Chapter: 27

683 7 1
                                    

Mabilis lumipas ang limang araw, kaya nandito na ako ngayon sa kwarto. Tulala, bored at walang magawa. Isang linggo narin ang nakalipas nang mag punta kami sa resort.



Si Zander busy, may mga ginagawa. Hindi ko naman maitanong kasi iniiba niya ang topic pag tinatanong ko 'yon. Siguro ayaw niya lang pag-usapan.



Tatlong araw na kami hindi nag kikita, miss ko na bebe ko. Matawagan nga si Mike baka nambabae na si Zander, Hindi siya nasagot sa call ko.


Nakakatampo nga siya, hindi manlang nag paramdam ng tatlong araw. Nakakainis na ah! Miss ko na siya pero galit ako sakanya. Ilang segundo lang naman masasayang para makapag reply pero hindi nagawa.



"Hello, Mike!" Sabi ko agad nang sagutin niya ang tawag ko.



[Oh, problema mo?! Kung meron man, wag mo ako idamay!] Sigaw niya sa kabilang linya. Inilayo ko tuloy agad ang cellphone, ang lakas ng boses.



"Grabe ka naman! Itatanong ko lang kung ano ginagawa ni Zander, hindi kasi siya nasagot sa calls ko." Bumangon ako nang kaunti at sumandal sa headboard habang hinihintay siya sumagot.



Natahimik ito saglit. [Nandito, kausap si Lander. Mamaya kana tumawag may gagawin pa kami] hindi pa ako nakakasagot bigla na ako binabaan.



Siraulong 'yon!  Hindi pa ang ako tapos kausapin siya. Padabog ko ibinaba ang phone ko at humiga ulit sa kama. Hayss, walang magawa. Ayain ko nalang si Miracle, puntahan namin si Karina sa condo nila ni Stever.



Magkasama sila ngayon ni Stever, siya pala tumulong kay Karina. Kapal ng mukha no'n akala ko nakatira talaga siya sa apartment, sinungaling na babae.



Tumayo ako at nag simula na mag-ayos para puntahan at guluhin si Miracle. Wala naman 'yon ginagawa. Panigurado nandoon siya sa mga bulaklak na tanim nito.



I quickly arrived at Miracle's house, Manong's guard recognized me so I entered their house immediately. At tama nga ako nandoon si Miracle sa garder niya.



"Psst!" Sitsit ko nang makita si Miracle nakatalikod. Busy siya sa pag didilig ng mga bulaklak niya.



Humarap agad ito, nagulat pa nang makita ako sa harapan niya. "Hari? Ano ginagawa mo dito?" Ngiting ngiti ito lumapit at niyakap ako. "Narealize mo na bang, mas mahalaga ang kaibigan kesa sa boyfriend? Nag break na ba kayo?" hinawakan pa ang dalawang balikat ko at inalog alog ito.



I slapped Miracle on her arm. "Bitch, bumisita lang ako, ayain sana kita pumunta sa condo ni Stever. Bisitahin natin si Karina"



Kuminang agad ang mata nito. "Omg, Tara baka gumagawa na sila ng inaanak natin" tumakbo na siya papasok sa bahay nila para mag-ayos. Tinawanan ko nang muntikan pa siya matisod.



"Alam mo ba kung saan ang condo no'n?" Tanong ni Miracle nang matapos mag-ayos.



"Oo, Tara na!" Hinila ko na ito paalis ng bahay nila kaso bigla siya hinarang ni Manong guard.



"Mang Tomas, pupunta lang kami sa isa kong friend. Wala kaming gagawing kalokohan" paliwanag ni Miracle sa Guard.



"Ma'am, ipaalam niyo po muna kay Sir, Lander. Nag bilin po kasi siya na wag ka daw palabasin" kinakabahan na saad ni Kuya Guard.



Inis na nilabas ni Miracle ang phone at nakasimangot lang habang nag da-dial. "Ugh, kailangan pa ba gawin 'to" reklamo nito.



"Aalis ako kasama ko si Hari." Bungad agad ni Miracle nang sagutin ni Lander ang call.



A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon