Lumapit ang tatlong kumag kay Stever at minasahe. "Pre, kung tinatakot ka ni Karina..sabihin mo lang. Dapat mag tulungan ang mga pogi" tinapik ni Clark ang balikat nito.

"Pre, I got you" Carl winked at him, diniinan pa ang pag masahe sa likod ni Stever, napadaing tuloy.

"Pre...pre...mahal kita, pre." Sabay kami tumingin kami kay Josh, nag da-drama.

Tumawa si Stever habang umiiling. "Thanks guys" nilingon niya ang tatlong kumag at nakipag apir.

Nagka-tinginan kaming limang babae sa mga kalokohan ng tatlo na 'to. Ang tanda na wala parin sila pinagbago. Mga siraulo parin.

"So ano balak mo at kailan ka mag po-propose?" Tanong ni Alyssa rito. Natigil ang apat, sabay sila tumingin kay Alyssa.

"Bakit? Gusto niyo sumabay kina Stever? Nako, ikaw ah. Kunwari ka pa pero marupok rin naman" sabat ni Clark, nakangiti.

Napatingin ako kay Alyssa, nakatingin rin pala sa 'kin. Agad siya umiwas at sinugod si Clark, binatukan. "Pinagsasabi mo ha!" Sinabunutan pa.

Ano na kaya balita sakanila ng pinsan ko? Nagkaroon ba sila ng relasyon? Parang wala akong naalala. Tagal ko rin kasi nawala dito sa pinas. Nag patayo ako ng business kahit hindi pa ako nakakauwi para pag balik ko dito may hanap buhay na agad ako.

"'Yung isa nanahimik, baka ikasal na rin." Pag-paparinig ni Miracle, nakangisi.

Ako, ikakasal? Huh?! Impossible. Hindi nga ako mabuntis-buntis ni Zander, mahinang nilalang. Batugan ata mga sperm niya.

Speaking of Zander, kanina pa siya tawag nang tawag sa 'kin, masyadong epal. Hindi nga ako nag paparamdam e' tapos panay pa ang punta sa bahay buti nalang gabi na ako nakakauwi. Tapos hindi ko siya pinapasok sa company, kahit anong pilit niya.

Tatlong linggo akong inis sa mukha niya, ayoko siya makita. Nakakadtrip siya kahit wala pa siya ginagawa. Pero ngayon, miss ko na siya.

Gusto ko siya kurutin at yakapin pero naiinis ako kasi hindi na ako pinupuntahan, ang sabi niya sa text..busy daw siya. Ugh! Gusto ko siya pigain. Bakit ba bigla ko siya namiss? Kadiri naman. Wala siya ngayon sa Pinas. Nasa Canada may i-memeet na client? I don't know. Hindi ko naman binabasa lahat ng text niya.

Tumingin ako sa pwesto ni Stever. "Pakisabi kay Sebastian, nakikipag halikan si Miracle sa dati niyang bantay." Pag-susumbong ko rito.

Agad hinila ni Miracle ang buhok ko. "Gaga, ang tagal na no'n!" Namumula na ang siraulo.

Tinawanan siya ni Stever. "Nako, wala kang pag-asa do'n. Tinakot na siya ng ex mo"

"Weh si Marc?!" Gulat na tanong ko. "Hindi ba, ex mo si Marc?"

Kumunot ang noo ni Stever. "Marc? I thought si Lander ang ex niya. Siya kasi ang nanakot."

Nahampas ni Miracle ang lamesa. "That asshole! Mag babayad talaga siya, sinira niya ang history namin ni Sebastian!" Napasuntok siya sa hangin.

A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon