"I do." Napangiwi ako sa mabilis na sagot ni Zander. Hindi pa nga tapos magsalita si Father, sumagot na agad siya.
Natameme saglit si Father at ngumiti nalang. "Okay. You may now kiss the bride" napaayos ako ng tayo, habang itinataas ni Zander ang viel ko.
"You're so beautiful, Wife." Bungad niya nang maitaas ang viel.
"I know right, ehe!" I made face.
Tumawa ito saglit at dahan-dahan lumapit para bigyan ako ng isang magaan na halik. Napayakap ako sa bewang niya para sabihin na tagalan niya pa.
"Tama na 'yan!" Boses ni Miracle ang narinig kaya napahiwalay tuloy ako.
Binatukan siya ni Sherel. "Sige lang, mag malaplapan pa kayo" nag thumbs up pa siya bago pumalakpak.
"Brader, I got you!" Tumayo si Clark at muli hinampas ang dibdib.
Sumunod ang dalawa niyang kaibigan na pumapalakpak habang dahan-dahan tumayo. "Iba ang tagumpay! Shot, shot!" Sigaw nila.
Tumingin ako kay Father para humingi ng pasensya sa kalokohan ng mga kaibigan namin. Bakit ko ba kasi naisipan i-invite 'tong tatlo na 'to.
"Congrats, Anak!" Nang matapos ang ceremony, sumulpot agad sina Mommy kasama ang parent ni Zander.
Nakita ko pa magka-akbay ang Tatay ni Zander pati narin ang tatay ko. Talagang magkaibigan na silang dalawa. Kaya lang siguro pumayag si Daddy, kasi bff sila ng tatay ni Zander. Choz.
Nag picturan muna kami saglit bago sumulpot ang maiingay na tropa. Nag tutulakan pa sila. Nauna si Miracle na mabilis dumikit sa akin.
"Sadyain mong sa akin ibato ang bulaklak." Bulong nito. "Sabihan ko si Zander na ihagis niya ang garter malayo kay Lander." Dagdag niya pa.
Napaismid ako. "Paano kung traydorin ka niya at ibato kay Lander ang garter?" I asked.
"Hiwalayan mo" mabilis na sagot nito.
"Asa ka!" I rolled my eyes.
"Congrats, bestie!" Sumingit si Clark at pabiro itinabi ang ulo ni Miracle na nakaharang para siya ang bumungad.
"Thank you, Clark. Ikaw naman ang sunod" pang-aasar ko.
Inismiran lang ako nito bago siya lumapit kay Zander at mahigpit niyakap. "Brader, I'm so proud. Feeling ko, ako ang nag luwal sa 'yo" malakas niya tinapik ang likod nito.
Kumunot ang noo ni Zander bago ito tipid na ngumiti. "Thanks man!" Nakipag-kamay siya rito.
Hinapit ako palapit ni Zander nang mag simula na mag picturan. Tamang pose lang, 'yung iba nakasimangot na, Nagugutom na ata.
"Sigurado ako, mahahampas ko na talaga ng bulaklak si Clark." Pumwesto si Alyssa sa gilid kung saan ako mag hahagis ng bulaklak.
"Kailangan ba talaga sumali pa ako rito?" Nagkakamot sa ulo na lumapit si Creselia. "May nakita akong nag titinda ng Pop corn, bili kaya muna ako?" Tanong n'ya sa katabi.
"Huh? Sino kaba?" Kunot na tanong ng pinsan ko nang kalbitin siya ni Creselia. Umusog ito para malayo sa katabi niya.
"Sino ka rin!" Singhal niya rito at tumabi nalang kay Alyssa.
Nasa tabi lang ang mga boys habang ang mga girls nasa gitna, nakapwesto na. Nag ready na si Miracle, nasa dulo siya.
"Hari, huwag mo ihahagis kay Alyssa, Please!" Sigaw ni Clark. Nakahawak siya sa kamay niya habang nakatingin sa amin.
BINABASA MO ANG
A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)
Teen FictionNot An Angel Series #2 (Completed) Harianna Louie Lorena, a woman who only wants peace. All she wants is to get high grades to make her parents even more proud. She didn't think she would enter into a relationship because she was afraid to fall in l...