Chapter: 32

740 11 0
                                    

"Omg, ang ganda ng susuotin!" Napahawak si Miracle sa dalawang pisngi niya nang makita ang susuotin para bukas.



Event na kasi bukas, at sasayaw na rin kami sa araw na 'yon. Nandito kami ngayon sa bahay ni Creselia. Nag pagawa kasi siya ng susuotin namin para sa sayaw. Crop top ang loob pati na rin ang jacket, lahat ng pang-ibaba namin ay short. Ang pinagkaiba lang is iba iba kami ng kulay...pwera lang sa amin ni Creselia na parehas white ang kulay. Siraulo talaga, mas bagay rin daw kasi sakanya ang white.



"Maganda sana guys kung kakantahin niyo rin" singit ni Clark habang nakasandal sa pader.



Binato siya ni Karina ng damit. "Pucha ka, ang hirap kantahin ng lengwahe nila." Umirap ito at pinag-pagutuloy ang pag check sa mga damit kung may mga sira.



"Suggest lang naman" kumamot siya sa ulo, muli siya tumahimik parang nag-iisip ulit.



"Ang pangit ng suggest mo, gago" singhal ko, tumawa lang ito habang umiiling.



"Mag lagay nalang kayo ng kunwari na lapel pati mic" hindi parin siya tumitigil sa walang kwenta niyang suggestions.



Sinamaan siya ng tingin ni Alyssa. "Tumahimik ka nga! Pangit ka na nga.. pati ba naman ang suggestions mo, panget" Ani nito kay Clark na nakasimangot sa sinabi ni Alyssa.



"Wow, grabe ha! Sakit mo mag salita." Lumapit ito at binatukan si Alyssa.



Nang samaan siya ng tingin, agad siya lumayo at nag simula na tumakbo. Si Alyssa naman hinabol pa si Clark, mukhang tanga tuloy sila nag hahabulan sa loob.



"Mga isip bata" mahinang saad ni Karina habang pinapanood ang dalawa nag hahabulan.



"Sinabi mo pa" natatawang sabi ni Creselia, nag titiklop ng damit.



"Mag jowa ba 'yan?" Tanong ni Sherel, nakatingin sa dalawa.



"Gaga, may bebe 'yan si Alyssa" sabat ni Creselia, nakatingin na sa 'kin. "Kilala niyan oh" tinuro niya ako gamit ang nguso.



"Ay weh?" Gulat ang mukha nito na tumingin sa 'kin. "Sino, Hari?" Chismosang tanong niya sa 'kin.



"Si Kevin?" Hindi sure na sagot ko. Wala kasi ako balita sa dalawang 'yan. Akala ko, tuluyan na na reject ang pinsan ko. Masyadong masikreto rin kasi si Kevin kaya wala akong makuhang sagot pag nagtatanong ako.



Ngumisi lang si Creselia at itinaas ang kilay niya. "Hmmm, siguro." She smiled.



"Dami mong alam, tukbol" hinampas ni Miracle ang kaniyang damit sa braso ni Creselia.



"Aray ko! Hinampas kita ha?!" Tinapunan niya ng masamang tingin si Miracle.



"Wag kayo ganiyan bukas, sinasabi ko sainyo. Ayoko mapahiya" nakasimangot na sabi sakanila ni Karina.



"Gagalingan ko doon, para maka-akit ng boylet" nag posing si Miracle sa harap namin, kumindat pa.



"Ang laswa mo, gago" tinawanan siya ni Sherel.



"Baka si Lander ang ma-akit mo ah" I teased her, nawala agad ang ngiti sa mukha niya.



"Hilig niyo talaga sirain ang mood ko" she rolled her eyes.




******



"My ghadd, kinakabahan ako!" Nakahawak si Creselia sa dibdib niya. Nakaayos na siya, nasa backstage kami.



A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon