Chapter: 45

1.1K 11 1
                                    

"Congratulations, it's a baby boy!" Sigaw ng mc nang putukin na namin ang malaking balloon kung saan malalaman ang gender ng anak namin ni Zander.

Napatalon ako sa saya. Ganoon rin si Zander na panay halik sa pisngi ko. Tuwang-tuwa ang gago.

"Yey, It's a baby boy!" Masayang saad ko habang nakatingin sa kan'ya.

Nakangiti rin ito sa akin habang nakahawak ang kamay sa bewang ko. "I'm so happy" he whispered at pinagdikit ang noo naming dalawa.

Nakapikit lang ito ngayon pero ang ngiti ay hindi parin nabubura sa labi niya. Mukhang masaya nga talaga ito. Halata naman e' siya kasi nag pumilit na mag pa gender reveal.

"Panis, talo kayo! Sabi sainyo lalaki 'yon e'" napatingin ako kay Clark na nagyayabang. Ang pusta niya is boy nga daw.

"Akin na mga pera niyo." Singit ni Carl, nakalahad na ang kamay sa limang babaeng nakasimangot. "Hoy, Alyssa 'yung pusta mong house and lot ibigay mo na agad" sabay turo nito sa babaeng parang walang naririnig.

"Ano ka ngayon, Miracle? Ang lakas pa talaga ng loob mo makipag pustahan sa akin." Lumapit si Josh kay Miracle. "Ano? Akala ko ba ki-kiss mo pwet ko kapag lalaki anak ni Hari?" Ani ni Josh, nang-aasar.

"Naniwala ka naman, uto-uto!" Singhal nito sa lalaki.

"Aba't!" Susugurin sana ito ni Josh kaso pinigilan siya ng apat na bruha at kineltokan sa ulo. "Aray! Pucha bakit parang ako ang talo dito!" Nagkakamot na saad ni Josh, nakasimangot.

"Congrats to the both of you!" Sumulpot ang Mommy ni Zander, kaya nawala sa paningin ko ang mag tropang bano.

Agad ako nito hinalikan sa pisngi at hinawakan ang tiyan ko. Halata na ito. Five months preggy na ako, kaya tuwing gabi pinag-ti-tripan 'to ni Zander, lagi niya kinakausap.

"Thank you, Tita" niyakap ko ito.

"Son," tumingin siya kay Zander, ngumiti. "You're a father now" naiiyak na saad ng Mommy niya, lumapit ito kay Zander at mahigpit niyakap ang anak.

Nag tama ang tingin namin ni Zander, I gave him a cutely smile. Binalik niya rin ang ngiti sa 'kin bago halikan ang kaniyang ina sa buhok.

"Yes, Mom." Mahinang sabi nito sa ina. "You're a grandma now" he gave her a small smile.

Pagkatapos umiyak ng Mommy niya ay sumunod ang Daddy nito, tuwang tuwa na mag kaka-apo na. Actually mas natuwa siya nang makita niya ang Daddy ko, mag bff na kasi sila. Nakita ko nga nag babatukan na habang tumatawa.

Nag-ikot lang kami kami sa loob para i-entertain ang mga bisita dito sa pa gender reveal ni Zander. Hindi ko nga naisip na mag pa gender reveal, mas gusto ko na nga malaman agad.

"Congrats, guys!" Bati ni Mike, malawak ang ngiti. "Woah, ang laki niya na" hinawakan nito ang tiyan ko.

"Ang angas naman" nakatingin sila sa tiyan ko, namamangha. Parang first time lang makakita ng buntis, amp.

Napatawad ko na sila. Medyo natagalan lang, kasi noong nag sisimula palang ako mag lihi, halos pag-initan ko silang apat pero ayos lang sakanila kahit pinapahirapan ko na. Maski si Zander nahirapan din, hindi lang pinapahalata. Ni ayaw ko siya katabi noon kahit nag mamaka-awa pa siya.

Ngayon, okay na. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon, dahil napatawad ko na sila. Ayoko naman ikulong ang sarili ko sa past. Alam ko pinagsisihan din nila 'yon, at saksi ako do'n. Nag effort sila para bumalik ang loob ko sa kanila at na-appreciate ko 'yon.

A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon