Chapter: 26

699 11 0
                                    

"Arin 'yung lalaki mo nandito!" Sigaw agad ni Daddy ang nag pa-gising sa 'kin. Ano ba 'yan ka aga aga naman mag bunganga nito.


A wrapped my self using my comforter and  ready to sleep again. Pero muli ako napabangon nang muli kumatok si Daddy, kaya inis akong tumayo para pagbuksan ito.


"Ano ka ba? Kanina pa ako katok nang katok" sermon agad ang bungad. I yawned while watching him getting mad at me.


Kumamot ako sa ulo. "Its only 8:00 am, Dad. Why are you so early? I don't have class naman" reklamo ko. Kakasimula lang kaya ng bakasyon namin.


Pinanliitan ako nito ng mata. "Nandito boyfriend mo, ipaalam ka na mag resort daw kayo kahit five days lang." Mukhang nalugi pa ang itsura dahil nakasimangot lang siya habang sinasabi 'yon.


Nanlaki agad ang mata ko at hindi nakakilos dahil sa narinig ko. Owemjii?! Kami mag re-resort? Re-ready ko naba ang two piece pang akit kay Zander? Choz.


"Really??" Excited na tanong ko. Tumango agad ito kaya dali-dali ako bumaba kahit wala pang hilamos sa mukha.


"Wow, iniwan talaga ako" rinig ko na sabi pa ni Daddy.


Nilingon ko siya at hinugis puso ang kamay ko at pagkatapos nun, nag flying kiss ako bago bumaba ng tuluyan.


Pagkababa ko nakita ko siya kausap ni Mommy sa salas. Nang makita ako ay tinapik na siya ni Mommy. "Ayan na pala siya e'" Mommy smiled at me. Lumapit ito at hinalikan ako sa pisngi. "Tulungan ko lang si Manang mag-ayos ng breakfast" paalam niya sa amin.


Nang makaalis si Mommy, agad ako lumapit sakan'ya at niyakap siya. "Zander ko!" I hugged him tightly. Amoy na amoy ko ang pabango na kumakapit na rin sa damit ko.


"Hmm, can I get a kiss from my girlfriend?" Malambing na saad niya habang hinihimas ang buhok ko.


Umangat ang tingin ko, sobrang gwapo niya talaga. Tumingkayad ako at mabilis siya hinalikan sa labi. "Ako naman!" I pouted.


He just laughed and quickly gave me a kiss. Medyo nabitin pa nga ako, but Daddy suddenly approached us. Masama ang tingin sa amin akala mo naman may nagawa kaming masama.


"Ang aga naman ng landian niyo sa pamamahay ko!" He crossed his arms over his chest.


I rolled my eyes. "Daddy naman!"


"Aba, ikaw..Arin ah! Lumalakas na loob mo porket may boyfriend kana" Ayan na siya, nanenermon na naman.


Hindi ako umimik hinayaan ko nalang siya mag salita, si Zander nakikinig lang kay Daddy. Buti nga nakakaya niya pa makinig kung ako 'yan baka nilayasan ko na siya.


"At ingatan mo 'tong anak ko pag pumunta kayo sa Swiss, pag 'yan nalunod..tatay mo ang gagawin kong anak" banta nito kay Zander, dinamay pa talaga ang tatay nito.


Napapadyak ako sa inis. "Daddy, hanggang 5ft lang ang lalim ng swimming pool doon" singit ko sa sakanila. "At alam ko ikaw ang nag pasimuno na doon nalang kami mag swimming kasi malapit, hmmp!" Pahabol ko.


Nag-iwas tingin agad ito, sabi na nga e' hindi talaga si Zander ang nakaisip ng lugar at may balak talaga ito kung saan ako dadalhin. Siguro nag pa bida-bida si Daddy at hindi pumayag sa gusto ni Zander.


"Masyado kasi malayo ang Batangas, baka mapano kapa" pinaglalaban pa ang sarili.


"Magiging ligtas naman ako, nandiyan si Zander" sagot ko at humawak sa braso niya.


A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon