Chapter: 43

1K 18 7
                                    

"Careful!" Muntikan na ako matumba buti may tao sa likuran ko at naalalayan agad ako.


Pag-lingon ko si Monica pala. Napalayo agad ako at sinamaan siya ng tingin, pucha hinawakan niya ako kadiri. Nandito ako ngayon sa resto ni Winter, bigla kasi ako nagutom, kaya napadaan ako dito.


"Hoy Ikaw!" Tinuro ko siya. "Ano gagawin mo sa 'kin? Sinundan mo ako 'no? Kapal mo ha!" Sunod sunod na sambit sakanya habang nakaturo.


Nanlaki ang mata niya. "Wala ako gagawin." Mahinang saad nito. "I'm sorry." Yumuko ito at nilagpasan na ako.


Bastos 'yon, hindi pa nga kami tapos mag-usap. Aayain ko pa siya ng suntukan sa labas ng resto ni Winter. Ang daya ah!


Inis ako nag-order at sinulyapan si Monica, busy sa kausap siguro related sa busy kasi nga nakapag work attire ang boba. Naramdaman niya siguro may nakatingin sa kan'ya kaya napunta ang mata niya sa gawi ko.


Pinakyuhan ko lang ito nang matapos ako mag-order. Tingin pa siya ah! Nakakairita talaga 'to. Parehas sila ni Zander na nakakainis kahit wala pa ginagawa.


Umupo ako sa gilid habang inaantay ang order. Nag scroll muna ako habang nag-aantay. Kita ko mga post ng ka batch ko, mga kinakasal na, may mga anak narin. Wow, bilis talaga ng panahon. Mga nangongopya lang sila dati sa 'kin, ngayon may mga pamilya na.


Nakaramdam ako may kakaiba sa tiyan ko, parang bigla ako nasusuka. May dumaan kasi tapos sumakit ang ilong ko dahil sa amoy no'n.


Dali dali ako pumunta sa cr para ilabas ang pinipigilan kong suka. Pagbukas ko si Monica ang bumungad.


"Tabi!" Tinulak ko siya at mabilis pumasok sa cubicle at isinuka lahat ang kinain ko kaninang umaga.


"Are you okay?" Hinagod ni Monica ang likod ko. Suka ako nang suka, ni hindi ko siya masagot.


Naiiyak narin ako, ayaw kasi tumigil. Nasusuka parin ako. Matapos ko maisuka lahat may inabot sa 'kin si Monica na pang mumog.


Napasandal ako sa sobrang panghihina. Parang gusto ko nalang umuwi at matulog. Ayoko muna kumain.


"Okay kana?" Nakalimutan ko si Monica pala ang kasama ko.


Aambahan ko sana kaso sa susunod nalang, baka umiyak e' mag sumbong pa kay Zander.


"Hindi, nandito ka e'" inirapan ko siya.


Bahagyan siya tumawa. "Congrats." Tinapik niya ang balikat ko at nag lakad na paalis.


Napaayos ako ng upo. "ANONG CONGRATS? DIMONYO KA TALAGA!" sigaw ko rito. Hindi na ako narinig, umalis na kasi. Epal 'yon ah.


Pina take out ko nalang lahat ng inorder ko. Nawalan ako ng gana. Parang gusto ko mag pahinga, nahihilo ako.


Dumiretso ako sa bahay ay natulog nalang. Tunog nang tunog ang phone ko pero hindi ko masagot, nakakatamad e' sa sunod nalang nila ako tawagan.


Muli umikot ang sikmura ko kaya muli ako pumasok sa Cr at sumuka. Naiiyak na ako, hindi pa ang ako kumakain, ang dami ko na agad sinuka.


Bakit ba ang sama ng pakiramdam ko? May nakain ba akong hindi maganda? May sakit ba ako? Hala, mamatay na siguro ako.


Lumabas ako nang may mag doorbell. Para akong zombie nag lakad. Gusto ko pa matulog kaso may epal na nag doorbell.


Pag bukas ko si Zander ang bumungad, may pag-alala sa mata niya. Mabilis ako niyakap. "You fucking made me worried" hinalik-halikan niya ang buhok ko. "You don't answering my calls."


A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon