Chapter: 15

736 15 0
                                    

"Omg..what do I do?!!" Napasabunot ako sa buhok sa sobrang frustrated. "Bakit ngayon pa nasunog!!!" Natatarantang saad habang sinusuot ang baking gloves ko.



Nanlulumo ako nakatingin sa mga cupcakes na nasunog dahil sa kapabayaan ko. Argh! Wala na akong oras para ulitin 'to.



Nandito ako ngayon sa condo. Napag-isipan namin ni Zander na dito nalang kami mag celebrate ng new year's eve. Ako bahala sa mga cupcakes at Siya naman bahala sa mga lutong ulam, dahil doon naman siya magaling.



Kaya lang kung kailan parating na siya doon lang nagkaroon ng problema. Sobrang na busy ako sa paglilinis ng condo hindi ko na napansin na may sinalang pala ako sa oven.



First time kong hindi makasama sina Daddy ngayon new year..masyado silang busy kaya nandoon sila ngayon sa ibang bansa.



About doon sa pag-kikita ni Daddy at Zander, akala ko magkakaroon ng war noong araw na 'yon. Nag-usap lang naman sila, pinagsabihan niya din na wag sasaktan inshort pinaubaya na ako sakan'ya.



Pinagsabihan din ako ni Daddy. Baka daw dinadala ko si Zander sa aking condo..kaya ayun nalaman tuloy na may condo ako. Ilang beses pa nga ako tinanong ni Zander about do'n kaya napag desisyonan niya na dito nalang daw kami new year.



Gumawa ulit ako ng bago habang wala pa si Zander. Binilisan ko na ang galaw, halos mag mukhang the flash na ako sa ginagawa ko. Puro harina na ang mukha at ang apron, pero wala akong oras para alisin ang mga 'yon.



"Shit" I whispered. Puro mga bowl at baking materials ang nasa ibabaw ng lamesa ko. Sobrang gulo, nakakahiya kay Zander.



Ay bakit ba ako mahihiya? E' halos ako na nga ang nag lilinis ng mga kalat niya sa condo. Makalat din naman siya, bakit ako mahihiya? Dahil ba, baka maturn off ito sa akin? No...nag kukunwari lang naman kaming mag karelasyon bakit ako nag wo-worry?



Bahala na nga!



Nang matapos ko na ilagay lahat sa cupcakes pan at mabilis ko na ito nailagay sa oven. Kumuha ako ng basahan para sa mga kalat sa ibabaw ng lamesa ko.



Natigilan lang ako nang biglang may mag doorbell. Agad ko inilagay ang basahan sa gilid at tumakbo papunta sa pintuan.



"Hi~~" I smiled widely. Hinihingal pa ako e' kaunti lang naman ang tinakbo ko pero ang bilis ko hingalin.



Nagulat pa ito saglit pero agad din bumalik sa dati nitong itsura. Naka black jeans at white t-shirts na pinatungan niya ng denim jackets, simple lang pero ang lakas ng dating...sobrang linis, walang mga hikaw sa tenga at sa labi nito.



"What happened to your face?" Kumunot ang noo nito at agad ako nilapitan. "A flour?" Inalis niya agad ang mga harina sa mukha ko.



"Ahm, hindi ko napansin..masyado ako nag-enjoy." I lied. Mukha ba ako nag-enjoy sa lagay na 'to? Haggard na nga ako e.



Tipid ito ngumiti at mabilis ako hinalikan sa noo. "You are still look pretty, Harianna." Malumanay na saad nito kaya hindi ko maiwasan kiligin.



"Uh, thanks. Tara, pasok ka." Kinuha ko ang kamay nito at hinila papasok sa condo.



Nilibot niya ang paningin habang hinihila ko ito papasok. Pinaupo ko muna siya sa sofa kasi hindi pa ako tapos mag linis sa kusina. "Your condo is nice." Hindi parin siya tapos ilibot ang paningin sa paligid.



"Thanks!" I smiled.



Saglit ito napasinhot at ibinalik ang tingin sa akin. "Hey, it smell like something's burning" mahinang saad nito.



A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon