Chapter: 17

712 11 0
                                    

"Wala kami relasyon, Okay?!" Nawawala na 'yong pasensya ko sa dalawa na 'to. Kanina pa ako pinipilit kung ano daw at paano kami nag kakilala ni Zander.


Sabay sila napasimangot pero todo parin ang dikit sa akin. "Girl, alam ko nahihiya kalang sa akin. Please, we're friends. Don't be shy..put some more." Inaalog-alog ako ni Miracle kaya pabiro ko siya sinampal.


Ganoon din ang ginawa ni Karina kay Miracle. "Kapal mo, kahit mag hubad at mag sayaw ka sa harapan nun, hindi ka papansinin " Sabi ni Karina na tonong nang-aasar.


Lalo tuloy lumukot ang mukha ni Miracle at gumanti nalang kay Karina. "Ah, talaga ba?! Asaran ba gusto mo?" lumapit ito sakan'ya para bumulong. "Pinapaasa kalang ng Stever mo." Miracle said hiding her smirked.


Nawala tuloy ang ngiting nang-aasar ni Karina at agad ito napasimangot. "Pakialam ko doon? H-Hindi naman kami close nun." Sabay iwas ng tingin nito.


Napatakip kami parehas ni Miracle ng bibig habang nag katinginan. Alam naman kasi namin na parang may something sila, sinusundo nga siya ni Stever dito tuwing uwian.


"Mag sinungaling ka na sa lahat, wag lang sa amin. Kilala ka namin!" Hinampas ni Miracle ang kan'yang dibdib. "Magaling akong stalker." Proud na sabi niya habang panay parin ang hampas sa dibdib.


Bigla namutla si Karina, "H-Ha?! Wala kami tinatago ah.!" Winawalasiwas niya pa ang dalawang kamay nito sa harap namin.


Kumunot ang noo ko sa inakto nito, parang may tinatago si Karina. Bakit sa tuwing binabanggit namin si Stever nag-iiba ang itsura niya.


Hinayaan ko sila mag bangayan, tinitignan ko at inoobserbahan ko ang kinikilos ni Karina. Kailangan ko kung ano ang tinatago niya sa amin.


Kaso natapos ang klase na walang nalaman kay Karina, argh. Masyado kasi ako nag focus sa klase, napansin ko na parang nawawala ang focus ko sa ilang bagay mag mula nung dumating si Zander sa buhay ko. Ayan, Zander na naman! Walang katapusang Zander.


"Babae" hinarang ako ni Alyssa, may subo itong lollipop. Naka braid sa dalawa ang buhok nito habang ang kabilang kamay ay nasa kabilang strap. "Pakisabi sa pinsan mo, wag niya na ako guluhin, naiinis na ako." Pagkatapos niya sabihin 'yon iniwan na kaming tatlo nakatulala lang.


Nang mawala ang paningin namin sakan'ya, agad kami nag katinginan.  "Anyare do'n? Ang weird ah" pinag krus niya ang braso sa dibdib habang naiiling.


Mukhang sawi na naman ang pinsan ko ah.


"Ganoon lang 'yon, mas malala pa nga 'yan noong bata pa kami" mahina natawa si Karina.


"Hayaan niyo na, Tara gala nalang" aya ni Miracle sa amin. Nauna na siya maglakad at naiwan kami ni Karina.


Sumunod kami agad hanggang sa makalabas. Nagkayayaan lang parehas kasi kami nakapasa sa quiz kanina.


Nag-paalam na rin ako kay Zander na may pupuntahan para hindi na ako sunduin dito sa school.  Noong una, hindi talaga siya pumayag. Pero tinadtad ko siya ng message hanggang sa mainis, kaya ayun napapayag ko na.


Naisipan namin mag lakad nalang kesa mag biyahe pa, malapit lang naman ang samgyup dito. Dito rin kami madalas kumakain noong highschool.


"Oh, sino na naman 'to?" Bulong ni Miracle sa likuran ko nang may grupong babaeng humarang sa amin.


Kalmado ko sila tinignan kahit medyo nakaramdam na ako ng hindi magandang mangyayari ngayon. College na ito mga 'to. Halata naman sa uniform, do'n din kasi namin balak mag college if makatapos kami sa senior high.


A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon