"Sup, Lander!" I smiled at him.
Nakita ko siya may kinukuha sa kotse nang kalbitin ko 'to. Nasa bahay ako ngayon ni Miracle, susunod daw sina Karina may gagawin pa daw kasi.
Nandito kami ngayon, kasi inaasign kami na kami daw ang mag dedecorate para sa event. Malapit na ang Valentine's, Kaya minamadali na namin matapos.
Ngumiti ito pabalik at kinawayan ako. "Hi, Hari. Nasa garden ngayon si Miracle" Sagot nito, may hawak na ito ng mga tools para sa gagamitin namin pan decorations. "Ang arte ng kaibigan mo, ayaw pumayag na hindi kumikinang ang mga gamit niya." Tumawa ito habang umiiling.
"Nako, pag-pasensyahan mo na. Alam mo naman obsessed siya sa mga ganiyan." Nakitawa narin ako.
"Yah, pansin ko rin. Hindi lang siya sa bulaklak obsessed" parang may napapansin ako sa kinikilos niya pero ayoko naman lagyan ng issue. Alam ko naman na nandiyan lang siya sa tabi ni Miracle para bantayan.
Magsasalita pa sana ako kaso lumabas si Miracle sa gate, nakasimangot na nga ang gaga e' "Hoy, kanina pa kita hinihintay. Ubos na 'yung mga materials ko at-" natigilan siya nang makita ako. "Oh, nandiyan kana pala!" Lumapit siya at hinampas ako sa braso.
"Here, Mimi. May kailangan kapa?" Binigay ni Lander ang mga ilang materials na kaya lang buhatin ni Miracle. "Just call me, if you need something." He winked.
Nauna pumasok si Lander at naiwan kami ni Miracle sa labas na nakanganga. "Pucha, ano 'yon? Parang gago, amp!" Nagkakamot sa bulong ni Miracle.
Gusto ko matawa sa reaction ni Miracle, halatang may galit parin siya kay Lander. Ewan ko ba sa babae na 'yan, hanap siya nang hanap ng prince charming niya pero hindi niya nakikita si Lander as her prince.
Gwapo kaya si Lander, sobrang galing niya rin manamit. Napakalinis sa katawan, at higit sa lahat mukhang healthy living, ganda kasi ng katawan may maugat pang kamay... putik bakit ba naisip ko pa 'yon dapat si Zander lang ang iniisip ko, hindi ang iba.
Speaking of Zander, nag sabi siya sa 'kin, na hindi kami makakapag kita dahil madami pa daw siya gagawin pero tawagan ko daw siya pag uuwi na ako para masundo ako.
Swerte ko naman.
"Tara na nga, it's so hot!" Maarteng saad ni Miracle habang pinupunasan ang pawis niya.
Sumunod na rin ako at dumiretso kami sa garden niya. Napanganga pa nga ako nang makita ko kung gaano kalago ang mga tanim nito. May mga harang pa ang ibang tanim para hindi madali. Masyadong protective si Miracle pag dating sa bulaklak.
"Grabe, ang ganda!" Lumapit ako sa isang tanim na Daisy at hinawakan 'yon. "Hindi ako makapaniwala na tinanim mo lahat 'to." Lumingon ako kay Miracle na maingat pinuputol ang white roses.
Nilagay niya ito sa news paper at binalot. "Whatever, Hari." She rolled her eyes. "Tulungan mo akong balutin 'to." Utos niya sabay bigay ng news paper sa 'kin.
Lumapit ako at nakibalot na rin. "Bakit white? Diba dapat red?" Tanong ko habang inaamoy ang bagong pitas na bulaklak.
Tumigil siya at tinaasan ako ng kilay. "Kung merong black baka ganoon pa ang pinitas ko para ipamigay sakanila." Napa cross arms ito. "Bwisit na Valentine's 'yan! Wala pa nga akong jowa." She pouted.
Kaya siya pumipitas para ipamigay sa mga schoolmate namin, para maranasan naman nila mabigyan kahit wala silang karelasyon. Alam daw kasi ni Miracle ang feeling na walang nag bibigay na bulaklak kaya ito ang ginagawa niya.
Binabalot namin, lalagyan pa 'yan ni Miracle ng Ribbon para pagandahin. Mamaya naman ay gagawa na kami ng mga decorations para maganda ang maibungad sa mga estudyante at outsiders pag pumasok sila sa school namin.
BINABASA MO ANG
A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)
Teen FictionNot An Angel Series #2 (Completed) Harianna Louie Lorena, a woman who only wants peace. All she wants is to get high grades to make her parents even more proud. She didn't think she would enter into a relationship because she was afraid to fall in l...