Chapter: 31

725 13 0
                                    

"Type mo ba si Karina, ha?!" Sigang tanong ni Miracle kay Drae na may dalang grape juice para kay Karina.


Sa loob ng dalawang buwan, parang nakakaramdam kaming tatlo na may something 'tong si Drae kay Karina. Aba, wala siyang mapapala sa babae na 'yon. Masyadong loyal kay Stever.


Agad siya umiling. "I just want to give this to her" tukoy niya sa hawak na juice. Tumaas ang kilay ko. Ano akala niya mauuto kami? Palusot niya bulok.


"Akin nalang, nauuhaw na ako" kukunin sana ni Sherel kaso agad iniwas ni Drae. Napaismid tuloy si Sherel. "Ang damot mo naman! Hindi 'yan tatanggapin ng sister ko!" She rolled her eyes.


"Oo nga, umalis ka na nga lang!" Pag-tataboy ko. "Iwanan mo nalang 'yang juice, kami ang iinom" mabilis ko kinuha ang juice at ipinasa 'yon kay Miracle.


"Salamat sa juice, Drae!" She acted like giving him a kiss.


Mabilis umiwas si Drae kaya simangot na simangot si Miracle. "Umalis ka na nga!" Binato niya ang bote na hawak niya. "Bwisit!" She yelled.


Napahawak ako sa bibig para pigilan ang tawa. Ganoon rin ang ginawa ni Sherel, para hindi lalo maasar si Miracle. Kawawa naman lagi nalang pinagtatawanan.


Mga ilang minuto pumasok na kami sa loob. Sakto dumating si Karina, pagod na pagod ang gaga. Halatang kakagising lang e'


"Bakit ngayon kalang?" Bungad ni Sherel nang makaupo si Karina.


Inayos muna nito ang buhok at inilagay sa likod ang bag na hawak. "Nakalimutan mag alarm ni Stever." Umirap ito at mukhang badtrip. "Nyeta 'yon, hindi kasi nakikinig puro siya Ml" halatang may away pa nangyari bago sila makadating dito.


"Aguy, red flag!" Tinuro ni Miracle si Karina habang tumatawa.


Napasimangot kaming tatlo sakanya. "Puro ka red flag, kaya wala ka paring jowa!" Binatukan ko siya.


Napahawak si dibdib si Miracle. "Bakit ako lang? Ito rin naman" ginamit niya ang daliri para itulak ang ulo ni Sherel, nanahimik.


Kumunot ang noo ni Shere, napanganga. "Nanahimik na nga e' tapos napansin mo pa!" Pinalo niya ang braso nito. "Ikaw nga blinock ng ex, siguro na bwisit sa mukha mo" pang-aasar niya rito.


Lumakas ang tawanan naming tatlo. "Gagi, sakit no'n kung ako 'yon iiyak na ako" sulsul ni Karina, nang-aasar.


"You deserve an explanation!" Hinampas ko ang lamesa, napunta tuloy ang atensyon ng mga kaklase ko sa upuan namin.



"Tangik, may luha na oh" sinilip ni Sherel ang mukha ni Miracle.


"Boba!" Mahina niyang tinampal ang mukha ni Sherel. "Tumigil nga kayo! Ano naman kung blinock niya ako? Wala na akong pake" umayos siya ng upo at inirapan kaming tatlo.


"Muli ibalik ang tamis ng pag-ibig" pag-kanta ko habang nakatingin sakan'ya.


"Gago" she mouthed. "Sige, asarin niyo ako. Makakarma kayo, bwisit!" Nag crossed arms ito at hindi na tumingin sa amin.


Nanahimik kaming tatlo, syempre ayaw naman namin makarma. Baka mabokya pa ako sa quiz pag pinatuloy ko pa ang pang-aasar kay Miracle.


Habang nag discussed si Ma'am bigla may kumatok sa pintuan. Sina Alyssa blanko lang ang mukha nito hanggang makapasok sa loob.


"Magkakaroon ng event sa school, and kailangan namin ng grupo para makasama namin sa sayaw.." Pag-sasalita nito sa unahan. Tumingin siya sa gawi namin. "Ayang apat" turo sa amin. "Pwede na 'yan."


A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon