Chapter: 13

690 13 0
                                    

"Woah, nag-abala ka pa talaga, Arin." Hinampas ni Daddy ang braso ko habang nakatingin sa mga cookies na binake ko. "Gagi, naiiyak ako, anak!" Humawak ito sa dalawang pisngi. Mukhang mag da-drama na naman.


Inayos ko muna ang aking salamin bago sagutin ito. "Para 'yan sa dalawa kong kaibigan, Dad."


Napabitaw ito sa pagkahawak ng pisngi at sinimangutan ako. "Where's my cookies?" Kunot na tanong nito.


"Si Mommy may cookies 'yon," makahulugan na sagot ko kaya nabutukan ako ni Daddy.


"Kanino ka ba sumasama? Bakit gan'yan kana mag salita?" Inalog niya ang dalawang balikay ko. "Sabihin mo sa akin, nag rerebelde kana ba?" Patuloy parin siya sa pag-alog kaya mahina ko siya itinulak para makawala sa pagkahawak nito.


"Mauna na ako, Dad" yumakap ako at dinampot na ang dalawang box.


"Hindi pa tayo tapos mag-usap!" Sigaw nito pero diretso lang ang lakad ko.


Malapit na ang sembreak namin, bale ito na 'yung last class namin. Malapit narin kasi mag pasko. Ito ang favorite holiday ko sa lahat.


Tuwing pasko kasi madalas nandoon ako sa kamag-anak namin. Doon kami nag ce-celebrate. Isama mo pa ang mga regalo nakukuha ko tuwing pasko.


"Zander?" Pagkabukas palang ng gate, siya na agad ang bumungad. Napapansin ko napapadalas na ang pag hahatid at sundo nito sa akin.


"Get in." Supladong saad nito. Nauna na siya pumasok sa loob, naiwan na naman akong tulala. Bwisit talaga.


Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ko? Halos araw-araw na kami nag-kikita. Kunti nalang talaga iisipin ko na may gusto 'to sa akin.


Tahimik ako pumasok sa loob. Ipinatong ko sa binti ang box na ibibigay ko kina Karina. Tuwing malapit ang Christmas palagi ko sila ginagawan ng cookies.


"What is that?" Ngumuso ito sa dalawang box. "Gift?" He added.


"Yeh, para sa kaibigan ko." Simpleng sagot ko habang nakasilip sa labas.


"Where's mine?" Tanong nito. Nabato ako saglit at mabilis tumingin kay Zander. Hindi ko kasi alam kung ano isasagot ko.


Wala naman pumasok sa isip ko na gawan siya ng cookies. Malay ko bang gusto niya 'yon. Akala ko kasi hindi siya mahilig sa mga matatamis.


"Uh..cookies 'to."


"And so? Just give your gift to me." Mukhang naiinis na ito pero pinipigilan niya lang.


"Ahmm...ano kasi." Kumamot ako sa ulo. "Nakalimutan ko, hindi ko naman kasi alam na gusto mo ang mga ganito" I gave him a fake smile.


Hindi ito sumagot, pinagpatuloy nalang ang pagmamaneho. Medyo nakonsensya ako dahil nakalimutan ko siya gawan. Pero bakit naman ako makokonsensya? Sino ba siya?


Pasulyap sulyap ako kay Zander pero sobrang dilim ng mukha nito. Gusto ko sana kausapin kaso baka magalit. Teka, bakit ba siya magagalit? Wala naman ako ginawang masama.


Hanggang sa makababa ako, wala parin siya imik. Nag pasalamat nalang ako at umalis na agad. Bakit parang bumigat ang puso ko nang hindi ako nito kausapin. Parang cookies lang e'.


"Wow, cookies!!!" Patalon-talon lumapit si Miracle. "Salamat, Hari....sana mabuhay kapa nang matagal." Malapad ang ngiti nito habang kinukuha ang cookies sa kamay ko.


"Trenta nalang para sa 'yo." I teased. Natigilan ito bigla sa pag bubukas ng box at sinamaan ako ng tingin.


"Bayaran ko nalang pag hindi ako nasarapan." Sagot nito at bumalik na sa upuan niya. "Hanep, sarap ng cookies mo, Hari!" Sigaw ni Miracle. Nakataas ang kamay nito hawak ang cookies.


A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon