Chapter: 47

995 13 1
                                    

"Takte? Bakit nandito 'to sa kasal ni Karina?" Gigil na bulong ni Miracle sa 'kin, masama ang tingin kay Lander.



Kumunot ang noo ko at sinilip si Lander, katabi niya si Zander. Magkahiwalay ang babae at lalaki sa upuan. Nandito na kami ngayon sa simbahan, kasal ni Karina today.



"Hindi ba, mag kaibigan na si Stever at Lander?" Tinignan ko ito, nakasimangot lang siya habang nakatingin sa harapan. Hindi niya talaga matanggap na nandito si Lander.



Ano ba nangyari sakanila? Ang alam ko lang is pinatigil niya na mag bantay si Lander. Pero nag tataka ako bakit galit na galit siya rito. Mabait naman si Lander ah.



"Wala na. Sira na naman ang araw ko." Bumuntong hininga ito at pinagkrus ang braso sa dibdib.



Palihim akong natawa habang naiiling. Tumingin ako sa kabila, nakita ko si Creselia mukhang naiinip na. Nakatingin siya sa bata na may dalang KitKat. Si Alyssa at Sherel naman rinig na rinig ang pinag-uusapan.



"Nakita mo ba 'yon?" Rinig kong tanong ni Alyssa, nakaturo sa babaeng nasa harapan niya. "Noong lumingon siya sa pwesto natin, nakita ko may kulangot na kumaway sa bandang gilid ng ilong niya." Nilingon ko ito nakita ko siya nakangiwi na. "Balak ko sana pitikin, kaso baka mahiya siya." She added.



Hinampas siya ni Sherel. "Marinig ka niyan." Bulong niya rito.



"Shh, nag sasalita na si Karina oh!" Saway ko sa dalawa.



Napunta ang tingin ni Alyssa sa pwesto ko. "Hoy, Ikaw. Ang laki ng tiyan mo, gusto mo suntukin ko 'yan?" Pag bibiro niya.



"Sige. Basta unahin ko 'yang mukha mo" I rolled my eyes.



"Woah, wag mo asarin si butchog" mahinang tumawa si Sherel habang nakatakip ang bibig.



Palihim kong kinurot si Sherel. "Who you ka sa 'kin pag nanganak na ako." Masama ko siya tinapunan ng tingin. "Palibhasa, wala kang dilig ngayon." Pang-aasar ko.



Napahawak siya sa dibdib, maski si Alyssa pinanlakihan rin ako ng mata nang marinig ang pinag-uusapan namin.



"Ikaw, Hari. Wala akong sinasabi sa pakwan mong tiyan. Wag mo kami sinasaktan." Singit ni Alyssa.



Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko ah! Bakit natamaan ka? Hindi kaba diniligan ng pinsan ko?" Kinagat ko ang labi para pigilan ang pag tawa ko.



Natameme ito bigla. "Heh! Ayaw na kita kausap." Umirap siya at umusog palapit kay Creselia na nakikihati sa KitKat ng bata.



Tumingin na ako sa harapan. Umiiyak ngayon si Stever habang nag sasalita. Nakakatuwa makitang nasa tamang tao na si Karina. Dati, halos wala siyang pakialam sa mga lalaki. Ngayon may katuwang na siya sa buhay may bonus pa na Sachi.



"You may now kiss the bride." Nag hiyawan ang tropa ni Stever nang simulan niya na itaas ang viel ng kaniyang asawa.



"Ang lakas mo fafa Stever!" Sigaw ni Ced. Napatigil lang ito nang bigla siya sitahin ni Zach.



"Yuck, Kadiri, bastos!" Tinakpan ni Miracle ang mata pero pa-simple naman sumisilip.



"Woah, Tara sa reception!" Tumayo si Creselia, nag-uunat.



Kineltokan siya ni Alyssa sa ulo. "Hindi kaba kumakain sa bahay niyo?"



"Hindi. Hinanda ko talaga sarili ko dito." Gumalaw siya na parang ready na makipag boxing. "Come on, come on!" Lalabas sana siya pero mabilis ito hinila ni Alyssa.



A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon