"GET OUT OF MY SIGHT!" sigaw ko sa apat na alagad ni Zander na humarang sa 'kin pagkalabas ko palang ng opisina.
Hindi na nga ako ginugulo ng isa tapos may apat pa na sumulpot sa harapan ko, wala na ba akong oras mag pahinga?
"Hari." Lumapit si Mike pero mabilis ako lumayo. "Please... kailangan ka niya." Pag-mamakaawa nito.
"Pwes hindi ko siya kailangan." mabilis na sagot ko. Lalagpasan ko na sana sila pero mabilis ako nahawakan ni Chris.
"Alam naming galit ka pa." Napalunok si Chris. "Handa kami mag paliwanag"
Mabilis ako umiling. "No need!" Nah pumiglas ako pero ayaw talaga ako bitawan.
"Please. Ikaw lang nag pa-papa..amo kay Clane" lumuhod na si Mike sa harapan ko. "Alam ko ikaw lang may dahilan kung bakit mas lumala ang ugali niya ngayon. Halos gawin niyang miserable ang mga empleyado niyang nag ta-trabaho ng maayos" pag kwento niya.
Bored ko silang tinignan. "So? Siya ang sabihan niyo. Bakit ba lagi niyo ako dinadamay?"
"Okay lang kahit ganoon ang pakikitungo niya sa amin, pero 'yung mga empleyado na hangad lang ng maayos na trabaho para may mapakain lang sa pamilya nila ay hindi namin kaya makita nag hihirap dahil kay Clane" hinawakan niya ang kamay ko.
"Hari, alam ko masama ang loob mo sa amin. Pero sure kami totoo ang ipinaramdam ni Zander sa 'yo." Lumapit si Raph. "Mahal na mahal ka niya Hari, at saksi kami doon"
Inalis ko ang pagkahawak sa kamay ko at yumuko. Bakit ba nila sinasabi 'to sa 'kin. Ayoko na may marinig na kahit ano sakanila.
"Hindi ko na siya mahal." Malamig na turan ko at tumingin sakanila. "Kahit kailan ayoko na siya makita pa. Gawan niyo ng paraan kung ganoon ang pakikitungo niya sa mga empleyado niyo." Nilagpasan ko sila at nag tuloy-tuloy sa paglalakad.
"Ikaw lang ang nakakapag-pakalma sakan'ya, Hari." Tumigil ang paa ko sa paghakbang.
"Sarili niya lang kaya mag pakalma, Mike..at hindi ako kailangan do'n" sinimulan ko na ulit mag lakad papunta sa parking lot at iniwan na sila.
Lutang ang pumasok sa sasakyan ko at tumulala saglit. Sa Dalawang linggo naming hindi pag kikita ni Zander, mas lalo daw naging strict ay mainitin ang ulo sa mga empleyado niya.
Baka nag-away lang sila ni Monica niya.
Habang nag mamaneho ako muntikan ko na mabangga ang isang Ginang tulala sa paglalakad sa gitna ng kalsada. Halos kumalabog ang puso ko sa sobrang kaba.
Agad ako bumaba para tingnan kung ayos lang ba siya. Nakahawak lang ito sa dibdib niya. Mukhang nagulat din, kaunti nalang kasi malapit na siya masagasaan.
"Ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko.
Mabilis siya tumango pero mabilis parin ang paghinga. Inalalayan ko siya at pinaupo muna saglit dahil itatabi ko muna ang sasakyan.
Kinuha ko ang water bottle na hindi ko pa nababawasan para ibigay sa Ginang. Shock na shock parin kasi siya.
"Inom po muna kayo" inabot ko ang tubig at hinaplos ang likod nito.
"S-Salamat, hija." Nanginginig pa siya uminom sa tubig. Naawa tuloy ako bigla.
"Pasensya po ulit, masyado po ata akong lutang kaya muntikan na kayo doon." Hinawakan ko ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)
Teen FictionNot An Angel Series #2 (Completed) Harianna Louie Lorena, a woman who only wants peace. All she wants is to get high grades to make her parents even more proud. She didn't think she would enter into a relationship because she was afraid to fall in l...